ISLA RAE ALONZO
"NAY, Tay, aalis na po ako," paalam ko.
Nakasuot ako ng simpleng bestida. Sabado ngayon at dadalo ako sa birthday ni Tita Alyannah, ang mama ni Matt at ni Ana. Naglagay rin ako ng kaunting kolorete sa mukha, para naman hindi ako mapahiya. Hindi ko alam kung marami ba ang dadalo kaya mas mabuting handa ako.
"Mag-ingat ka anak, 'wag kang masyado magpapagabi, ha,"
Ngumiti ako. "Opo nay, tay," saka ako lumabas ng bahay.
"Bes!" Nag-angat ako ng tingin. Napangiti ako nang makita ko si Ana, nasa labas na sila ng maliit naming bakuran. Malapad ang ngiting lumapit ako sa kanila.
"Wow naman, bes! Nagpaganda ka ba para sa birthday ni mama or para kay kuya?"
Mabilis ko siyang kinurot sa tagiliran. Namumula na napatingin ako sa loob ng sasakyan, naghuhumirintado ang puso ko nang makita ko kung gaano ka-gwapo si Matt.
"H-hi,"
He raised his hand and said 'hi' to me too. Ngumiti ako at pumasok. Sa front ako pinaupo ni Ana kaya wala na naman akong choice kundi ang makatabi ang kuya niya.
"You look beautiful in your dress," nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Namula na parang kamatis ang pisngi ko dahil sa papuri nito.
"T-thank you,"
Narinig ko ang mahinang hagikhik ni Ana, kaya naman binalingan ko siya at sinamaan ng tingin.
●●●●●
THIRD PERSON POV
NAGTATAKANG napatingin si Jose sa kanilang pintuan. Gabi na at kaaalis lang ng kanilang anak na si Isla, nagpaalam itong dadalo sa party ng nanay ng kaibigan niya.
"Oliver, napadalaw ka," ngiting bati ni Jose sa binatang kadarating lang. Welcome ito sa bahay nila kahit anong oras ay pwede itong magpunta. Ngunit ang pinagtataka ni Jose ay kung bakit halos araw-araw itong nasa bahay nila. Madalas rin na doon na ito natutulog.
"Where's Isla?" Nagtataka man, sinagot pa rin ni Jose ang kaibigan.
"Kaaalis lang. Sinundo ng mga kaibigan niya,"
Nakita niya ang biglang pagkunot-noo ng binata. Mas lalo siyang nagtaka nang makita ang biglang pagdilim ng itsura nito.
"Bakit mo nga pala hinahanap ang anak ko, Oliver?" takhang tanong ni Jose.
Biglang nag-iba ang mukha nang binata. Nawala ang kunot sa noo at ang dilim ng mukha. Tumikhim rin ito at naupo sa harapan ni Jose.
"Uhm… may nakalimutan kasi siya sa kotse kahapon nang hinatid ko siya," saad nito.
Napatango naman si Jose.
Laking pasasalamat ni Oliver nang mawala ang pagtataka sa mukha ng kaibigan.
"Siya nga pala, dito ka ba kakain? Nagluto ang asawa ko,"
Mabilis na umiling si Oliver. "I actually have a night party. Pumunta lang ako dito para ibigay ‘to kay Isla," sabay abot ni Oliver sa hair tie na kulay purple. Truth is, hindi iyon nakalimutan ni Isla. Balak niya iyon ibigay sa dalaga. Ngunit ngayon ay wala ito sa bahay nila.
Hindi nagtagal si Oliver, mabilis siyang nagpaalam sa kaibigan. Wala siyang balak pumunta sa bachelor party. Gusto man niyang sundan ang dalaga ngunit hindi maaari dahil hindi naman niya kilala ang mga kaibigan nito.
Nagpasya na lamang siya na umuwi sa condo at doon magpakalasing.
●●●●●
ISLA RAE ALONZO
NAPAHAWAK ako sa laylayan ng bestida ko. Nahihiya, natatakot, at puno ng kaba ang puso ko habang papalapit kami sa mga magulang ni Ana at Matt.
"Hey, relax, hindi ka kakainin nila mama," mahinang bulong sa akin ni Matt na siyang nasa tabi ko. Wala si Ana, pumunta sa kwarto niya at may kukunin daw ito.
"Pwedeng umuwi na lang?" Ngiwing sabi ko.
Nakakahiya, lalo na at wala akong dalang regalo.
Mahinang natawa si Matt. "You're funny," aniya.
Tuluyan na akong nanlamig nang makalapit kami kila Tita Alyannah. Ngumiti siya sa akin, pero ang ibang mga kasamahan niya ay napataas ang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Isla, my daughter-in-law, buti at nakarating ka," masiglang sabi ni Tita at nilapitan ako.
"H-hi po," nahihiya na sabi ko.
Mas lalo akong nahiya nang yakapin at halikan niya ako sa pisngi. Sobrang bango niya, at sobrang expensive ng pustura niya.
"Come, ipakikila kita sa mga kaibigan ko," saad niya sabay hawak sa braso ko.
Nilingon ko si Matt, humihingi ng tulong na tiningnan ko siya ngunit kinindatan niya lang ako bago ito naglakad paalis. Wala na akong nagawa kundi ang magpahila kay Tita Alyannah.
"Everyone, I would like you to meet my daughter-in-law!"
Nagbulung-bulungan ang mga ito habang nakatingin sa akin.
"T-tita,"
Napansin siguro niya na nanginginig ako sa hiya kaya niya ako hinawakan nang mahigpit. "Relax, mababait naman ang mga 'yan," bulong niya.
Gusto ko na lang tumakbo. Gusto kong makawala sa higpit ng hawak ni Tita. Gusto kong umalis na lang at maglaho sa mga matang puno nang panghuhusga.
"Is this really your daughter-in-law, Alyannah?" Sabay tawa ng isa.
"Hindi ka man lang nahihiya na baka mag-back out ang mga kasosyo ninyo sa negosyo kapag nalaman nilang may daughter-in-law ka na amoy lupa," Sabi pa ng isa at nagtawanan sila.
Biglang nanikip ang dibdib ko. Puno ng kahihiya'n ang buong pagkatao ko. Nahihiya ako at mas lalo na nang makita ko ang ibang bisita na ngayon ay nasa sa amin na ang atensyon.
"Watch your word, Karen." Halata ang inis sa boses ni Tita Alyannah. Bumaling siya sa akin. "Ignore them, insecure lang ang mga 'yan sa iyo dahil ikaw ang gusto ko para kay Matt, hindi ang anak nila."
Iginiya ako ni Tita Alyannah paalis. Dinala niya ako sa isang malaking table. Namataan ko doon si Ana, Matt at may mga iba pang kababaihan. Tumayo si Matt nang makita niya ako.
"Hey, you okay?"
Tipid lang akong ngumiti. Umupo ako sa tabi ni Ana. We had a little chitchat. Ayoko makipaghalubilo sa mga tao dahil feeling ko hindi ako belong sa lugar na ito.
I also kept my distance from Matt. Kinakausap ko lang siya kapag nasiguro ko na walang nakatingin sa amin.
Hanggang sa matapos ang party. Nagsiuwian na ang iba at ito ako, palabas pa lang dahil ihahatid ako ni Matt.
"Isla,"
Napalingon ako nang hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya.
"Hmm?"
"I'm not gonna ask if you enjoy the party dahil halata naman na hindi. I'm sorry,"
Tipid akong ngumiti sa kanya. It wasn't his fault, they invited me here. At kung hindi man ako nag-enjoy hindi nila kasalanan ‘yun.
"Ano ka ba, okay lang ‘yun,"
I saw him bit his lower lip. Sinuri ko ang mukha niya, para bang may gusto siyang sabihin. Gusto kong tanungin ngunit nahihiya ako.
"Tara na?" Aya ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Magkasalikop ang kamay namin na naglakad palapit sa sasakyan niya ngunit hindi pa man kami nakakasakay nang may pumarada sa harapan namin.
"Kilala mo?" I asked Matt. Umiling siya.
Pareho naming hinintay na bumaba ang taong nasa loob ng sasakyan, at ganoon na lang ang gulat ko nang makita si Ninong Oliver na siyang bumaba sa sasakyan nito.
"Ninong Oliver?" Kunot-noong sambit ko.
‘Ano'ng ginagawa niya dito?’
I brushed my thought away. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Matt nang makita ko si Ninong Oliver na naglakad palapit sa gawi namin.
"Let's go, Isla," saad ni Ninong Oliver.
Lumapit siya sa amin at walang pasabing kinuha ang kamay ko. Napabitaw ako sa kamay ni Matt nang hilain niya ako.
"Ninong Oliver, bitawan niyo nga ako," mahinang bulong ko. But he didn't listen. Hinila ako nito hanggang sa maipasok ako nito ng tuluyan sa sasakyan nito.
**********
Xoxo ☺️❤️