ISLA RAE ALONZO TININGNAN ko si Ninong Oliver. Nakatayo siya sa may island counter sa likod ko kung saan ako naka-upo. Ilang minuto na rin simula nang dalhin niya ako dito sa napakalaking bahay na 'to. Kanina ko pa siya kinukulit na ibalik ako, pero patay-malisya lang siya. Kanina ko pa nga siya minumura sa aking isipan, pero kahit ano yata ang gawin ko ay wala siyang pakialam. “So tell me, bakit mo 'ko dinala rito?” Nakita ko na nagsalin siya ng wine sa isang baso. Lumingon siya sa akin at kinindatan ako, na inirapan ko naman. 'Sana ma-dislocate 'yang mga mata niya para 'di na siya makakindat pa!' Naglakad siya palapit. Hawak niya sa kanyang kamay ang isang basong wine, then he sat across me. Sumimsim siya sa wine habang nakatingin sa akin. Napalunok tuloy ako. “Ano? Tititigan mo na

