ISLA RAE ALONZO NAPABUNTONG-HININGA ako. Hindi na ako makatulog. Alas tres pa lang ng madaling araw at sinasabayan pa ng mga huni ng ibon. Tumayo ako sa kama. Ayoko naman na mag-open ng TV dahil masyado pang maaga para manood at gawing libangan. Inikot ko ang buong kwarto. Napangiti ako nang makita ang walk-in closet. “Hindi naman siguro magagalit si Ninong Oliver kung papasok ako sa walk-in niya, diba?” Kinagat ko ang daliri ko. I looked at the door. Lumapit muna ako dito at siniguradong naka-locked bago pumasok sa pakay ko. Napanganga ako nang makita ko ang loob. It was a huge walk-in closet. Suits, polo, longsleeve—iba't ibang kulay pero mas marami ang itim at puti. 'Yung mga shirt, n'yang maayos na naka-fold. As in, makikita mo talaga na sobrang linis. “Mas malinis pa siya kis

