PROLOGUE

1490 Words
--Sacha-- "YOU ASSHOLE! I said, go back!--My brother needs me! naghuhumiyaw na wika niya kay Fuji Taka. Isa sa mga Hencher nya. But, Fuji didn't listen to her as he continue driving so fast. Fuck! I hate this man! Nag-aalala siya para sa kakambal niya na si Zeki. Naiwan ito kasama si Hendrix, nagkaroon ng bulilyaso ang huling transakyon nila rito sa bansa. Napaigik siya ng muling maramdaman ang tama niya sa hita at balikat. Ang mga walang-hiyang LA EME, panigurado siyang LA EME ang may gawa nito. Nangangalit na kinuyom nya ang palad. Talagang hindi titigil ang LA EME na patayin silang magkapatid. Mula nang mamatay ang mga magulang nila, tanging sila na ni Zeki ang humalili sa lahat ng negosyong hawak ng White Fence. Ang White Fence ay isa sa mga kinatatakutan at malaking Mexican American Street Gang or Mexican American Mafia sa East Lost Angeles. They do illegal businesses, drugs trafficking, guns, money laundering, kabilang din sila sa isang organized crime syndicate ang The Pacific Cartel. Nagkaroon ng matinding sigalot sa pagitan ng La Eme o Mexican Mafia na nakabase sa bansang Mexico at Colombia. Nagsimula ang lahat ng patayin ng kanyang ina ang asawa ni Don Luis Horquez. Hindi nila alam kung bakit nagawa iyon ng kanilang ina pero isa lang ang nasisiguro nya..may mabigat na dahilan ang kanyang ina. Kaya naman, pinapatay ni Don Luis ang kanilang magulang. Namatay ang mga ito sa brutal na paraan. Hindi niya matanggap. Gaganti siya, gaganti silang magkapatid. Kung kinakailangan ubusin niya ang lahat ng lahi ni Don Luis ang gagawin niya. Lalo na ang demonyong anak nito na si Judas Horquez. Isang malakas na putok ang nagpabalik sa kamalayan niya. Narinig niya ang pagmumura ni Fuji. Binilisan pa nito lalo ang pagmamaneho. Bumunot siya ng baril at sumilip sa bintana at nakipagpalitan ng putok sa kalaban. "Mierda! Mierda!--" usal na mura habang walang takot na nagpapaputok. "You need to jump out of the car!" sigaw na utos ni Fuji sa kanya. Umayos siya ng upo at pinandilatan ito ng mata. "Tarantado ka ba? Bat ko gagawin 'yun?" sigaw niya. Pabilis ng pabilis ang pag drive nito upang makalayo sila sa kalaban. "You have to jump!--unless you want to die with me!" galit na bulyaw din nito. Mas ayaw niyang makasama itong mamatay. Kung mamatay man siya, mas gusto niya walang kasama kesa makasama ang Hapon na ito sa kamatayan. Huminga siya ng malalim. "When I say--jump. You jump! Save your ass--call Miranda. understand?" paasik na utos nito habang nakatingin sa daan at mabilis na nagmamaneho. "I understand!--ipagdasal mong mamatay ako ngayon dahil oras na makita kita, papatayin na--" naputol ang iba pang sasabihin niya ng biglang huminto ito, mabilis na binuksan ang pinto ng kotse at sinipa siya palabas ng sasakyan. Pasadlak na natumba siya sa damuhan. Napadaing siya sa sobrang sakit dahil sa impact ng pag sipa nito isabay pa ang tama ng bala sa katawan niya. Punyeta! Pinaharurot na muli si Fuji ang sasakyan. Mabilis siyang nakapagtago ng mapansin nakasunod na rin ang sasakyan ng kalaban. Holy f**k! Mariin napapikit siya dahil sa pagkirot ng sugat. Ilan minuto pa ang hinantay niya bago pinilit tumayo. s**t! Nanlalabo na ang mga mata niya. No. Sacha! You have to survive this. You can't die. May isang itim na SUV siyang natanawan, walang takot na pumagitna siya sa daan upang iharang ang sarili sa paparating na kotse. Mabilis naman na nakapag-preno ang sakay ng SUV. "Help me!--Help!" nanghihinang wika nya. Hindi niya alam kung narinig ba siya o nasabi ba nya ng malakas. Bumaba ang sakay ng SUV. Isang lalaki na naka formal attire. Nakasuot ito ng black tuxedo. Matangkad ang lalaki. Hindi ito ang unang beses na makakita ng gwapong lalaki subalit nakaka-pigil hininga ang angkin kagwapuhan nito. Napatitig siya sa kulay grayish nito mata ng lumapit ito sa kanya. "What happened miss?--" may halong pag aalala sa boses ng lalaki. Bakit pati ang boses nito ay bumagay sa itsura nito? He's freaking hot gorgeous guy with a bedroom sexy voice. His lips looks so moist and kissable. And his body--ooh damn! She wonder if this guy have a wonderful abs though he really look so hunky and strong. He have the kind of body that can make women go crazy in pleasure. "I--have shot. Please help me--" nauutal na tugon niya. Mabilis na binuhat siya ng lalaki. Nanigas siya. God! Her heart pumped so fast. Anong nangyayare? Inaatake ba siya sa puso? Bakit sobrang lakas ng pintig ng puso niya ng dumikit ang balat niya sa lalaki? Pinaupo siya nito sa passenger seat. Inayos pa nito pababa ang upuan upang mag-slant at makahiga siya. "I will take you to the nearest hospital and--" "No!--No, please! No hospital--" bigla niyang sabi. Nabahala siya. Ayaw niya magpadala sa hospital. Naghabi siya ng kung anu-anong kwento sa lalaki upang huwag siya nitong dalhin sa hospital. Kita niya ang pagdududa sa mukha nito, nakiusap siya. "Fine!--" huminga ito ng malalim saka pinaandar ang sasakyan. Ilan minuto lang, huminto sila sa isang motel. Nang maiparada sa labas ng motel, kaagad itong bumaba ng sasakyan. "Wait here--" Tumango siya na parang natulala. Natutulala siya sa lalaki, nakuha nito ang atensyon nya. For the second time, nakaramdam siya kakaibang pakiramdam para sa lalaki. Am I attracted to this guy? Well, she can't help it..this guy is hot as hell. Muling bumalik ang lalaki, binuksan nito ang pinto sa passenger side at binuhat siya ng walang kahirap-hirap. Hindi na ata masakit ang sugat niya, puro kamunduhan na ang pumapasok sa isip niya ng mga sandali na iyon. Pumasok ang lalaki sa motel at umakyat patungo sa inokupahan nitong kwarto. Nang makapasok sa kwarto. Inihiga siya nito sa kama. "I'll just get something in my car--wait okay." mabilis na paalam nito. Napahawak siya sa balikat niya. Patuloy pa rin sa pagdurugo maging ang sugat niya sa hita. Nahihirapan na siya sa paghinga, namamanhid na rin ang kalahati ng katawan niya. f**k! Ilan minuto pa ay bumalik na ang lalaki. May dala itong first aid kit bag at isang color black na attached case. Hinubad nito ang suot na black coat, tinupi ang manggas ng suot nitong long sleeves. May kinuha itong syringe sa attached case at maliit na bote. Hindi siya sure kung ano 'yun kaya nagtaka siya bakit may ganoon ang lalaki. "I'm a doctor--Anesthesiologist" seryosong wika nito. Parang nahulaan nito ang tumatakbo sa isip niya. Natuwa siya sa nalaman. Hmm, a handsome hot doctor. Pinaliwanag nito sa kanya ang gagawin nito. Kailangan siya nitong turukan ng pampamanhid upang maalis kung may bullet fragment na nasa sugat niya, at matahi saka malinisan. Tila isa siyang mabait at masunurin na pasyente na patango-tango lang sa gwapong doctor. Bawat kilos at galaw nito ay pinagmamasdan niya. Nabigla siya ng malamang meron din pala siyang tama sa tagiliran. Tahimik lang ito habang tinatahi ang mga sugat niya. "Do you have a name, Mr. doctor?" out of topic, naisipan lang niyang alamin ang pangalan nito. Pero hindi ito kumikibo..hanggang sa matapos ito sa ginagawa. Bumuntong hininga ito. "Do you have a family or a friend, so I can contact them for you?" blanko ang mukhang tanong nito sa kanya. Kahit nagsu-suplado ito, ay gwapo pa rin ito sa paningin niya. Mabilis siyang tumango. Naalala niya si Miranda. Isa sa mga Hencher niya. "Ahm--just borrow me your phone, I will send a message to my friend" "A man?" kumunot ang noo nito. "Yeah--" sagot nya. Inabot naman nito ang cellphone sa kanya. Mabilis na nagsend siya ng message kay Miranda. "Your boyfriend?" madilim ang mukha tanong nito uli. "Nope--just a friend. Thank you" kiming ngumiti siya sabay abot pabalik dito ang cellphone. Lumapit ito sa kanya at inayos ang pagkakahiga niya sa kama. Nagpaalam ito na may bibilhin sa labas na gamot. Tumango siya. Nang akma itong lalabas ng kwarto ng tinawag niya ito. Lumingon naman ito kaagad. "I'm Sacha--My name is Sacha White" pakilala nya sa lalaki. Wala man siyang nakuhang sagot sa lalaki kundi tango saka tuluyan ng lumabas. Nagkibit balikat siya. Sooner or later malalaman din niya ang pangalan nito. Minsan lang may lalaking makakuha ng atensyon niya. Actually may nauna ng nakakuha ng atensyon niya ngunit matagal na iyon. Si Fuji Taka 'yun. Fuji Taka is her first love, puppy love to be exact. Pero wala siyang nakuhang katugon sa nararamdaman niya bagkus pinag-match make pa siya ni Fuji kay Miranda. That japanese asshole! Nagpakawala siyang malalim na paghinga. Pipigilan na niya ang sariling mainvolve ang puso niya sa isang lalaki. She just want to know that doctor's name..that's all. Pinikit na niya muna ang mga mata upang makapagpahinga. Alam nyang pupuntahan siya ni Miranda, anu man oras mula ngayon ay darating na ang kaibigan. Kailangan niya ang tulong nito, kailangan niya malaman kung ano ng nangyare sa kapatid niya. *┈┈┈┈*┈┈┈┈*┈┈┈┈ ʕ⁰̈●̫⁰̈ʔ to be continue....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD