PROLOGUE

1040 Words
Prologue MARIA ANNA CONSTANCIA SILVERIO Sabi ko sa sarili ko wag ma i-inlove sa isang taong walang modo, mayabang, chickboy, mahilig sa dota at happy go lucky pero anong nangyari? "Gusto mo ako? ang lakas naman ng loob mong umamin sakl akin, tingnan mo nga yang itsura mo walang-wala ka sa mga babaeng nagkakandarapa sakin." Sabi nila LOVE CONQUERS ALL.. Naniniwala naman ako na sa panahon ngayon mayroon pa namang mga lalaki na hindi ang ganda ng mukha , sexy ng katawan ang habol. Pero nagkamali ata ako sa lalaking magugustuhan.. "Alam ko namang pangit ako at hindi sexy pero- "Buti alam mo , look at yourself. Ang baduy." Nakakapikon din pala kahit yung taong gusto mo ang namamahiya at nang iinsulto sayo no? "Anong problema sa itsura ko?" Inayos ko ang salamin ko sa mata at tumingin sa kanya. "Ang manang mo! hindi na makita yang mukha mo sa laki ng salamin mo tapos yang bangs mo halos matakpan na 'yang buong mukha mo.. seriously Miss? babae kaba talaga?" Nakakainsulto na siya sa totoo lang. Ito ba talaga yung taong nagustuhan ko? Gwapo lang pala siya ba't kasi naniwala ako na mabait siya dahil lang sa nakita kong may tinulungan siyang matanda nung isang araw. Nun pala pakitang tao lang niya agh- "Daig kapa ng mga kaibigan mo sila mga matitino ang itsura mga normal pero ikaw?" Agree ako sa una na matitino ang mga kaibigan ko. Syempre parang mga supermodel ang mga 'yon pero yung huli niyang sinabi? Aba loko to ah ano ako kung ganon? hindi normal kasi abnormal? "Eh loko ka pala eh! Kkaw nga mas malala sa ating dalawa kase ako itsura lang ang may problema eh ikaw pag-iisip! Ang pangit ng ugali mo!" Sigaw ko. Nakakaagaw nadin kami ng atensyon nakita kong dumating yung mga kaibigan niya at nakita kodin na paparating na ang mga kaibigan ko. I saw Joey pointed a finger at the man infront of me. "Aba't kumg hindi ka lang babae-" "Anong gagawin mo kung hindi? sasapakin mo ako?" Panghahamon ko sa kanya. Hindi ko alam na yung pagpupush ng mga impakta kong kaibigan na umamin ay mahahantong sa ganito. "What the.- "What the hell!" Pagpapatapos ko sa kanya..aba eh nakakailang lait na siya napupuno nako.. may dignidad din naman akong inaalagaan no. "Miss hindi kase ako pumapatol sa mga panget na babae kasi.. Alam mo.. baka pag tumama ang malambot na kamay ko diyan sa mukha mo eh baka makakuha pa ng germs to" What the? Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagsitilian ang mga istudyanteng babae na nakikiusyoso sa amin. I punched him. "Para yan sa pang-iinsulto sakin sa harap ng mga tao na ito at ano kamo? hindi ka pumapatol sa pangit? pero sa mga clown oo.. galing naman MR. CHEN!" Gigil ko siyang tinitigan. Hindi ako nagpasindak sa masamang tingin niya. Naramdaman kong nakalapit na yung mga kaibigan ko sina, Naja, Rex,Justine, at Joey.. "s**t!" Si Joey "Ano ba 'yang ginawa mo nanaman Macs?" Rex said at napapailing siya. Macs ang nickname ko short for MARIA ANNA CONSTANCIA SILVERIO. Ang haba ano? Kaya Macs nalang. "Obvious ba masyado? sinapak ko siya nakakapikon na eh ininsulto niya pagka tao ko tapos papalagpasin ko nalang? Sabi niyo umamin ako diba? Here I am but look what I got from him. He insulted me!" Nakita ko namang tinulungang tumayo si Calvin nung mga kaibigan niya. "Hell no! binira ka ng babae pre! Nakakahiya"- sabi nung lalaki na ang pangalan ay CRUI. Actually kilala ko naman yung mga kaibigan niyang si Calvin Chen kasi nakakainis mang aminin naging stalker niya ako nung mga panahong ang alam ko eh isa siyang mabait at gentleman na tao. Crui Alcantara twin niya si Rui Alcantara yung naka cross arms tapos yung naka earphone naman si Raven Davis yung mukhang walang pakialam sa mundo si Zyle Sebastian. Sikat sila sa school namin dahil sa mayayaman sila at yan! Iyang lalaking nang-insulto sakin siya si Calvin Dustin Chen. Kaya girls! ang payo ko wag kayong tutulad sakin! na mali ang akala sa taong nagustuhan kampon pala ni satan ang loko sa sama ng ugali at tabas ng bibig. Maganda ang itsura pangit naman ang pag-uugali! "Tumigil ka nga Crui! kasalanan to ng pangit nayan eh!" Nagulat ako ng bigla akong ituro ni Calvin. Aba at ang lakas talaga ng loob! "Ts alam kong panget ako kailangan ipagsigawan?!" Gwapo nga napaka laitero naman. Akala mo siya babae! "Hoy! lalaking mukhang kamote! makapanget ka! para sabihin ko sayo hindi panget 'tong kaibigan ko hindi lang marunong mag-ayos ng sarili to!" Sigaw naman ni Rex pabalik. Uh-oh sumasali na sila. Ako na ngayon ang nasa harap at inaawat ang mga kaibigan ko. Putsa. "Aba! hoy karin! kaibigan ko ba sinisigawan mo?!" Balik sigaw naman ni Crui. Nakita kong umayos si Calvin at inaawat nadin ang mga kaibigan niya. Eto na nga ba sinasabi ko. "Hindi rin pala mga tanga, bingi rin pala kalinaw ng sinabi ni Rex gusto pang paulit ulit." Pati si Justine! Mygad! "I heard what you said." Napatingin ako kay Zyle ng may lakas na sabihin niya iyon. Nanlalaki ang mga mata ko sa kanila dahil sa pagpapalitan nila ng mga salita. "So? kailangan pag narinig sinasabi?" Siniko ko si Naja na nasa tabi ko lang. Lalaki pa lalo ang g**o pagganitong pati sila ay nadadamay na. Pero sabi nga nila hindi ka papabayaang apihin ng mga tunay na kaibigan. Napangiti na lang ako pero hindi pa rin pwede na masali sila sa away! "Ano bayan guys! Chill! umuwi nanga tayo at baka gabihin pa tayo sa daan." Awat naman samin ni Joey. Kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad sumunod naman sila Rex, Naja, Justine at Joey. "Teka sandali!!" Aba't hindi talaga papaawat itong Calvin na 'to. "What?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Magbabayad ka sa panununtok mo sakin!" As if namang matatakot ako. I hugged myself and acted scared. "Woah. Natakot naman ako don. Sige lang at hindi kita ko yan kakalimutan. Antayin ko yung panghihingi mo ng bayad ha?" Sabi ko at umalis na ng tuluyan sa school kasama ang mga kaibigan ko. Gusto ko ng normal na high school life pero hindi ko naman uurungan ang hamon ng lokong yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD