CHAPTER 2

2009 Words
Nagising sya sa kakahuyan. Nakahiga sya sa mga paTay na dahong nasa lupa..Dahan dahan syang tumayo at tumingin sa paligid.Madilim , tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng kunting liwanag at wala kang makikita kundi puro malalaking punong kahoy. Nagsimula syang maglakad lakad ng may marinig syang iyak ng batang takot na takot.Sinundan nya ang mga iyak na iyon hanggang sa makakita sya ng batang babaeng nakaupo sa may batuhan mga nasa 3 taong gulang lamang ang batang yun. Mabilis syang tumakbo papunta sa bato na kinauupuan ng bata pero NG mga 1 metro lang ang layo nya sa bata may gumapang na malaking ahas papulupot sa batong kinakaupon ng bata at naging dahilan iyon para mapatumba paupo si Abigail sa lupa.Hinarap sya ng malaking ahas na nakalabas ang mga dila nito.Yung bata sa bato ay nakatingin lang at takot na takot na umiiyak at sya din wala din syang magawa, gusto nyang tulungan ang bata at labanan ang malaking ahas na nasa harap nya,pero hindi nya magalaw ang katawan nya tanging pagtulo lamang ng mga luha nya ang kanyang nagawa.Unti unting tumatayo ang ulo ng ahas papunta sa kanya at bahagyana ding nakabuka ang bunganga nito ,ilang minuto lang handang handa na syang lunukin nito kalahating metro nalang ang layu nito sa kanya sinubukan nyang galawin ang kamay nya pero hindi sya makagalaw . “Anu bang nangyayari sayo Abegail kakainin ka na ng ahas..Tayo tumakbo kana" ang laging paulitulit na tumatakbong salita sa utak nya. Mga 1ruler nalang, 1dangkal ang layo ng ahas sa kanya ipinikit nya nalang ang mga mata nya habang papalapit na ito sa kanya “Haaaaaaaaaaaaa” ang malakas na tunog na sumakop sa buong kwarto ni Abegail ng maalipungatan sya sa kanyang panaginip. "Abegail alam mo bang kanina pa kita ginigising at niyuyogyog nagaalala aq sayo umiiyak na parang nahihirapan habang tulog, binabangungot ka anak " ang pukaw ni Aling Baning sa pagkatulala nya. Napatingin sa kanya si Abegail at humagulgol ng pagiyak. “Hay nakung bata ka yung ahas na naman ba? " ang tanong sa kanya ni Aling Baning na hindi na naghihintay pa ng sagot mula dito.Mula pagkabata palagi nalang nyang napapanaginipan ang ahas. Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto nyang bumalik sa pilipinas ang alamin kung bakit ahas palagi ang napapanaginipan nya ang dami nyang tanong na gustong mahanapan ng sagot, na syang bubuo sa pagkatao nya. Mag Alas tres na ng hapon ng nagising sa masamang panaginip na iyon SI Abegail ,ikinuwento nya dito ang napanaginipan nya.Sya lang kasi ang nagiisang taong nakakaintindi at nakikinig sa kanya . Ito na ang nagalaga sa kanya mula ng nagkamulat sya ,ilang taon na itong nagtatrabaho sa kanila hindi na nga ito nakapagasawa at nagkaanak,kaya parang pamilya na ang turing nito sa kanilang maganak at ganon din naman ang pamilya nito sa kanya. Hindi narin sya lumabas ng kwarto inabala nya nalang ang sarili nya sa panunuod ng tv sa kwarto .at hinatiran nalang sya ni Aling Baning ng pagkain sa kwarto.Hindi na namalayan ni Abegail kung anung oras sya nakatulog kagabi. Nagpapasalamat nalang syat hindi na nanaginip ng masama kagabi.Maaga syang nagising naligot inayos ang sarili nagsuot ng maong na pantalon at longsleve na puti itinali ang mahabat bagsak na bagsak na buhok at nagsuot ng blue na rubbershoes.Naglagay ng manipis na makeup at kinuha ang kanyang blue na shoulder bag at patakbung binaba ang hagdan. Hindi na rin sya nagalmusal diretsu sya sa kanyang sasakyan at mabilis na pinaandar ang kanyang sasakyan patungo sa meeting place ng mga ka team nya .Madami sa kanila ay mga Doktor at Nurses na gusto din makatulong sa mga kababayang medyu hirap din sa buhay.Gusto lang nilang makitang malusog at walang sakit ang mga kababayan nila . Sa team nila 3 silang Doktor 10 nurses 2 silang guide na makakasama sa napili nilang lugar may 3 nutritionist na magluluto at 2 ordinaryung tao na nagbulontaryo lang na gustong makatulong ,5 jeep ang inerkilahan nila kasama na kasi mga gamot at mga lulutuin nila pati nadin mga personal hygiene kit ay mamimigay din sila.Halos umabot ng 5 oras ang byahe pero sulit naman sa ganda ng mga tanawing nakikita nila sa daan Isang liblib na baranggay ang napili nilang e medical mission ,sinalubong sila ng mga opisyal ng baranggay at mga mamamayan doon, naglakad pa kasi sila ng mga kalahating oras dahil hindi na makapasok ang sasakyan duon . Makikita ang mga ngiti ng mga bata at matatanda ng makita ang mga dalang mga box.Mainit ang pagtanggap nila sa amin ng mga ka team ko. Ang dami naming nagamot na mga bata at matatanda..May mga kasamahan din silanng nag conduct ng mga maikling siminar ng tamang paglilinis ng bahay ng kapaligiran at ang paglinis ng katawan, at ang tamang pagluto NG mga pagkain. Naging masaya at matagumpay ang ginawang medical mission ng ka team nya.Ang dami nilang taong natulungan at napagaling at napangiting mga labi.Gabi na ng nakauwi si Abegail diretsu na sya sa kanyang kwarto naglinis ng katawan at nahiga sa kama.Dala ng pagod at tsaka medyo late na din kasi kaya nakatulog sya kaagad . Naging ganun ang araw araw nyang routine nagiging inspirasyon nya ang mga pasyinteng napapagaling nya araw araw mga batang napapakain at nabibigyan ng libreng gamot at kaalaman sa kalusugan at ganun din ang mga kasamahan nya sa team.Araw araw silang gumigising para magpagaling at tumulong sa mga nangangailangan. Isa sa mga napili nilang lugar ay lugar kung saan sya lumaki at labis nya itong ikinatuwa.Ng matapus na sila nagpasya syang magpaiwan sa kanilang lugar para mapuntahan ang dati nilang bahay. Sinadya nyang dalhin ang kanyang sasakyan para may magamit sya pabalik sa bahay nila sa syudad .Nakasmile na nagmamaniho papasuk ng gate nila Si Abegail naaalala nya yung mga habulan at paglalaru nilang magkakapatid sa mga malalaking puno .Dito na lumaki si Abegail at ang kuya nya Dito nadin sila nagaral NG elementary. Nung highscho2 na sila lumipat sa syudad dahil sa lumalaking negosyo NG kanyang mga magulang. Halos walang pinagbago ang Lugar maliban lamang sa mga makakapal na halamang hindi na trim napabayaan nang lumago doon. Halos mabingi SI Abegail sa katahimikan NG lugar. Pagdating nya sa may harapan NG bahay agad nyang hininto ang sasakyan at bumaba ito may ilaw na nakabukas sa may pintuan . Pero umikot sya papuntang likuran dahil wala syang dalang susi. Pinuntahan nya sa likuran ang bahay NG caretaker nila may maliit na tinitirahan sa likod SI Manong Isidro halos 20 metro pa ang layu nun sa bahay, pero no choice kasi sya kailangan nyang pumunta dun madilim ang daanan sa ilaw lang din sa harapan NG bahay ni Manong Isidro ang bukas, yun lang naaninag nya. SInimulan na nyang maglakad mga naka 10 hakbang palang sya NG may naapakan syang madulas na agad nya itong ikinatumba sa lupa nang sinubukan tumayo nadudulas talaga sya. Kinuha nya ang kanyang cellphone sa bag at tiningnan kung anu ang madulas na iyon at laking gulat nya NG makita ang pulang likido sa kamay at damit nya. Buong akala nya ay tubig lang ang madulas na iyon.. Nagmamadali syang tumayo at hinubad na ang kanyang 2 inch na sandalya at mabilis na tumakbo pero wala pang ilang minuto natumba na naman sya sa malaking puno na nakaharang. Napasubsub na naman sya sa mga tuyong dahon. Nang patayo na sana sya may narinig syang kaluskus sa d kalayuan. Madilim kasi kaya hindi nya iyon makita .Sakto namna kasing na lowbat na ang kanyang cellphone. Dun na sya nagpasyang tawagin ang pangalan ni Manong Isidro. Buong lakas nyang isinigaw iyon. Lalo pa syang kinabahan dahil dumami NG dumami ang narinig nyang kaluskus na ramdam nyang papalapit na iyon sa kanya. Paulit ulit syang sumigaw NG tulong dahil alam nya na ilang sigundo nalang aatakihin na sya NG nasa paligid. Hanggang sa may sumigaw sa may likuran na "Huwag...... umalis na kayo" nagulat pa sya NG makitang hindi si Manong Isidro ang makita nya marami itong kasama mga 10 sila. Naguguluhan si Abe sa nakita. Papalapit nadin si Manong Isidro na may dalang flashlight. Tumayo si Abegail at kinuha ito sa kanya. Tinapat nya ang flashlight sa mga kaluskus na narinig nya na papalayo na at laking gulat nya NG makitang mga ahas ito mga malalaki at mahahaba may mga malilit din madami. Halos Di sya makapaniwala sa nakita tinutukan nya din ang 10 taong nakatayo "Sino kayo ?" Wala man lang isang sumagot sa kanila Naguguluhan humarap si Abe kay Manong Isidro "Mang Isidro anu na" sumagot ka naman "Ang naguguluhang tanong ni Abegail naisip nya tuloy na ang mga panaginip nya nagkakatutuo na. " Ma'am Abe pumasok po muna kayo Don sa malaking bahay... Para makalinis NG katawan ang dumi nyu na po at saka ko na ipapaliwanag sa inu ang lahat" "Anu mang Isidro? hindi na, kailangan q na NG paliwanag ngayon. Bakit may mga ahas dito" sa pasigaw na umiiyak na tanong sa kanya ni Abegail. At bigla na lamang itong natumba nawalan ng malay . Nang magising sya nasa kama na sya sa dating kwarto nakabihis na din. At May nakita syang babae sa loob na nakabantay sa kanya nakaupo ito sa gilid NG kama at may hawak pa itong tray NG pagkain. Napabalikwas sya sa kama at tumakbo papunta sa pintuan NG kanyang silid. Bumaba syang hagdan at pumunta sa may sala para hanapin si mang Isidro pero ang Daddy nya ang nakita doon at kausap nya ang isa sa mga tao kanina SI Mang Timyong. " Daddy andito ka? ... Pwed po bang ipaliwanag mo sa akin kung bakit may mga ahas dito sa bahay at ang mga tao dito sino po ba sila" ang sunod sunod na tanong ni Abegail sa Daddy nya. " Anak huminahon ka muna. Ipaliwanag q sa yo ang lahat. Umupo kamu na.” “ Anak ang mga taong yan ay mga taong ahas. Ako ang nagdala nagpatuloy sa kanila dito." “Ha..... Papa nagaalaga kayo NG ahas..... Anu ba... Taong ahas anu yan sila nagtratransform kung gusto nilang maging tao tapos ahas... Kung gusto na nilang kumain ng tao ganun ba yon " “Pshhssssst anak making ka mababait sila” "Mababait e kanina nga muntik na aqng makain ng mga yan e...” “ E kasi hindi ka nila nakilala..” “ So ganon dahil pala yon hindi nila aq amo kakainin nila aq.. Daddy ahas yan sila nagaalaga ka ng ahas..... Ang ahas ay ahas kahit alaga mo tutuklawin ka parin” Ang halos pasigaw na sabi ni Abigail sa Daddy nya na sya na ngang naging dahilan para hindi nya mapigilan ng Amang sampalin sya. Na ikinagulat naman ni Abegail pero hindi parin ito nagpatinag sa pagkikipagtalo sa Daddy nya. “Daddy the point is kumakain sila ng tao ang dugong yun kanina alam qng dugo yun ng tao.” “Abegail hindi yun sinasadya pinuprotektahan lamang nila ang kanilang mga sarili." Sa mataas na na boses "Look Abegail mabait sila.... Kung hindi dahil sa kanila patay na tayong lahat . Si Mama mo, ang kuya mo ako at ikaw.” Humugot NG malalim na bunting hininga bago nagpatuloy ang kanyang Ama sa pagkwento. “ Mga 3 years old kapalang habang papunta tayong tagaytay . May nagtangka sa buhay nating maganak. Binangga ang sinasakyan nating sasakyan na nagging dahihan para mahulog tayo sa bangin. Pero dahil sa kanila dahil sa mga ahas na yan nabuhay tayong lahat Abegail niligtas nila tayo , binuwis nila buhay nila para iligtas tayo... Kaya utang mo sa kanila ang buhay mo... Kaya ngaun mo sabihin sa harap nila na masama sila..” Hindi makapaniwala Si Abigail sa narinig mula sa Daddy nya. NATAHIMIK NALANG SYANG UMUPO HABANG TUMUTULO ANG LUHA. Mayamaya pa pumasok na sya sa kanyang kwarto at nagpaalam sa Ama para makapagpahinga Habang nakahiga sya binalikan nya ang mga pangyayari. Ang hirap I absorb sa utak NG mga nalaman nya pero wala syang magawa Kaylangan nyang tanggapin ang lahat. Hanggang d na nya namalayang naka2log na sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD