chapter20

1963 Words
Nakatanggap ng tx mula sa kaibigang si Anabell.May aatendan daw silang party nagpapasama ito.Nagpa ok na sya at napagkasunduang doon nalang sa harap ng venue magkikita. Pagpasok nya sa elevator nagulat sya ng maamoy ang lansa , nito kasing mga nakaraang araw napapansin na nyang tumatalas ang kanyang amoy.Amoy taong ahas ang 3 sa mga nakasabayan nya sa elevator bumukas sa 5th floor lumabas na ang Magina hawak nito ang isa nyang anak ang isa namay karga nya .Umakyat na naman sa 20th floor 2ang lumabas ang mag jowa.Sigurado sya na itong 3 na natira ay mga taong ahas.Nang makalabas ang magjowa may pumasok na isang lola at may kasama pang 3 apo nitong mga binatilyo nadin, pero amoy nya na taong ahas din iyon,doon na sya nagdesisyong lumabas.Iba na ang kutob nya .Tumakbo na sya pero mabilis ang pito nasundan sya.Kumatok sya sa mga unit na nandoon nagbabasakali na may magbukas at matulungan sya .Pero wala ni isa ang nagbukas non.Naabutan na sya ng isa nahawakan na ang kamay nya pasugod na din ang mga kasamahan nito.May inilagay silang itim na tela sa baba at ilong nya na naging sanhi ng pagkawala nya ng malay . Tinawagan ni Anabell si Emman dahil hindi sya sinipot ng kaibigan sa usapan nila,nagbakasakali ito baka magkasama ang dalawa.Pero tumanggi si Emman dahil nasa site sya .Tinawagan nya si Aling Amelia kung nakauwi na ito sa bahay,pero tumanggi din ito.Kinabahan na si Emman . Chinick nya ang kanyang cellphone ,hindi talaga matawagan ang dalaga. Chineck nila nag Cctv ng building para malaman kung anu ba talaga ang nangyari. Nang makita ito na confirm na ang kutob nyang kinuha ng kabilang pangkat si Abegail. Naalala nya ang kwentas na ibinigay kay Abegail may device doon na inilagay nya para malocate ang babae.Tinawagan nya si Andrew para i check at malaman nila ang exact location ng babae. Makalipas ang ilang minuto na locate na ni Andrew kung saan sya dinala sya sa isang Isla,agad nyang pinaalam ito kay Emman.Tumawag sya kay mang Timyong nagpatulong sya dahil susugod sila sa Isla.Inasikaso kaagad ni Andrew ang gagamitin nilang speed boat para nakarating doon. Nang magkamalay nakahiga na sya sa gitna ng 3 mesa .Nakatali ang mga kamay at paa nya naksuot sya ng mahabang puting bistida. Sa kabilang mesa ay andon si Jecob pero wala itong malay.Maraming taong ahas ang nakapalibot sa kanya.Nagtaka pa sya ng makita doon si Bryan.Nakangisi itong lumapit sa kanya “Bryan mabuti nalang andito ka tulungan mo ako sige na”ang nagmamakaawa nitong pakiusap sa lalaki.Pero tiningnan lang sya nito at ginawaran ng halik sa noo. “ Wag kang magalala Abegail sandali lang naman ito ha...” “Ha anu Bryan anu ba?” “Bryan simulan na ba natin ang Ritwal”ang sabi ng isa sa mga taong ahas na nandoon. Tama si Emman sa sinabing hindi dapat aako nagtitiwala kay Bryan.Sya pala ang sinasabi nilang pinunu nila.Sya pala ang gustong magpapatay sa akin. Sya pala ang puting ahas.Pero dahil nanay nya lang ang puti at tatay nya ang itim hindi nya nataglay ang kapangyarihang dapat meron ang isang puting ahas.Kaya pala hindi nya iyon naamoy dahil puti ito pati na ang kapatid nya. Nahiga sa gilid nyang Mesa si Bryan. Sinimulan nang gawin ang ritwal .May mga matatandang babae ang nagbibigtas ng mga salitang hindi nya maintindihan . Ang mga kalalakihan naman matatanda nagiba na ang mga anyo nito .Naging mga ahas na pinalibutan nila ang paligid para masiguradong walang makakaisturbo sa gagawing ritwal.Ang mga bata at mga kababaihan at kalalakihan dahil pagabi na nagpalit na din ng anyo.Napakarami nilang nakbantay.At ang mga hindi nagpalit ng anyo pumalibot din sa mesa at nakisabay sa ritwal Nakakabingi ang lakas ng boses nila.Napatingin sya sa langit, subrang laki ng buwan parang lalamunin na sya.Dumudugo na ang tenga nya at subrang sakit ng ulo nya hanggang ilong na ,lumalabas ang mga dugo Ang isa sa kanila hiniwa ang kamay nya malapit sa may pulsuhan at ang dugong tumutulo galing don ay inilagay sa baso.Nagsisigaw na sya sa subrang sakit na nararamdaman .Pati narin ang mga katabi nya dumudugo nadin ang mga tainga at ilong nito.Nang mapuno ang dalawang baso , sabay iyong inilagay sa bunganga nila Bryan at Jacob.Nang maubos iyon ,itinigil nila ang pagsasabi ng nga salita.Tumigil na din ang pagsakit ng ulo nya at ang pagdurogo ng tenga at ilong nya. Tumayo na si Bryan sa kinahihigaan nya ,pero si jacob wala paring malay.Patawatawa na si Bryan pumunta sya sa tabing ilog ,sinubukan nyang itaas ang kamay nya at ipasunod sana doon ang tubig,pero walang nangyari. Sumama ang mukha nya. “Mama bakit walang nangyari”tawag nya sa kanyang ina. “Saad akin na ang libro”sigaw ni Aling Alicia .Ibinigay ni Saad ang hawak na libro.At binasa iyon ng Ginang. “Sa pagsapit ng kabilogan ng buwan gagawin ang ritwal.Kailangang inumin ang dugo ng alay para mapunta sa iyo ang taglay nyang kapangyarihan bago sya patayin.Siguraduhin lamang na puting ahas ang magiging alay.Malakas,Bata at hindi pa nakakain ng tao.At gigit sa lahat,kung babae o lalaki ang magiging alay dapat wala itong anak o mas mabisa kung berhin pa ito” “Haaaaaaaaaaaa.....Hindi ka na berhin Abegail”sumisigaw na ito sa galit “Ang kapatid ko ba ,si Emman ba ?ha? Sumagot ka....?”Lumapit ito at hinawakan na nya ang pisngi ng babae. Hindi sumagot si Abegail,umiiyak lang ito. “Bryan tama na ,tigilan nyo na ito.Mabuhay nalang tayo ng normal.Proprotektahan ko kayo,kayong lahat”pakiusap nya parin sa lalaki “Anu?.....Kahit kailan hindi na tayo mabubuhay ng normal Abegail.at Ayaw ko ring mabuhay ng normal ,gusto ko ang kapangyarihan mo ang lakas mo.Dahil malupit ang tao kung wala kanon papatayin ka nila....naiintindihan mo ba ha “ “Saad kung di ko rin lang makukuha ang gusto ko mabuti pa ang mamatay...Kaya patayin mo sya..” Kinuha ni saad ang punyal sa bewang nya at papunta na sya kay Abegail .Takot na takot si Abegail ganito nalang ba ang magiging katapusan nya at ng mga kalahi nya.Dahil sa kasakiman ng kapangyarihan mamamatay silang lahat.Paanu na sina Mang timyong,ang mga nakatira sa farm,ang mga bata doon ,si Emman at higit sa lahat ang batang nasa sinapupunan nya.Paanu na ngayon, papalapit na sa kanya si Saad.Itinaas nito ang hawak na punyal .Alam nya anu mang oras babaon na iyon sa tyan nya. “Bryan maawa ka......maawa ka plsss...plssss...”pagmamakaawa parin nya,pero hindi manlang ito lumingon sa kanya. Itinaas nya pa ang kamay nya pataas hudyat na ituloy ang pagpatay sa kanya.Nawalan na ng pagasa na magbago pa ng isip ng lalaki.Sa point na nayon nagalit sya,iniisip nya kasi na unang mamamatay ang ank nya na nasa tyan.Bumilis ang pintig ng kanyang puso.Hindi nya rin mapigilan ang labis na galit na nararamdaman.Hanggang napasigaw na sya “Hindi”kasabay ng sigaw nya ang untiunting pagbago ng kanyang hitsura pumuti na palang kaliskis ang kanyang mga balat . Napunit ang suot nyang puting bistida. Naging tuluyan na syang ahas.Ikinagulat iyon ng lahat.Napalitan ng mabangis at nakakatakot na ahas ang maamo at nagmamakaawang babae.Malaki ito at mahaba,may mapupulang mga mata.Una nyang inataki si Saad .Hinampas nya ng kanyang buntot tumilapon ang lalaki . Nagpalit narin ito ng anyo ,naging ahas narin ito.naglaban ang dalawa hanggang sa naputol ng puti ang ulo ng itim na ahas.Ikinagalit iyon ng lahat.Nagsipagpalitan na sila ng anyo at inake si Abegail.Lahat sila nagsipagtilapon pag natatamaan ng buntot ng puting ahas, ang iba naman napupugutan ng ulo,nasusugatan ng malubha, ang iba pa nilulunok nya ng buo.Nawala na sa katinuan si Abegail hindi na nya macontrol ang kanyang sarili dahil sa galit.Naubos nyang patayin ang mga itim ang iba naman gumagalaw pa pero hirap naring makabangon.Sumunod nagibang anyo si Bryan aatekin na nya sana ang babae patalikod pero pinigilan sya ng kanyang Ina.Sya daw ang makikipaglaban sa babae.Nagpalit din ito ng anyo kulay puti din ito.Pinaliputan nya si Abegail para hindi ito makagalaw plano nyang lunukin ito ng buo.Pero sadyang malakas ang babae nakagat nito ang leeg ng katunggali.Nabaon ito ng malalim,umaagos ang dugo hanggang sa niluwagan na nya ang pagkapalutot kay Abegail.Mas lalo nya pang binaon iyon at isinaliwas si Aling Alicia at itinapon.Nang bumagsak ito sa lupa hindi na gumagalaw .Nagalit ng subra si Bryan ng makita ang walang buhay na Ina.Sya namn ang umatake kay Abegail.Naglaban sila naghampasan at nagkagatan, nagpuluputan din ng katawan.Pero sa huli natalo nya parin ang lalaki dahil sa kapangyarihan nito.Nang makitang wala ng nakatayong kalaban nagbalik na sya sa pagiging tao punong puno ng dugo ang kanyang kumuha sya ng telang pinangtakip nya sa inayang katawan,tinapis nya iyon.Tumayo na syatumingin sya sa paligid umiiyak.Naisip nya sya ang may gawa ng lahaylt ng yon.Tama ang propesiya ni Mang Cardo papatay sya ng mga kalahi nila.At dumating na nga ang araw na iyon Hindi sya makapaniwala na pumatay sya ng napakaraming kalahi nya.Nagalit sya sa kanyang sarili.Tumakbo sya sa kakahuyan na walang sapin ang mga paa Nang makaalis si Abegail dumating na ang pangkat ni Emman kasama si Mang timyong at mga kalalakihan sa farm. “Boss mukhang nahuli na tayo ng dating tapos na ang bakbakan” ang sabi ni Andrew kay Emman at Mang Timyong. Naabutan nila ang walang buhay na mga taong ahas.Ang iba sa kanila nakapagpalit pa na maging tao bago namatay ang iba ahas na namatay.Nilibot nila ang paligid .Pero hindi nila makita si Abegail.Sumigaw si Emman pangalan nya ang sinasabi. “Abegail....Abegail.... Abegail....”ang paulit ulit na sigaw nya habang sinusuyod ang Islang yon.Tinulungan na din aya ng iba pa nilang kasamahan.Bumalik sya kay mang Timyong nagbakasakaling bumalik na doon si Abegail dahil hindi nila ito makita. “Kuya ano bang nangyari ? Bakit namtay si kuya bryan at si Mama si kuya Saad at bakit angdaming patay na ahas at mga tao” sinalubong sya ni jacob at hinawakan ang kanyang mga kamay. “Jacob ,hindi ko pa maipapaliwanang sayo ngayon dahil hindi mo pa maiintindihan.Mula ngayon ako na ang pamilya ako na ang magaalaga sayo” “Kuya ayoko gusto ko si Mama at kuya Bryan” ang pagtanggi nya kay Emman “Mang timyong kunin nyo na po muna si Jacob” Agad naman syang kinarga ni Mang Timyong at naupo sila sa punong nakatumba .Ang mga kasamahan ni Mang Timyong ay sinimulan ng maghukay para ilibing ang mga bangkay .Naglibot libot pa si Emman sa paligid nakita nya sa may damuhan ang kwentas na ibinigay nya kay Abegail. Kinuha nya iyon at pinagmasdang maigi. “Emman alam ko na babalik sayo si Abegail, maghintay ka lang .Sa mga nangyari ngayon alam ko na mas pinili nya munang mapagisa.Kilala ko si Abegail,paghanda na syang harapin ka sigurado pupuntahan ka nya”Ang sabi sa kanya ni Mang Timyong. (Sa kabilang banda) “Wala kang puso Sol paano mo nagawa ang pumatay, wala kang puso ,wala kang puso.....” ang salitang paulit ulit nyang sinasabi sa kanyang sarili.Mas binilisan nya pa nag pagtakbo.Hanggang sa nadapa sya nasubsub sa lupa,napahawak sya sa kanyang tyan . “Anak nagawa yun ni Mama para protektahan ka....Ikaw nalang ang meron ako ngayon ikaw nalang ang magiging dahilan ko para mabuhay pa ....kaya lalayo tayo sa kanila anak para hindi ka na nila saktan at hindi narin makapanakit pa si Mama.”Ang sinabi nya habang hawak ang kanyang tyan at tumutulo ang kanyang mga luha.Tumayo na sya at naglakad nalang habang hinihimas himas ang tyan nya.Dumating na sya sa pinakadulo ng gubat ,bangin na at dagat sa baba . “Anak ready ka naba”Ngumiti pa sya bago tumalon sa mataas na bangin ng makarating sa tubig nagbago na ang kanyang anyo,naging ahas na sya .Sinimulan na nya ang paglangoy para simulan ang paglalakbay nya. -The End-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD