Malutong na mura ang kumawala sa bibig ni Bryan habang hinihinimas nito ang aking likod .Sumuka kasi ako sa gilid ng gate.
Nung isang linggo pa itong kakaibang pakiramdam ko, parati akong nahihilo tuwing umaga at nagsusuka.
“Ayos kalang ba, Alex? I thinking we need to go to the hospital para mapa check-up kita.” May bahid na pag-aalala ni Bryan sa’kin.
Umiling nalang ako at pinunasan ang aking labi.
“Sure ka?”
Napatawa nalang ako ng bahagya dahil sa pagiging over reacting nito. Bryan and I are friends, will technically best friends to be exact because his always there for me at ganun rin naman ako sa kanya.
“Bry, wag ka ngang O.A.”
I just smile at him giving him assurance that I'm really fine. Bumontong hininga nalang si Bryan sa tabi ko atsaka hinatid sa apartment.
“Bye."
We hug each other before I enter the apartment. Pag pasok ko sa kwarto kaagad akong nag bihis para magawa ko na ang assignment ko. Napa-isip nga ako dahil sa lumipas na dalawang buwan. Hindi ko pa kailan man nakita ulit ang lalaking nakilala ko sa bar. Ang kumuha sa virginity ko. Hay!
Ayaw ko muna e stress ang sarili ko.
Naglakad ako patungo sa kusina, sakto nakita ko nag re-ready na si Ate Chikay ng pag-kain sa hapagkainan. Si Ate Chikay ang pamangkin ng may-ari ng apartment na tinitirahan ko ngayon. Mabait ito kumpara sa Tita n’ya.
“Oh! Alex, Halikana kain na tayo nagluto ako ng paborito mong adobo.”
Excited naman akong umupo sa upuan. Pagkalapag palang ni Ate Chikay sa pag-kain sa mesa, agaran na nalapatakip ako sa bibig. Parang may hinahalukay sa tiyan ko. Patakbong pumunta ako sa lababo at sumuka.
“Ano ba iyan ,Ate Chikay. Panis yata iyang adobo mo?”
Lumukot ang noo ni Ate Chikay sa sinabi ko. Tinikman naman nito ang adobong niluto.
“Anong panis? Eh,kakaluto ko lang niyan! Kaloka ka.” na e-estress n’yang ani. “Teka nga, ako’y may nagpapansin ha!Ilang linggo ka narin ganyan"
"dinatdan ka ba?”
Ngayon lang nag sink in sa bobita kong utak na possibling mabuntis ako. I’m not even sure that night if gumamit ba ito ng protection. Regular din ang menstration ko.
“Nung nakaraang linggo po, Ate Chikay” I lied.
Patawarin mo sana ako, Lord.
Naka hinga ako ng maluwag nang nakombonsi ko ito kaya umupo na kami pabalik . Kahit ayaw ko ang adobo niya dahil sa amoy panis kailangan kong tiisin dahil baka magduda uli ito ng husto. Pasimpling hinawakan ko ang aking tiyan.
Nang matapos na kaming kumain lumabas ako upang bumili ng PT sa malapit na pharmacy dito. Pagkatapos bumalik kaagad sa apartment para masagot ang katanongan ko.
Mahigpit na hinawakan ko ang pregnancy test na hawak ko. Pikit matang nag dasal na sana delayed lang ako at walang laman ang sinapupunan ko. Kahit nanginginig ang aking kalamnan,pinilit ko parin labanan ito. Dahan-dahang iminulat ko ang aking mata, halos gumuho ang aking mundo sa results.
Jesus Christ! Positive.
Ready na ba ako maging Ina?
Tumulo ang luha ko isa-isa. This can't be happening! Di ako pwedeng mabuntis. Graduating student na ako at mas lalong mahihirapan ako nito.
Ito ba ang karma ko sa pakikipagtalik sa estranghero? Bakit ba kasi ang sarap, non! Kasalanan lahat ito ni Troy.
Ayaw ko rin ipalaglag ang bata dahil malaking kasalanan iyon sa diyos. Inosente ang batang ito, walang kasalanan sa katanghan ko. Itinago ko ang PT sa loob ng bag. Delikadong makita ni Ate Chikay, lagot ako sakanya. Huminga ako ng malalim at napag desisyonan na matulog. Bukas ko na ito pro-problemahin.
Kinaumagahan sinalubong agad ako Bryan sa may gate ng school. Habang sabay kaming tinatahak ang hallway may mga matang naka sunod sa’min. Maybe they thought na may relasyon kaming dalawa. Hindi ko nalang sila pinansin dahil mas iniisip ko, kung paano sasabihin kay Bryan ang lahat. I think Bryan would understand.
“Bryan, hali ka nga.”
Sabi ko sa kanya sabay pacute. Tumabi naman siya sa’kin kaya kinuha ko ang opportunity na kurutin ko ang pisngi niya at ilong na sobrang lakas.
“Ouch!”
Nangigil talaga ako sa ilong niya sobrang tangos. Sandali akong natigilan. Maybe ito ‘yung stage ng paglilihi ko. Ang baby ko talaga kay Bryan pa napiling manggigil. Halos ‘di ko na linubayan si Bryan sa pangungurot boung araw. Minsan nga nag tataka ito sa pa iba-iba ng mood ko. Pero hinayaan lang niya ako dahil alam nitong sasaya ako.
“Bryan, cr lang ako. Ikaw mo na ang magbibit ng bag ko.”
Tinanggap niya ang bag kaya pumasok na ako sa cr upang umihi. Tapos na ang klase kaya pauwi na kami. Pagkatapos kong mag cr laking gulat ko na may hawak siyang pregnancy test. Masamang tingin ang ipinukol ni Bryan sa’kin.
“Kailan pa ito?”
Great! Inunahan pa ako nong bag. Bwesit, sana diko nalang pina iwan.
“Ano,ahm..”
“Answer me!”
“Teka lang.Chill!daig mo pa ikaw ang nabuntis” mas lalong sumama ang tingin ni Bryan “Ganito kasi ‘yan, iyong ex-boyfriend ko na si Troy may dirty little secret sila ni Mia. Tapos ako namang si gaga, dahil sa sobrang nasaktan nagpaka lasing…ayun.”
“Anong ayun?”
“Alam mo na. Boom!pasok kaya na buntis.”
Napahilamos si Bryan sa mukha,saka tumingin sa akin ng malungkot. Umiwas ako ng tingin dahil na gu-guilty ako sa katanghang nagawa ko. Bakit ba kasi ‘di na isip ng lalaking iyon na wag iputok sa loob.
“Sino ang ama ng batang dinadala mo?”
Parang may bumara sa lalamunan ko sa tanong ni Bryan. Anong sasabihin ko na nakipagtalik ako sa isang tao na totally stranger at nag padala ako sa init ng katawan.
Jusko! Bahala na nga.
“Hindi ko alam.”
“What?! Nag pa buntis ka sa lalaking ‘di mo kakilala? That’s ridiculous, Lex!” He hissed.
Hindi ko tuloy maiwasang umiyak. Na alarma naman si Bryan kaya mabilis na pinatahan ako.
“Shh..We will find the father of that child, pag ‘di niya tatanggapin ako nalang ang aako diyan sa bata.” Tumango ako at nag pasalamat sa kanya. Mabuti nalang andito si Bryan sa tabi ko.
ISANG linggo na ang lumipas pero dipa nahahanap ang ama ng dinadala ko. Pumunta din kami ni Bryan sa bar at nag babasakali makita namin ito doon. Pero wala talaga.Nanlulumo na naglalakad ako ngayon sa may park. I'm already losing hope.
Saan ba kasi mahahanap ang lalaking naka buntis sa'kin? gusto ko tuloy maiyak sa sobrang frustrated. Wala naman kasi ngayon si Bryan dahil pinatawag siya ni Tita Bell.
"Ouch!" Sabi ko ng may biglang bumangga sa akin.
"I'm sorry Miss."
Hining tawad sa taong naka bangga sa akin. Agad umusok ang ilong ko,paano kong bumagsak ako sa sahig baka mapano pa ang anak ko? argh! Akmang sisigawan ko na sana ito kaso feeling ko tuloy may bumarang bato sa aking lalamunan. My lips curved when I saw the man I was looking for a week. Gusto ko tumalon sa tuwa dahil sa wakas nakita ko na siya, ang lalaking naka buntis sa akin. Ang matagal na naming hinahanap ni Bryan ay nasa harap ko na. Ang lalaking nakatalik ko ng gabing iyon. Ang lalaking nagbigay ng init sa bou kong katawan. Gamit ang mga mata ay tinignan ako nito ng mabuti .
"Miss, have we meet?"
Hindi ako makapag salita dala seguro sa pagka gulat. Nang maka recover ako sa gulat, ay doon lang ako nag lakas loob mag salita.
"Y-yes, pwede ba kitang maka usap sa coffe shop banda doon" I pointed the nearest coffee shop here in park.
Tumango naman siya sa pagsang-ayun, pumunta naman kami ro'n. Hindi talaga ako pwedeng magkamali na siya ang lalaking naka ano ko.Nag-order kami ng kape at juice, habang naghihintay sa order ay nakatitig parin siya.
"So,ano ang pag-uusapan natin?" He asked.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko inumpisahan, ayaw niya sayangin ang pagkakataon. Dahil lahat ng ginagawa ko ay para sa anak ko. Kahit na di-distract ako sa gwapo nitong mukha.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.Buntis ako at ikaw ang ama."
He was shocked at first, I can see base on his expression. But later on he just laughed at me. Like I was joking!
"Wait! Hindi nga kita kilala eh, tapos sasabihin mong nabuntis kita? Come on, hindi ako basta-basta nakikipag se-s*x na hindi gumagamit ng proteksyon." Pang iinsulto nito
.
Mariin akong napa kuyom sa aking kamao,napikon naman ako sa sinabi niya. Gago ba siya? Nilabas ko ang dalawang PT at binigay sa kanya.
"Totoo ang sinasabi ko.Hindi naman kita hahabulin kong hindi mo ako na buntis,eh! Gago kalang talaga dahil mukhang nalimutan mong gumamit ng protection."
Sumeryoso naman ang mukha nito sa sinabi ko. "Are you sure na sakin talaga ang bata na iyan?"
I just rolled my eyes at him. "Sino pa ba? Hindi sana ako nandito kong hindi ikaw iyong lalaking kasama kong gumawa ng milagro. At isa pa, sana ginamit mo ang utak mo. Kasalanan ko ba na ipinutok mo sa loob!"
Umayos siya ng upo at tumingin sa akin.
"Now, I remember ikaw 'yong nakatalik ko 2 months ago. I just want to say sorry if I forgot to use condom. Dahil sobrang init na init na ako sa iyo."
Tignan mo ito, may pasabi pa na hindi siya naka talik ko. Tapos ngayong humingi ng sorry. Again I rolled my eyes at him. Napag usapan nami na aakuin niya ang bata, pero hindi daw ako kasali. He's just doing this for our child's sake not mine.
"Mamayang gabi you will move to my condo,habang 'di pa sinisilang ang bata."
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Wag kanang pumalag para naman ito sa anak ko hindi sa iyo."
"Alam ko!" I exclaimed.
Hinatid niya ako sa apartment at naghintay siya sa labas. Sumulat na rin ako ng letter para kay Ate Chikay na aalis na ako sa apartment niya.Dinala ko na ang gamit palabas inalalayan naman ako ni sino ba ito?
"Ano nga pala ang pangalan mo?"
"Rence" mahinang sagot nito.
Nang makarating kami sa condo niya ay hinatid ni Rence ang gamit ko sa kabilang kwarto.
Nagbihis na ako at lumabas nakita ko siyang ayos na ayos.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya mag gagabi na.
"Pakialam mo? Wag mo na akong hintayin pa." sabi niya at umalis.
Umiling nalang ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref niya pero walang masyadong laman puro canned beer.
Napakamot naman ako ng ulo at lumabas sa condo ni Rence. Pupunta ako sa grocery ngayon para mamili ng pagkain.
Pagkatapos kong mag grocery, since may naitabi naman akong pera pa narin makapag luto na ako para sa dinner mamaya.
8:30 PM na pero wala pa siya. Ay!bahala na kakain na ako gutom na talaga ako.
Nagising ako mga 12:20 AM dahil nauuhaw ako. Kahit naka-pikit pa ang mata ko alam ko ang dinadaanan ko.
I stop when I heard a moan, kaya napadilat ako at sinundan ko kung saan galing ang ungol na iyun. Laking gulat ko sa eksenang nakita ko.Rence and the girl was kissing like there is no tomorrow. Nawala ang bigla ang pag ka uhaw ko at umalis agad.
Parang may parti sa akin ang nasaktan. Bakit ba ako masasaktan wala namang kami? Pero sana ni-respeto niya ng kaunti ako hindi bilang kung sino lang pero bilang ina ng kanyang anak.
****SEE YOU SA NEXT CHAPTER****