Kabanata 11

2180 Words
Rence Jade Rivas It's been 5 years simula nong iniwan niya ako. 5 years na para akong patay. "Hey! Nagdala ako ng paborito mong pagkain" Sabay lapag ng dalawang lunch box. Umupo siya at sinimulan ng tanggalin ang takip ng lunch box. Simula ng iniwan ako ni Alex hindi tumigil si Mia sa kakahingi ng tawad. At first mahirap siyang patawarin pero hanggang nagtagal pinatwad ko na siya. Tinulungan niya rin akong mahanap si Alex. Gusto niya kasing humingi ng tawad dito. Don't get me wrong Mia and I are just friends. Bestfriend to be exact. "Alam mo ang boring ng opisina mo! Nakayanan mo talagang tumambay dito!?" Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain. Nag kwentuhan lang kaming dalawa. "Oh! I have to go Ren may photo shoot pa ako mamaya" Nagpaalam na ito at umalis sa opisina. Nakarinig ng katok galing sa labas. "Sir. May meeting po kayo ngayon sa isang investor" "Sino!?" "Mr. Chen" Tumango ako at niligpit na ang mga gamit na nagkalat sa mesa. Umalis na ako at pumunta sa isang coffe shop. "Good afternoon Mr. Chen it's nice too meet you again" Masayang bati ko at kinamayan siya. Tumawag narin siya ng waiter at um-order ng dalawang kape. "So anong maganda ang idadagdag natin?" Tanong niya. Pinakita ko sakanya ang isang blue print at design. "Gusto ko ang idadagdag natin ay play ground or picnic area" Tumingin ito sa akin at naghihintay sa aking paliwanag. "Well sa play ground gusto kong may malalaro ang mga bata para di sila ma bored. At sa picnic area " Parang may bumara bigla sa lalamonan ko. Napabuntong hininga ako bago mag salita. "Para sa p-pamilya" "Oh! I see. So tell me may pamilya ka na ba? I heard last 5 years na ikakasal kana. I think ginawa mo itong idea dahil may inspiration ka?" Sana nga Mr. Chen. Sana di ako naging gago. Edi sana may pamilya na ako ngayon. Tango lang ang nasagot ko sa kanya. Tumayo na ito at nag paalam na. Lumabas na rin ako sa coffee shop. Habang naglakad lakad akong papuntang park may nakita akong nagbibinta ng ice cream. Napangiti naman ako dahil naalala ko si Alex. Kamusta na kaya siya? At ang baby namin. "Kuya isa nga po" "Anong flavor sir?" "Chocolate" Inabot ko ang bayad sa kanya. Binigay narin niya ang ice cream. Umupo ako sa isang bakante na upuan sa gilid at kumakain ng ice cream panay ang tingin ko sa paligid. "WTH! Are you blind b***h!?" Napatigil naman ang ibang tao sa paglalakad sa aking harap. Dahil tumitingin sila sa kaganapang na nangyayari sa bandang likod ko. Hindi ko rin napigilang lumingon. I was stunned for a minute. "A-alex" Yon lang ang lumabas sa bibig ko at di maka tayo. I can't believe na nakita ko siya ngayon. "Sir, Nakalimutan mo po ito kanina sa coffee shop" Agad akong tumingin sa babae na nag abot sa akin ng blue print. Sh*t! How can I forget this. "Thank you" She just give me a smile at umalis na. Lumingon ulit ako sa likod. Nagulat ako dahil wala na siya roon. Wala sa oras akong napatayo at hinanap siya. Alex! Asan ka na ba?. Nilibot ko na ang buong park pero wala na talaga ang anino niya. Umuwi nalang ako at nagpahinga. Nagising ako ng may tumakakip sa aking pisngi. "Hoy! Gising na" Minulat ko aking mga mata. Naka simangot si Mia na nakatingin sa akin. "Hindi ka nanaman kumain ng hapunan ka gabi. Pano nalang kong makita ka ni Alex na ganyan. Tsk! Sure ako di na siya lalapit sa iyo dahil payatot kana" Sabay irap sa akin. Nangamba naman ako baka totoo ang sinasabi ni Mia sa akin na di na ako magugustuhan muli ni Alex. "Mia! Nakita ko siya kahapon sa park" Tumingin ito sa akin at tumawa ng malakas. "Hay nako! Ilang beses mo na iyang sinabi sa akin Ren. Past 5 years palang, alam mo kaya parati mo siya nakikita dahil miss na miss mo na siya" Napa yuko nalang ako. Ba ka totoo ang sinasabi ni Mia na dahil sa sobrang miss ko na siya kaya ko siya nakikita kong saan saan. Pero iba ang kutob ko alam kong siya yon. "Let's eat breakfast okay!" Tumango ako at lumabas kaming dalawa sa kwarto. Ganon parin ang takbo ng araw ko. Kain,tulog,trabaho. Yang tatlo na iyan napaka boring. "Congrats Mr. Rivas succesful ang ginawa nating project. Maraming mga client ang natuwa sa playground and picnic area. Most of them ay mga big client natin dahil na e-enjoy ang mga bulilit na anak nila" Nagtawanan lang kami ni Mr. Chen. How I wish na ganon rin ang anak ko matutuwa sa aking ginawa. "So I have to go. May meeting pa akong pupuntahan" Tumango ako sakanya lumabas na ito sa opisina ko. Pinaikot ko ang ballpen sa aking daliri at nag-isip. I know na si Alex iyong nakita ko nong nakaraang linggo. Pero na tatakot akong mag assume. Narinig kong may marahan na kumatok sa labas. "Sir. Bibisita po ba daw kayo sa playground and sa picnic area?" "Yeah! I will go there" Umalis na ito. Nag linis narin ako sa mesa at kinuha ang gamit ko. Paglabas ko sa building ay sumakay na ako sa aking sasakyan. Ng makarating ako sa play ground na ginawa ko ay maraming mga bata. Napangiti ako dahil may iilan sa asawa ng mga bigating client namin ay nandito. "Good afternoon po sir" "Good afternoon din. So kamusta ang dito!?" Tanong ko sa tagalinis dito sa play ground. Umupo naman ako sa bench at tumitingin sa paligid. "Ay! Maayos po sir. Nakakatuwa po dito mag trabaho dahil sa mga bata" Napangiti naman ako sa sinabi niya. Totoo ang sinabi niya dahil sa nakikita ko ngayon maraming bata ang magtatawanan at naglalaro. Hindi sila nakakasawang tignan kapag ngumiti. Nagpaalam naman si manong dahil maglilinis pa daw siya ng Cr. Nagring naman bigla ang phone ko. It was Mia "Hello" [Ren, I found her] "Sino!?" [Yong matagal mo ng hinahanap past five years. Ren totoo nga ang sinabi mo nakita ko siya kanina at naka-usap] Kumalabog naman bigla ang puso ko sa aking narinig. Nais kong malaman kong ano ang pinag-usapan nila. "Ano ang pinag-usapan niyo!?" [About you and her lalo na sa bata. Meet me up in the coffe shop malapit sa condo mo] Pinatay niya agad ang tawag. Tinakbo ko ang papuntang parking lot. I need to know kong ano ang about sa amin ni Alex at sa anak namin. Pagka pasok ko sa coffe shop hinanap agad ng aking mata si Mia. Ng makita ko siya ay agad akong lumapit sa kanya. "Ano ang about sa amin?" Tumingin siya sa malayo na para bang iniiwasan niya ang aking titig. "Nag-usap kami kanina Ren. Sinabi ko sa kanya lahat mula sa pinaka una na plano ko lang iyon hanggang sa huli. I told her na mahal na mahal mo siya pero di siya na niwala at" Nanginig ako sa kaba sa susunod niyang sasabihin. Mariin siyang pumikit at bumuntong hininga. "Ikakasal na siya kay Bryan next month. Na pag desisyonan nila na dito sila ikasal sa pinas dahil iyon ang gusto ni Hanna" Napakuyom naman ako ng kamao. Ikakasal sila next month samantalang naghintay ako ng 2 years. "Who's Hanna?" Tanong ko sa kanya. "Hanna ang pangalan ng anak niyo Ren. Gusto ng anak mo na dito ikasal ang ina niya. Ang gusto ni Alex na kalimutan ang lahat itapon daw ito na parang basura .Gusto ko siyang sampalin Ren dahil ayaw niyang makinig sa paliwanag ko. Sinabi niya sa akin wala siyang paki alam sa iyo. At about kay Hanna hindi niya aalisin ang pagiging ama mo dito" Halos hampasin ko na ang mesa sa sobrang sama ng aking loob. I can't believe na sinabi iyon ni Alex na wala na siyang paki alam sa akin. "Magkita daw kayo bukas sa park" Agad nagliwanag ang mukha ko sa sinabi ni Mia na. Tumayo ako at nag paalam na. Pumunta ako ng mall para bumili ng regalo para sa anak ko. Hindi ko alam kong ano ang gusto niya kaya bumili ako ng maraming laruang pambabae. Pagkarating ko sa condo ay kumain ako ng dinner at nag shower bago matulog. Nagising ako bandang alas syete ng umaga. Ginawa ko ang routine ko bago pumunta sa opisina. Busy ako sa pag babasa ng isang papel galing sa client ay nag beep ang phone ko. Tinignan ko ito kong sino. From: Mia [I fogot to say that 4 pm kayo magkikita mamaya] Nag reply ako.ng salamat sa kanya ng tumuntong ang 3:30 agad akong nag ready. Halos di maalis ang tingin ko sa salamin. Napababayaan ko yata ang aking sarili simula nong umalis si Alex. Pumasok ako sa Cr at nag shave sa balbas. Lumabas ako sa building at dumiretso sa parking lot. Excited akong makita ang mag ina ko. Halos liparin ko na ang aking sasakyan papuntang park. Ng makarating ako ay naghintay ako doon sakto lang ang pagdating ko. Naramdaman kong may tumapik sa aking likod. Pagka harap ko ay biglang bumilis ang t***k ng aking puso. "Kanina ka pa?" Malamig niyang sabi. Tulala akong umiling pinag masdan ko ang kanyang mukha. She change a lot. Mas lalo siyang gumanda ang mature na niyang tignan. "Alex thank you kas---" "Don't assume that much. Hindi ibig sabihin na nakipag kita ako sayo ayos na ang lahat. I think Mia forgot to tell you na ikakasal na ako. Tsk! I'm here because I want my daughter to know who is her real dad" Sabi niya. Akala ko ayos na ang lahat. Umupo ito at tumingin sa paligid.Halos iligo ko na ang isang bottle perfume sa aking damit kanina. Napatawa naman ako sa aking naalala. "Stop smilling you look like a crazy ass" Sabi niya at binaling ang tingin sa paligid ulit. I can't help but to stared at her. Gusto ko siyang yakapin at halikan ng puno ng pagmamahal at pagka miss. "Mommy! Look po. I have a hair clip. Yaya give it to me" Sabi ng batang babae na tumako papunta kay Alex. Kumandong agad ito at pinakita ang hair clip. Pinagmasdan ko ang batang babae na nasa kandungan ni Alex. She's pretty. No! Scracht that word. She's Beautiful like her mom. Ang mata niya at ilong ay nag mana sa akin. Nakuha naman niya ang lips, hugis ng mukha lalo na ang buhok sa kanyang ina. "That's so pretty baby!. Hanna diba you want to meet your real dad?" Tumango ang bata. Ngumiti naman si Alex kay Hanna. At inipit ang maliliit na buhok sa tenga. "Hanna siya ang totoo mong daddy" Sabay turo sa akin. Lumaki ang mata nito sa gulat at umalis sa pag kakandong kay Alex. Lumapit ito sa akin na para bang pinag-aaralan ang mukha ko. "Mommy! We have same eyes po." Lumuhod ako para mapantayan siya. Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko dahil halo-halo na lahat. I hug her tight and kiss her forehead. Ilang minuto ay nag kwe-kwentuhan lang kami ni Hanna. Madaldal ito at bibo. Pinigay ko sakanya ang regalo ko. "Do you like it!?" Nanginging na sabi ko kay Hanna. Baka kasi di niya gusto ang regalo ko para sakanya. "I like it po Daddy." Natuwa naman ako dahil na gustuhan niya ito. Dumating narin si Bryan na may dalang gummy Bears. Agad tumakbo si Hanna papunta doon. "Papa!" Niyakap agad ito ni Bryan at hinalikan sa pisngi. Gusto ko siyang sugurin at sabihing anak ko iyan. Mas lalo akong nainis dahil hinalikan niya sa pisngi si Alex. "Papa! You brought gummy bears my favorite" Halos mapatalon ito sa tuwa. Naka ramdam ako ng sakit dahil ibang ang ngiti ni Hanna sa pasalubong ni Bryan kay sa saakin. "Thank you po papa" "Your alway's welcome Baby" Tumakbo si Hanna papunta sa aking tabi at umupo. Pina buksan niya rin sa aking ang gummy bears. Habang tinitignan ko na kumakain si Hanna ay nakinig ako sa usapan nila Bryam at Alex. "Sorry if late ako sweetie. So ano ang gusto niyo for dinner!?" "Ano ka ba Bry it's okay. I know your busy. Wag ka na nga lang magluto para sa dinner I know pagod ka na" May halong paglalambing na sabi ni Alex. Kanina ang cold niya sa akin pero kay Bryan ang lambing. I can't blame Alex kasalanan ko rin naman. "I insist okay" "Fine! You know naman kong ano ang gusto namin ni Hanna kapag dinner". "Yeah!" Sagot niya sa tanong ni Alex. Napa buntong hininga nalang ako. "Hanna I think we should go. 6 pm na oh. Magluluto pa si papa mo." Tumango si Hanna at inayos ang dress niya. Nagpaalam ito at umalis na. Hindi maalis ang aking tingin sa kanila habang papalakad palayo. Kong ibang tao lang ako kay kanina pa ako namangha sa kanilang tatlo dahil para silang masayang pamilya. Napalunok ako at umalis narin sa park. Sana di nalang ako naging gago. Edi sana kumpleto na ang pamilya ko. *****SEE YOU SA NEXT CHAPTER*****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD