Rence Jade Rivas
"Daddy! I like this po"
Sabay turo sa isang laruan. Tinawag ko ang sales lady at pinakuha sa kanya ang malaking doll house.
"Ano pa ang gusto ng princess ko!?"
Mag-isip naman ito sa susunod na hihilingin. Lumiwanag ang mukha nito.
"I want to go visit gelo po"
"Who's gelo princess?"
"Gelo is my street friend po. When we came here I was lost that time. Then I met Gelo my new friend. He help me po to find mommy and papa. I promise him that we will see each other."
Kinuha ko na ang laruan na pinabili niya sa akin. Hinila ako ni Hanna palabas sa store at pumunta sa grocery.
"I want to gave him a thank you gift daddy. Can we po?"
"Sure baby. I want to thank that perso too"
Halos mapuno ang cart namin sa pagkain. Gusto ko rin makita ang tumulong sa anak ko. Para mag pasalamat sa kanya. Binayaran ko ang pinamili namin at umalis na sa mall.
"Saan ba dito baby?"
Tanong ko pagliko ko ng sasakyan sa isang iskinita.
"Here lang po! Gosh! Gelo is there po"
Sabi niya at excited na bumaba sa sasakyan. Sumunod narin ako at kinuha ang pinamili namin.
"Gelo!"
Masayang sigaw ng anak ko sa isang payat na lalaki. Ngumiti ito ng malaki.
"Hanna. Bakit ka nandito?"
"Remember I told you that we will see each other to thank you"
Napakamot naman ito sa pag english ng anak ko. Para bang di niya maintindihan ang sinasabi nito.
"Ano ba iyan Hanna. Ayan na nanaman ang english mo na di ko maintindihan!"
Napansin naman ako ng batang lalaki. Kaya hinila ako ni Hanna papalapit sa kanya.
"Daddy his Gelo po the kid who help me when I got lost."
Tinignan ko ang batang lalaki. Gwapo ito mas matanda ito ng isang taon sa anak ko base sa kanyang physical out look. Payat lang ito.
"Salamat pala sa pagtulong sa anak ko nong araw na nawawala siya"
"Ay sir okay lang po. Nahirapan nga po ako kasi di ko maintindihan ang mga sinasabi niya"
Nahihiyang sabi nito. Natuwa naman ako dahil mabait pala ito at magalang.
"Asan ang bahay niyo at kakausapin ko ang mama mo?"
"Nasa bahay po. Sumunod lang po kayo"
Sumunod kami sa kanya. Nasa kabilag kanto lang pala ang bahay nila. Maliit ito at gawa sa kahoy.
"Nay! May bisita po tayo"
Sumalubong sa amin ang may edad na babae. Nagulat ito ng makita kami ni Hanna.
"Pasok po kayo sir"
Nilinis niya agad ang kahoy na upuan. At inutusan ang anak niya na kumuha ng tubig.
"Nako! Ano po ang sadya nila?"
"Nandito kami ng anak ko para pasalamatan ang anak niyo dahil tinulungan niya si Hanna. Magaling ang pagpapalaki niyo sa inyong anak po. Mabait at magalang. Mag kaibigan sila ngayon ng anak ko kaya nais korin maging kaibigan ang magulang nito. Nais ko sana na tanggapin niyo itong kunting regalo bilang pasasalamat"
Nagulat naman ito sa binigay kong malalaking supot.
"Nako sir! Wag na po. Hindi po ito kunti kundi sobra-sobra po. Hindi ko po ito matatanggap. Ayos na po sa amin ang salamat na salita"
"I insist ma'am, bilang pasasalamat po. Hindi po ako titigil hanggat di mo ito tatanggapin"
Natatawa kong sabi. Natawa naman ito at sinabi sa akin na wala na siyang magagawa. Dahil tini-totoo ko ang aking sinabi na di ko siya titigal sa pangungulit.
Kaya sa huli ay tinanggap niya ito at nag pasalamat. Tinanong ko rin kong asan ang ama ni Gelo ang sabi naman nito ay matagal ng patay. Nalungkot naman ako nalaman ko rin na hindi pa pala nag-aaral si Gelo.
"Tutulungan ko si Gelo na maka pag-aral. Ipapasok ko siya bilang scholar wag na po kayong mag alala sa gamit para sa kanyang pag-aaral ako na ang bahala. At bibigyan ko rin kayo ng puhunan para kayo ay makaraos rin. Wag niyo naring isipin na tumanggi pa dahil tulong ko na ito. Walang ka tumbas ang pag tulong niyo sa anak ko"
Napa iyak naman ang ina ni Gelo at nag pasalamat. Hindi maalis ang ngiti ni Hanna sa kanyang labi dahil tinulungan ko ang magulang ng kaibigan niya.
Nagpaalam na kami at umalis na. Habang nag mamaneho ako ay panay I love you at thank you ng princess ko sa akin.
Pagkarating namin sa condo ay nagulat ako dahil andon si Alex sa labas ng pinto.
"Kanina ka pa ba?"
Tanong ko umiling ito at niyakap ang anak namin at kina musta.
How I wish na kamustahin niya rin ako katulad ng anak namin.
"Ang saya yata ng baby ko huh!?"
"Ofcourse mommy. Daddy help my friend he offered too a scholarship to Gelo."
"Wow! That's nice. Pack your things now baby cuz where going home"
Agad namang pumasok si Hanna sa loob naiwan kami ni Alex sa labas.
"Ngayon ko lang nakita ang ngiting iyan ni Hanna"
Napatingin agad ako kay Alex. Nakikita ko sa mata niya na masaya ito.
"Bakit?"
"Noon kasi masaya ito pero iba ang saya niya ngayon. Iba ang ngiti ibang-iba?"
Nagulat ako sa kanyang sinabi. I thought matagal ng masaya si Hanna dahil andiyan silang dalawa ni Bryan.
Lalapit na sana ako kay Alex para yakapin siya. Okay lang sa akin sampalin niya ako basta maparamdam ko lang sakanya na miss na miss ko na siya.
"Alex!"
Pumikit ako ng mariin at umatras bahagya. Hindi ko mapigilang umasim ang aking sikmura ng marinig ko ang boses ni Bryan.
Lumapit ito kay Alex at hinawakan ang bewang nito. Para bang gusto nita ipakita sa akin na 'Pag mamay ari ko na to'.
Napa tiim bagang ako sa aking nakita. Lumabas naman si Hanna na dala ang bag pack niya. Lumapit ito sa akin at yumakap sa binti ko.
Kinarga ko ito agad at kinurot ang pisngi. Tumawa ito at pinugpog ng halik ang mukha ko.
"Bye bye po daddy. I love you po"
Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ulit sa pisngi bago umalis. Nang maka alis sila ay pumasok na ako sa condo.
Ito na naman ang feeling ko na kulang. I hate this feeling of empty.
***** SEE YOU SA NEXT CHAPTER*****