Chapter 7: First Kiss “I think kung hindi next month pa kita maooperahan Skye, ay within two months pa. Puno na ang schedule ko sa susunod na buwan. Priority cases ang mga iyon, talagang kailangan ng surgery as soon as possible. Ang evaluation naman namin sa iyo ay healthy ka compared to most cases in our list, so you’ll have to wait for a few more weeks before I conduct your operation.” “Okay lang sa akin, Doc. Maganda naman ang response ng katawan ko sa mga gamot na inireseta mo,” aniya kay Winston. “Hindi ko na nararamdaman iyong mga sintomas ng sakit ko.” “Oo, pero kailangan mo pa ring maoperahan. The medicines can only help you as much.” Tumango siya. “Okay lang sa akin iyong schedule ko. Medyo ninenerbiyos nga ako na ewan. Normal naman siguro ito.” “Oh, don’t

