"Yuri, dali aalis na sila!" Halos madapa na ko sa pagmamadali nang marinig ang sigaw ni Vivian. Ngayon kasi ang alis ng mga basketball players para lumaban sa kabilang school. Kabilang dun ang boyfriend ko na si Gian. Number 29 nang Tiger Wolves. Ang gwapo nya talaga. Kumaway ako sa kanya nang mapansin nya kami ni Vivian. Nginitian nya lang ako. Nakita naman yun ni Vivvian at siniko ako sa tagiliran. "Sus ang person, di naman nakakainggit!", sabay irap pa ng gaga. Natawa na lang ako sa kanya.
2 years na kami ni Gian. Anak sya ng isang business tycoon at talagang hinahangaan sa aming school. Bukod sa pagbabasketball, nag eexcel din sya sa academics. Na lalo kong minahal sa kanya. Sa dalawang taon namin ay hindi pa kami nagkakaroon ng malalang away. Napakahaba kasi ng pasensya nya. Sobrang understanding. Hindi nya hinahayaan na matulog ako ng may sama ng loob. Palaging may solusyon para sa kanya.
Ako naman ay galing din sa mayamang pamilya. Lumaki akong mag isa dahil wala akong kapatid. Ang mga magulang ko naman ay sobrang busy sa aming negosyo. Kaya naman nang makilala ko si Vivian ay di ko na naramdaman mag-isa. Masaya syang kasama. Kahit minsan may pagkagaga hindi naman ako kailanman pinahamak.