"BLUE..." dinig niyang sambit ni Alexa sa pangalan niya. Hinayaan ni Blue na ang sariling mabasa sa papalakas na ulan, kitang -kita niya ang malaking pagkabigla ni Alexa nang masilayan siya ng ilaw na nagmula sa kotse ng lalaking humalik sa pisngi nito at tila ba wala 'man lang umulas sa labi nito. Hindi niya kailangan magtanong, hahayaan niyang ito ang magkusang magsalita at magpaliwanag. Ayaw niyang masakal ang dalaga sa relasyong meron sila lalo na't kauna-unahan siya nitong nobyo kahit ba nangangapal na ang mukha niya sa matinding selos. Naninikip dibdib niyang tinitigan ang dalaga, habang ito'y ginawa nang maglakad sa kinatatayuan niya. "Come on Alexa, lets go inside." nagpipigil galit na pagyaya niya. Nasa boses ang lungkot. "Blue, kaibigan at kababa ko iyon si Lheron! Matagal

