“Mahal kita kaya ayaw kitang masaktan ulit.” Lumakas ang pintig ng puso ko nang salubungin niya ang aking mga mata. Para bang hinihipnotismo ako ng mga titig nito. Ngunit agad ring napawi ang malakas na pintig na iyon nang para bang kidlat na gumuhit sa utak ko ang mga masasakit na alaalang siya rin ang may gawa. “Ako?” Mapait akong napangiti. “Mahal mo ‘ko?” Naituro ko pa ang aking sarili. Gusto ko siyang sugurin at suntukin sa mukha sa mga oras na ito. Pinaglalaruan yata ako ng lalaking ito! Kailan lang nang ipamukha niya sa akin na hindi niya ako mahal. Na hindi niya ako minahal kahit kailan! At ipinamukha niya iyon sa akin sa mismong puntod pa ng anak ko. “Bago ‘yan, ha. Ituloy mo lang,” panunuya ko pa sa kanya. Ini-lock ko ang pintuan ng unit ko at nilagpasan siya. Pumasok ako sa

