“Kaya naman pala ang tagal mo, eh! Nagpauto ka na naman pala sa lalaking ‘yan!” “Bakit nandito kayo?!” Nandidilat pa ang mga mata ni Paula. “Ang tagal mo kasi, eh! ‘Yon naman pala busy kang magpauto sa lalaking ‘to!” singhal ni Luther. “Don’t you dare pointed your gun at my fiance!” Tinabig pa niya ang mahabang baril na hawak ni Luther. “Kaya ko na ‘to! Sabi ko ako ng bahala! Kaya bakit nandito kayo?!” “Fiance? Oh! Wow! Hanggang ngayon umaasa ka pa rin? Hindi ka na babalikan n’yan lalo na ngayong may anak na sila ni Monnette!” “Shut up!” nanggigigil na sigaw ni Paula kay Luther. Humalakhak si Luther na para bang inaasar lalo ang babae. “Look at them. They’re happy one big family. And you. You will be left alone. Walang Jared, wala ring baby.” Pang aasar pa nito. “Stop it, Luther!” s

