✍️CHAPTER 23
_____________________
Justin POV
Hindi ko alam kung saan ba yung Condominium ng hayop na Ace na yun! Humanda talaga sya sakin kapag nag kita kami.
Nandito ako ngayon sa kung saang Lugar, hinahanap ko si Irene at baka sakaling nandito lang yun.
Inabot na ako ng ilang oras at gabing gabi na din pero hindi ko parin sya nakita. Pinuntahan ko si Nicole baka sakaling may alam yun. Nang makarating ako ay agad akong lumabas ng kotse ko kahit umuulan ay hindi ko iniinda na babasa na ako. Makailang ulit ko pang kinalampag yung Gate nya bago ako pagbuksan.
"Oh Justin bakit basang basa ka?" Tanong ni Nicole at pinayungan ako.
"Nasan ba si Irene?"
"Hindi ko alam! Basta nung tinawagan ko Sya kanina ang sabi nya huwag nalang kitang pansinin o kaya mag Hotel ako!"
Paliwanag nya at kita sa Itsura nya na wala talaga syang alam.
"How about Ace? Alam mo ba kung saan ang condo ng hayop na yun? Tanong ko
" H-hindi eh sorry pero hindi ko talaga alam eh! "sabi nya
" It's okay! "sagot ko at umalis na
Nakarating ako ng bahay at agad akong tumungo sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos ay sinilip ko yung kwarto ni Irene.
''I miss you irene'' sabi ng isip ko at napasigh nalang ako at sinarado ko na iyon. Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga na. Bukas. Hahanapin kita Irene. Hahanapin kita kahit nasan ka pangsulok ng mundo!
Irene POV
Nandito ako sa kwarto ko ngayon magkatabi lang yung kwarto namin ni ace. Nakiusap ako na wag kaming pagtabihin. Kahit kaibigan ko Sya lalaki padin sya!
Hindi ako makatulog sa kakaisip, ano bang ginagawa nya? Kumain na ba sya? Tulog na kaya sya? Paniguradong hahanapin ako nun. Hayss hindi naman nya ako mahahanap eh. Hindi ako komportable dito dahil hindi ko naman sila kamag-anak. Ayokong mag stay dito ng matagal. Gusto ko rin makahanap ng trabaho. Nakokonsesya ako sa ginawa ko pero kailangan. Pinikit ko nalang yung mata ko upang makatulog.
Justin POV
Nagising ako bigla. s**t! Anong oras na. Agad akong tumakbo sa banyo at naligo na saka nagbihis. Nagpunta ako sa labas ng bahay at sasakay na sana sa kotse ng biglang may nag doorbell.
Naiinis man ay nilabas ko nalang sya.
"Nicole!" Bungad ko sa kanya.
"Alam ko yung address ni Ace!" sabi nya
"Let's go!" aya ko sa kanya. Pano nya nalaman? Nauuna na syang mag drive. Nang magpantay na ang kotse namin ay agad ko syang sinigawan.
"Wala na bang ibibilis yan?" tanong ko sa kanya at inunahan na sya. Nang makarating na kami sa condo ay agad akong nagdoor Bell. Walang nagbubukas kaya pinindot ko ng pinindot. 's**t'
"Sir! Sino po yung hinahanap nyo?" tanong ng matandang babae.
"Si Ace!" sagot ko.
"Ay kaninang umaga pa umalis at kasama nya yung girlfriend nya!" sabi nito!
"Sinong girlfriend?" tanong ko
"Matangkad na maputi at magandang babae!" sagot nya. s**t si irene
"Si Irene!" Sabi ni Nicole.
"May mga dalang maleta at flight daw nila ngayon!" sabi ng babae
"s**t! Thank you po!" at agad akong tumakbo papunta sa kotse ko. Binilisan ko ang pag dadrive ko s**t ba't traffic pa!!!
Pinaghahampas ko yung manibela ko sa Inis. Nakita ko naman yung kotse ni Nicole.
"Mauna kana dun susunod lang ako!" sabi nya at sakto naman umusad na. Nakarating agad ako sa Airport. San bang terminal yun? Agad akong sumakay sa kotse at Nakarating na ako sa terminal 1.
Pagdating ko yun ay agad akong tumakbo papasok nganit hinarang ako ng mga security.
" Nasa loob na po sila ng airplane! Hindi na po pwedeng lumabas! Sabi ng security. Napaupo na lang ako sa waiting seats at yumuko ka sabay ng pagpatak ng mga luha ko.
" Susundan kita Irene! Kahit nasan ka man! Bulong ko sa isip ko. Naramdaman ko naman na may tumapik sa likod ko.
" Okay lang yan! "