✍️CHAPTER 34 ********************* Nagising ako at agad akong ginawa ang daily rituals ko. Habang nagbibihis ako ay biglang nakaramdam ako na maduduwal ako. Agad akong tumakbo sa banyo para sumuka pero wala naman. Lagi kong nararanasan yung morning sickness ko ng hindi nya alam.kailan kaya babalik ang alaala nya? Sabihin ko na kaya sa kanya? Agad kong inayos ang sarili ko at lumabas ako. Tumungo ako sa kusina at naabutan ko sila mom, dad at Justin. Umupo ako sa tabi ni mommy kaharap si Justin. "Good morning mom, dad! At kuya!" sabi ko at tumingin lang sya sakin. "Hindi kita kapatid!" cold nyang sabi at napatingin naman sila mommy sakin. "Anak wag mo nalang intindihin yung kuya mo!" sabi ni mommy at nginitian ako. "Kailan ba kasi aalis yang Ampon nyo?" galit na tanong nya at inirapan

