✍️CHAPTER 29
____________________________
Sa wakas ay naagapan nila si Justin nakasurvive sya.Thank you Lord! Thank you Justin at lumaban ka!
Lumaban daw sya kaya hindi nila sinukuan ang pagsagip sa buhay nya.
Alam kong pinipilit nyang mabuhay kahit ganun kalala ang lagay nya. Naniniwala akong mabubuhay sya dahil may mahalaga pa syang sasabihin sakin at ganon din ako sa kanya.
...
Mga two months mahigit na simula ng mangyari ang aksidente pero hindi parin sya gumising. Wala din akong ginawa kundi bantayan sya. Bahay-Ospital lang ang takbo ng buhay ko. Hindi ako umalis sa tabi nya baka isang araw gumising sya at gusto kong pagmulat ng mga mata ay ako ang una nyang makikita.
Excited na din akong ibalita sa kanya na magkakababy na kami.
Justin gumising kana! 1month mahigit kanang hindi gumising! Masyado ka nang cute Matulog! Sabi ko sa kanya at kiniss sya sa forehead. Napakagwapo mo talaga! Ang layo talaga ng Itsura natin sa isa't isa.
Maya maya'y namamalik mata ba ako? Nagulat ako ng gumalaw ulit ito kaya napaiyak ako.
Sa wakas gumising kana din!ang tagal kong hinihintay tong araw na ito! Dahan-dahan nyang Minulat yung mga mata nya at lalo at lalo na akong napaiyak at niyakap sya.
"Thank you Lord, gumising kana! Ang tagal kong hinihintay toh!" sabi ko sa kanya habang nakayakap.
"Thank you Justine at binigyan ka ng second chance para mabuhay!" sabi ko sa kanya ngunit nakatingin lang sya ng diretso sakin at parang naguguluhan.
"Justine? May problema ba?" tanong ko.
"Sino ka? Isang salita na nagpaguho ng mundo ko. Kala ko tapos na ang paghihirap ko pero hindi pa pala. Nagbibiro ba sya? Gusto nya lang ba akong biruin? Patuloy lang ang mga tanong ko sa isipan ko kasabay ng mga luha sa aking mata.
" J-justine nagbibiro ka ba? Hindi mo ba ako kilala?" tanong ko. Naguguluhang tinungo nya lang ulo nya.
"Justine hindi magandang biro yan!" sabi ko habang Patuloy parin sa pag-iyak
"S-sino kaba?" tanong ulit nya kaya nawalan ako ng lakas. At parang gusto kong mapaupo.
"Justine ako to! Yung kapatid mo!" sabi ko habang umiiyak. Kapatid lang ang pwede kong sabihin,hindi ko alam kung anong meron kami, hindi ko rin alam kung may nararamdaman din ba sya sakin. Baka ako lang umaasa ng Ganito.
"S-sinong kapatid?"
"Ako yung kapatid mo si Irene!" sagot ko at niyakap sya ngunit inilayo nya yung kamay nya sakin.
"Where's Mom and Dad?" tanong nya. So ibig sabihin sila mommy at daddy naaalala nya. Bakit ako hindi? Ang sakit naman sa pakiramdam na bilang kapatid ay hindi nya manlang ako naalala. Agad kong pinahid yung mga luha ko at tinawag sila mom at dad sa labas.
" Mom, dad si justine gising na po!" sabi ko at kita ko sa muka nila ang pagkaexcite.
Agad silang tumakbo sa loob at niyakap si justine. Nakasilip lang ako dito sa labas habang umiiyak. Buti pa sila naalala, pero ako hindi.
Hanggang dito nalang ba ako? Paano? Paano ko sasabihin sa kanya yung totoo? Paano yung anak namin?