KEITH " Keithlyn , keithlyn ayos ka lang ba? " dinig kong tawag sa akin ni ate, kanina ko pa hawak ang aking bibig para takpan ito ,gusto ko sana humaholgol at umiyak ng malakas kaso ay ayaw kong maka dagdag pa sa iniisip ni ate, inayos ko mona ang aking sarili saka ako sumagot " Po? Ate bakit po? " sagot ko kay ate, " Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo kasi kanina ka pa sa banyo, umiiyak kaba?" Nahahalata pala sa boses ko na galing sa pag iyak " Ate may dysmenorrhea lang po ako kaya ako naiyak " pagsisinungaling ko, habang patuloy pa rin ang aking mga luha sa pag patak nito " Labas kana nandito naman si Kuya Liam mo, nag aalala na rin kasi siya sayo kanina ka pa raw kasi sa banyo, ako na ang pumunta sayo kasi busy sila mama, sunod ka na ha malapit na natin ihatid ang kuya mo " n

