KEITH Lumipas pa ang araw na hindi pa rin nagbabago ang kondisyon ni ate, bawat araw na nagdaan ay hindi kami nawala sa tabi niya, salitan kami nila mama at papa sa pag babantay sa kanya. Si kuya Kean naman ay nagkakilala na rin sila ni Keanna , naikwento niya sa amin ang lahat ng nangyari sa kanya, nagsisi man siya sa kanyang nabitawang salita kay ate ay huli na rin ang lahat, di naman namin pwedeng isisi sa kanya ang lahat kaya tinanggap pa rin sila nila mama at papa, ako naman ay hindi na gaya ng dati ang closeness namin sa isat-isa, hindi ko parin maiwasan na isisi sa kanya ang lahat. Sa bawat nagdaang araw ay naka alalay lang si Doc William sa amin, isa siya sa doctor na naka atas sa ate ko.kailangan kasi tingnan kong may development na ang utak ni ate at 'yon ang specialist ni Wil

