Chapter 1

1242 Words
KEITHLY’s POV Dalawa lang kami ng ate ko ang magkapatid at bunso ako syempre kaya nga ate ang tawag ko sa kanya. Anyway ang sabi nila Papa at Mama ay matagal daw bago nasundan si ate. Mabuti na lang at nadaan nila sa araw- araw na alam n’yo na at saka mabisa pa rin daw ang sperm ni Papa kaya heto sa awa ng diyos nabuo ako. College student noon si Ate ng makilala niya ang naging asawa niya ngayon na si Kuya Kean, at kasabay rin ng panliligaw ni kuya ay ang panliligaw rin noon ng College student pa na si Doc William Miranda, the love of my life, hmm, landi ko naman, pero konti lang. Unang kita ko pa lang kay Doc Will, ay tumibok na agad ang munti kong puso na noon ay nasa grade 8 student pa lang ako. I think 15-years old yata ako at si Ate naman ay 22-years old so 7-years ang age gap namin ni ate. So mas matanda si Doc Will kay ate ng 2-years so 9-years ang age gap namin ng Doc Will ko. Pero ayos lang, age doesn't matter naman ‘di ba. Ngunit wala pang isang taon ay nag-proposed agad si Kuya Kean kay ate at ito naman si ate ay sinagot din, so ang ending broken hearted ngayon ang Doc Will ko. Kaya naman it's my time to shine. I mean may chance na ako ‘di ba? Naku! buti na lang at si Kuya Kean ang sinagot niya, kasi kung nagkataon ay magiging bayaw ko pa ang unang lalaking nagpatibok ng aking puso. Kaya syempre nagdidiwang ang lola n’yo ngayon habang si Doc Will ay nasasaktan. Kunyari concern ako pero deep inside masaya ako. Charot ang sama ko naman pero ‘di ba nag ka-chance na ako. So simula noon lagi ko na siyang pinupuntahan sa school at sinusundan kong saan. Hindi naman niya ako tinataboy kasi nga feeling niya kapatid niya ako, which is it makes me hurt my puso pero keri lang ulit, sabi nga nila pag may tiyaga may nilaga. Pero lumipas ang taon ay hindi pa rin niya ako napapansin at mas lalong nadagdagan ng umalis siya ng bansa para ipagpatuloy ang pag aaral at para siguro makapag move on na rin kay ate. Pero naku! naku! Sobrang tuwa ko nang mabalitaang bumalik na siya at isa ng ganap na Doctor. Aba! syempre alam ko yata ang ganap niya sa buhay. Stalker niya yata ako. So, nagkataon naman na nurse sa information Desk ang kaibigan ko sa ospital ng pinagtatrabahuan niya kaya nalalaman ko ang ganap niya sa araw-araw. pinapa-page ko siya palagi, syempre tuwing lunch lang naman ‘yon at kong pang-umaga siya. Minsan kasi nmn pang gabi siya kaya hindi ko na pupuntahan. Aba! syempre may pangarap din naman ako noh, nag-aaral ako malamang para kahit papaano naman ay bumagay ako sa kanya, ay hindi bagay talaga kami period. Calling the attention of Doctor William Miranda, please proceed to the lobby now. "Ayan na siya besh makikita ko na naman ang Prince charming ko," kinikilig kong sabi sa aking kaibigan. "Naku, pag ako na sesante sa pinapagawa mo sa akin—" "Hindi ‘yan ako bahala malakas yata ako sa kanya, and remember may share rito ang bayaw ko kaya don't worry.” "Keithlyn you again? How many times do I have to tell you na ‘wag mo ako ipatawag basta-basta. I'm a busy person,” napapailing niyang tugon sa akin. "Eh, Will, alam ko hindi ka busy ngayon, lunch break na ‘di ba? kaya tara na please,” sabi ko at sinabayan ko ng puppy eyes para mas lalong maging cute. "Call me Kuya and not Will, for god’s sake Keithlyn you're like a sister to me and nothing more." Nalungkot naman ako bigla, kapatid lang ang turing niya sa akin, dahil si ate ang mahal niya. Pero pursigido pa rin ako, mahuhulog din ‘yan sa akin. "Akin ka na lang Doc Will,” umiiling lang siya at hindi siniseryoso ang sinasabi ko. "Pagbibigyan kita, pero last na ito Keithlyn do you understand?" seryoso niya pang sabi. "Okay po Doc Will,” sabi ko pero ang totoo uulit at uulitin ko pa rin, aba, syempre baka madaan sa tiyaga. So ayon na nga dahil magaling ako magluto at hindi kami sa labas kumain kundi sa cafeteria ng Hospital din at ako ang nagluto. Dinadamihan ko na rin dahil gustong-gusto ng mga kasama niyang doctor ang luto ko. "Ito adobong native na manok, ito pa Beef Caldereta at Sinigang na Hipon, ayan ‘yan sa inyo lahat mga Doc pero itong dessert kay Doc Will my love ko lang ‘yan," sabi ko sa mga tropa kong Doctor na ka-work niya, kilalang-kilala nila ako dahil araw-araw ba naman ako nandito at syempre dahil alam nila na hipag ako ng isa sa mga directors dito sa hospital. "Wow ang swerte mo naman Doctor Miranda ang sarap magluto ng future wife mo,” sabi ni Doc Paul na guapo rin. "Pwede ba! tumigil nga kayo , kapatid ko lang ‘tong si Keithlyn at wala ng iba.” Ouch biglang kumurot ang puso ko di ko lang pinahalata na nasaktan ako sa sinabi niya. "Eh Doc Will, totoo naman na swerte ka pag naging tayo. Sagutin mo na kasi ako, akin ka na lang Doc Will please,” with matching puppy eyes para maging effective ang pagpapa-cute ko. "Puro ka kalokohan," sabay gulo nito sa buhok ko. Ganito siya palagi. Ano kaya ang gagawin ko para mapansin naman ako ni Doc? Aha! alam ko na, susundan ko siya kahit saan magpunta gaya noon. "Kain na tayo Doc,” sabi ko na lang at nagsimula na nga kami kumain. Lumipas ang mga araw at gano’n pa rin ang aking ginagawa, pero para hindi halata nagbebenta ako ng mga dessert na bini-bake ko, at patok naman ito sa kanila. "Keithlyn, halika may tip ako sayo," bulong sa akin ni Doc Paul, guapo rin ito pero mas guapo para sa akin si Doc Will. "Ano po ‘yon Doc Paul?" tanong ko. Nilapit pa niya ang bibig sa aking tenga. Nang magawi naman ang tingin ko kay Doc Will ay salubong ang kilay niya. "Mamaya sa may bar sa Quezon Ave, pumunta ka may party kami r’on mga doctor shot- shot lang, ano game?" bulong nito sa akin. "Eh Doc, baka hindi ako makapasok wala pa akong 18," dismayado kong sagot. "Hindi ‘yan, heto ang invitation at mag-make up ka." Nagkaroon naman ako ng pag-asa. "Pero, hindi ko tino-tolerate na mag bar ka sa murang edad ha, at ‘wag ka uminom, pasasalamat ko lang ito dahil lagi mo kami pinapatikim ng pagkain mo," sabay gulo nito sa aking buhok. Napangiti naman ako kay Doc Paul at bigla siyang niyakap. "Salamat Doc Paul," sabi ko, pero nabigla ako sa kamay na humila sa akin kay Doc Paul "Ano ba Keithlyn? Ang bata-bata mo pa, ikaw pa yumayakap sa lalake!" salubong na kilay niya pang sabi. "Doc Will, ‘wag ka na mag-selos ikaw lang ang love ko," sabay yakap ko rin sa kanya. Naghiyawan na lamang ang mga nasa paligid namin at nang tumingin ako sa mga ito ay nasa loob pala kami ng Canteen ng hospital at Lunch break pa, kaya ang dami tuloy nakakita ng ginawa ko. Hiyang-hiya naman si Doc sa aking ginawa at napapa iling na lamang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD