Habang nasa byahe si Eren ay napatingin siya sa gilid ng kalsada kung saan naroon ang coffee shop.
Lalampasan na sana niya ito ng mapansin ang babaeng nakatungo pakiwari niya ay tulog ito. Mas naagaw ng atensiyon niya ay ang damit na suot nito. Kilala niya ang kaniyang damit kahit malayo pa ito. Si Saith lang ang pinahiram niya ng kaniyang damit.
Shit!, Brat ano ang ginagawa mo dito?
Wala na siyang nagawa kundi ang puntahan ang babaeng natutulog.
Nang makilala niya ito ay binuhat at isinakay niya ito sa kaniyang sasakyan.
Imbes na pumasok sa Firm ay umuwi nalang siya sa kaniyang bahay.
Nagising si Saith sa hindi pamilyar na kwarto. Kaagad siyang napabalikwas ng bangon. Nasaan ako? Anong lugar ito? Kaninong bahay ito?
Ang huli niyang naalala ay nakatulog siya sa isang coffee shop. Bakit siya napunta dito?
Natigilan siya ng lumabas siya ng kwarto. Halatang mamahalin ang mga paintings at mga vase.
Simple lang ang mga gamit dito pero alam niyang mahal iyon.
Lumakad siya hanggang sa nakarating siya sa hagdan.
Shit! Asan na ba ako?
Sinunod lang niya ang daan patungo sa ibaba ng hagdan.
Sa paglalakad niya ay narating niya ang kusina ng bahay.
Nakita niya si Eren na nagluluto. Tumikhim siya para agawin ang atensiyon nito.
"Nasaan ako?" Takang tanong niya dito dahil hindi siya pamilyar sa bahay na ito.
"You're in my house." Kalmante nitong sagot sa kaniya habang hindi parin nalingon sa kaniya at patuloy parin sa pagluluto.
"I'm leaving," Paalam niya dito. "salamat
sa pagpapatuloy mo sa akin dito habang
tulog pa ako."
Aalis na sana siya ng bigla nalang siya nitong hinigit sa braso para hindi siya makaalis. Hindi man lang niya narinig ang yabag nito habang palapit sa kaniya.
"Where do you think you're going?"
"Uuwi na?"
"Sa labas ng condo mo nandoon parin ang mga paparazzi at ayaw paring umalis kaya dito ka muna mas safe ka dito--"
"At paano mo naman nasabi na safe ako dito. Remember sikat na model, artist ako hindi ako basta-basta-"
"I know kaya nga dito Kita dinala sa bahay ko. Kasi alam kung safe ka dito. Wala sayong makakalapit dito dahil mahigpit ang seguridad ng lugar na ito. "
"Okay." Sagot niya dito.
Umalis na ito sa tabi niya at bumalik sa niluluto. Saglit lang ay bumalik na ito sa tabi niya at naghain ng kanin at ulam.
"Oh. Kain kana. Diyan ka lang may kakausapin lang ko."
Tumango lang siya at kumain.
Mula sa kinauupuan ay kita niya ang ginagawa ni Eren.
Naramdaman siguro nito ang pag daan ng tingin niya dito dahil lumingon ito sa kaniya.
'What?' he mouthed.
Umiling lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Lumapit sa kaniya si Eren at nagtanong. "Masarap ba?"
"Hmnn." Hindi siya makaimik dahil puno ng kanin at ulam ang bibig niya.
Napailing-iling nalang ito at mas dumikit
pa ito sa kaniya. Naramdaman niya ang hininga nito sa pisngi niya dahil nakagilid
ito sa kaniya.
Saglit pa ay bigla nalang nitong hinapit ang beywang para mas lalong mapalapit ito sa kaniya lalayo pa sana siya ng bigla
gamitin nito ang dalawang braso nito hindi siya makagalaw.
"Eren nakain ako kung ano-anong ginagawa mo. Lumayo ka nga ng kaunti."
Matamis lang itong ngumiti. At pinagapang nito ang mga daliri sa gitna ng mga hita niya.
"Eren-"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya
ng magtanong muli ito sa kaniya. "Masakit parin ba?"
Tumaas ang isang kilay niya. "Isn't obvious?"
Napailing-iling lang ito at ipinagpatuloy lang ang pag masahe sa kaniyang gitnang bahagi. "Masakit pa ba?"
"Oo."
"Baby I'm horny." Nakanguso nitong sabi.
"Anong gagawin ko?" Maang niyang tanong dito dahil hindi talaga niya alam ang gagawin dahil nakain pa siya. Bigla siya nitong hinigit patayo.
Mabilis itong umupo kaya ang ending ay nakaupo siya sa mga hita nito.
"Saith?" Pagtawag nito sa kaniya.
"Bakit?" Sagot niya ng hindi tumitingin dito.
"Gutom ako."
"Susubuan nalang kita." Suhestiyon niya dito.
Mabilis naman itong sumang-ayon sa suhestiyon niya.
Mabilis nilang natapos ang kanilang pagkain. Dahil nga si Eren na ang nagluto kaya siya nalang ang naghugas ng kanilang kinainan.
"I'm going home." Imporma niya dito habang ito ay nakaupo at busy sa cellphone nito.
"But Saith-"
"Uuwi na ako baka may gagawin kapa e baka nakakaistorbo na ako sa'yo."
"Brat look wala akong ginagawa kaya dito kalang safe ka dito dahil dito hindi alam ng mga paparazzi na andito ka. Kapag nalaman ng mga paparazzi na pauwi kana haharangin ka nila."
Mabilis siyang napalingon dito. "What the hell?"
"Yeah." Sagot nito sa kaniya habang relax lang at humiga pa ginawang unan nito ang mga braso nito habang pinagmamasdan siya nito.
Wala siyang nagawa at inirapan lang niya ito.