Chapter Two:

1512 Words
Chapter 2: Naging maganda ang celebration ng new year's eve namin. Isang linggo pa kaming nanatili ni Babes sa mansyon bago kami bumalik sa condo unit na tinitirhan namin. Humiwalay na kami ng bahay kila mommy, malayo kasi ang trabaho namin sa bahay kaya bumili kami ng condo unit na pinaghatian namin ni Babes. "Pinky, basahin mo nga itong kwentong pinasa sa akin ng isa sa mga writer namin. Sa tingin mo papatok ito?" Lumapit ako kay Babes at ipinakita n'ya sa akin ang laptop n'ya na gamit n'ya sa kanyang trabaho. Pinasadahan ko ng tingin ang pamagat na nakasulat sa unahan 'That Lucky Underwear" "Papatok 'yan," sagot ko sa kanya at naglakad papunta sa banyo. "Ano? Eh, title pa lang yata ang nabasa mo eh." Nilingon ko muna s'ya bago ako tuluyang pumasok sa banyo. "Sabi ko nga kapag ganito ang title hindi na kita tatanungin!" Narinig ko pang sigaw ni Babes. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Kulay yellow na summer dress ang isinuot ko na bumagay sa maputing balat ko. Kinuha ko ang itim na shoulder bag ko at saka lumabas ng kwarto. Naabutan kong wala na roon si Babes, siguro ay pumasok na sa trabaho n'ya. Ini-lock ko ang pinto ng condo unit bago lumabas, syempre baka mamaya kasi mapasok kami ng mga magna-nakaw kapag hindi ko ini-lock, duh? Pagkasara ko ng pinto, nakita kong may naghahakot ng gamit papasok sa katapat naming unit. Buti naman at mukhang may titira na d'yan, nakakatakot kapag walang tao sa tapat ng unit namin baka mamaya mat mumu na 'don! Oh my, kinilabutan ang mga balahibo ko. Sumakay na ako kaagad sa elevator. Ako lang mag isa roon kaya naman ng tumunog ang cellphone ko ay gulat na gulat ako. Sinagot ko naman iyong tawag ni mommy. "Pinky!" Sigaw ni mommy sa kabilang linya. "What is it mom? Anong meron at sumisigaw ka?" "Pinky, your bird!" Kumunot ang noo ko at agad na umusbong ang kaba sa aking dibdib. "What happened to my bird?" Pinilit kong maging kalmado ang aking boses. "She's sick. I...I think she's dying." Malungkot na sabi ni mom na agad nagpaguho ng mundo ko. "No! This can't be!" Pinatay ko ang tawag at dali daling lumabas ng elevator. Halos tumulo na ang luha at uhog ko dahil sa kaba. Hindi pwede! Hindi pwedeng mamatay ang birdie ko. I love her, I really do. Sumakay ako sa kotse at nagmamadaling pinaandar ito papunta sa mansyon. While driving, I was thinking of what's happening. Our bonding with my bird. Don't leave me, my birdie. I will do everything just to save you! In just thirty minutes nakarating ako sa mansyon. Dali dali akong pumasok sa gate pagkabukas na pagkabukas nito. Ipinark ko kaagad ang kotse at nanakbo palabas at papunta sa aking birdie. I think, I'm going to die too. "Mommy? Where's Mia?" Tanong ko kaagad kay mommy nang makita ko s'ya sa may sala na nakaupo at nanunuod ng tv. "She's in your room with Marimar." Kalmadong sabi ni mom. "Ma! Hindi pa ba kayo nagpatawag ng doctor?" "Pinky, Mia is too old. She's probably weak." "No mom, she's not going to die." Umakyat kaagad ako sa aking kwarto at nang makita ko si Mia ay bumuhos ang luha sa aking mga mata. Nakahiga s'ya sa kanyang hawla at halatang nanghihina. "Ma'am alis na po ako," paalam ni Marimar at lumabas ng kwarto. Nanghihina ang mga tuhod ko habang tinitingnan ang kaawa-awang birdie ko. My baby little birdie, no she's not going to die. "Mia, don't leave me ok? I'll just change my clothes then I'll bring you to your veterinarian." Nagbihis ako. Kulay itim na dress, aviators na itim, maski ang heels ko kulay itim. Hindi pa man patay si Mia ay nagluluksa na ako. Agad agad kong kinuha ang hawla ni Mia at bumaba ng kwarto. "Where are you going darling?" Tanong ni mommy nang makita n'ya akong bumaba galing sa kwarto. "I'll bring Mia to veterinary." Tumango si mommy at tumuloy na ako sa paglabas ng mansyon. Habang nasa byahe ay nangingilid ang luha ko at ilang beses kong nilingon si Mia. Ang sakit. Mula pagkabata kasama ko na si Mia and now? Mamamatay na s'ya. Hindi pwede, magluluksa ako. Bago ako makarating sa mall kung saan may clinic para sa mga hayop ay nagbeep ang cellphone ko. Agad ko iyong binasa at nakita ang text ni mommy. Mommy: I called your dad. I told him what happened to Mia kaya hindi ka pumasok ngayon sa opisina. Me: Thanks mom. Pagka-park ko ng aking kotse ay dali dali akong pumunta sa entrance ng mall dala dala ang aking birdie ngunit hinarangan ako ng guard. "Miss, bawal ang alaga sa mall." "Manong guard, mamamatay na ang ibon ko, nasa loob ng mall na 'to ang clinic ng veterinarian niya." "Doon yun sa kabilang side hindi dito miss!" Sabi ni manong guard kaya napilitan akong umikot sa kabilang side ng mall para doon dumaan. Hinihingal na ako kakalakad takbo pero binilisan ko pa rin ang lakad. Kailangan ko na talaga s'yang dalhin doon. "Don't touch my birdie... Don't touch my birdie!" Kumunot ang noo ko nang marinig ang kumakanta. What the? Ano! Nang aasar? "Resist temptation please..." Maraming tao ang nanonood sa kanya, hindi ko alam kung bakit? Eh, ang pangit naman ng boses n'ya. Kaya naisipan kong sumilip sa kumpol ng mga tao at nakita ko ang pamilyar na may pansit canton na buhok sa isang microphone stand. "Hoy! Nang aasar ka ba?!" Napahinto sa pagtawa ang kanyang mga kasama at sa isang iglap ay napunta sa akin ang atensyon nila. Pero wala akong pake! Pinapainit n'ya ang ulo ko! "Ha? Ako ba?" Itinuro ni pansit canton hair ang sarili n'ya. "Oo, 'wag mong pinapainit ang ulo ko ha! May sakit ang birdie ko!" Kumunot ang noo n'ya at may namuong ngiti sa kanyang labi. Narinig ko ang marahang pag ungol ni Mia sa kanyang hawla kaya naman, luminga linga ako sa paligid. Ang daming tao! Tumakbo ako para makaalis na doon at makarating na sa clinic. My Mia needs me now. Gagaling ka, Mia. - "Your bird is too old iha. Hindi na s'ya magtatagal. I think you should accept the fact that she's going to die maybe in just three to five days. I'm sorry but we have nothing to do." Hinawakan ko ang balahibo ni Mia. May tumulong luha sa aking mga mata. Ganito na lang ba? Hindi na s'ya magtatagal? Hindi ko na s'ya mahihimas. Hindi ko na makikita ang kulay green niyang kulay. Hindi ko na maririnig ang paghuni niya! Hindi ko kaya! Pero... Tiningnan ko ang nanghihinang katawan ng aking kawawang alaga. Ayokong nahihirapan ka Mia... In just three days Mia died. Pinagawan ko siya ng kabaong at ipinalibing sa likod ng mansyon namin. Pakiramdam ko guguho na ang mundo ko sa pagkamatay ng pinakamamahal kong ibon. Ilang araw akong nanlulumo dahil sa pagkamatay ni Mia. Umuwi ako isang araw galing sa trabaho ng balisa. Uhaw na uhaw na ako kaya nagmamadali akong makarating sa unit. Pero s**t na malagkit. Wala ang spare key ko! Bwiset talaga uhaw na uhaw na ako. Wala pa si Babes! Kaasar. Umupo ako sa harap ng pintuan namin at naalala na naman si Mia. Ayaw ni Mia na malungkot ako, I have to move on. Naramdaman ko ang lalong pagtuyo ng aking lalamunan. s**t uhaw na uhaw na ako! Nagdoor bell ako sa katabing unit namin pero halos 10 minutes na ang lumipas wala paring lumalabas. Siguro, walang tao. Hay! Sobrang uhaw na ako! Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Babes. Babes: Where na you?" Hindi siya nagreply kaya naman napaupo na lang ako sa sahig ng tapat ng pinto ng aming unit. Pagod, uhaw at lungkot ang nararamdaman ko kaya naman napapikit na lang ako. "Miss?" Nagising ako nang may yumuyugyog sa akin. "Miss, wake up? Are you ok?" Tumingala ako para makita kung sino mang lapastangan ang sumira sa aking tulog. Ngunit kumunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na may pansit canton na buhok. "What are you doing here?!" "Oh, hi! Miss hot. Nice meeting you again. Anong ginagawa mo r'yan?" Parang nagulat pa s'ya sa isang tadhanang nangyari sa aming dalawa. Wow tadhana. Big word! Tumayo agad ako at nagpagpag ng aking palda bago ko siya hinarap. "Anong miss hot?! Dito ako nakatira!" Tinuro ko ang pinto ng unit namin. "Ikaw bakit ka nandito?" "Dito rin ako nakatira..." Tinuro n'ya ang katapat na unit namin. "A-ano?! Ikaw ang bagong lipat?" Ngumiti s'ya ng nakakapangilabot. Halos maghysterical na ako. "Yes baby, ako nga." Kumunot agad ang noo ko at umusok ang ilong ko sa sinabi n'ya. "Anong baby?!" Kinindatan n'ya ako at dinilian ang kanyang labi. Tinalikuran n'ya ako at pumasok na sa kanyang unit. Natulala ako, s**t! Bakit... Bakit ang pogi n'ya? Ugh! Ano ba 'tong iniisip ko, oh? Hindi 'yon pogi! Mukha siyang pansit canton, kaya pangit siya! "Pinky?" Natauhan ako nang marinig ang boses ni Babes. "Babes?! Bakit ngayon ka lang? nauuhaw na ako!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD