I need somebody who can love me at my worst- P.Sweats
Maaga ulit akong nagising ng sumunod na araw hindi ko alam kung bakit napabaling ang tingin ko sa kabilang side ng kama. Para akong nanghihinayang at same time nakahinga na rin ng maluwag atleast hindi kami naabutan ng magulang niya. I was preparing myself when suddenly I heard a soft knock on the door kaya nabaling ang tingin ko roon at pinagbuksan ko kung sino man iyon.
"Ahm, pinapatawag na po kayo ni Mama." Nahihiyang sabi ni Eula na siyang kumatok kanina. Siya rin ang madalas ang maagang magising sakanilang magkakapatid at alam nito kung anong oras ako nagigising kaya ako ang unang pinupuntahan niya.
"Ganun ba, sige sabay na ako sayo." Tumango naman siya bilang sagot kaya kinuha ko lang handkerchief ko hindi kasi ako umaalis ng wala ito mas importante pa nga ito minsan saakin keysa yung phone ko. Pagkarating namin naghahanda na sila ng agahan kaya tumulong na rin ako. Sa ilang araw kung pagstay rito masasabi kong isa sila sa nakita kong ideal family ko ewan ko basta ang sayang nilang tignan. Although, nandoon pa rin yung pagiging strict ni tita pero hindi na yun maalis sa isang Ina and tito always making sure na hindi nauuwi sa malalang awayan dahil bigla na itong nagjojoke out of the blue kaya nalelessen ang tension sakanila.
"Ang dami naman ata nating pagkain, Ma. Anong meron?" napatingin naman ako sa bagong dating na si Yuri.
"Dadating ang mga Tito at Tita niyo ngayon. Nalaman nilang nakauwi ang kuya niyo kaya nagmamadaling bumisita sila rito." Paliwanag naman ni tita na masyadong busy sa pagluluto.
"Camilla, anak pakilagay nga ito sa mesa. Salamat." Kinuha ko naman ang binibigay nito. Hanggang ngayon naiilang pa rin ako na anak rin ang tawag niya saakin kahit hindi naman dapat.
"Dapat pala, palaging may mga bisita rito para masasarap ang mga ulam." Rinig kong sabi ni Yuri na inirapan lang ng ate nito. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ma, may sinasabi si Yuri oh."
"Ano yun?"
"Wala, Ma. Sabi ko tulungan ko na kayo."
"Kung anu-ano nanaman yang nirereklamo mo Yuri ah, Hindi kaya kita pakainin."
"Ito si mama hindi mabiro." Napapangiti na lang ako. This is what I'm talking about their closeness to each other. Sila kasi nabibiro pa nila ang mama nila ng ganun minsan nakikisabay rin si tita sa trip nila pero kung ako siguro yun. Baka hindi ako pansinin ni Mommy ng ilang taon lahat kasi ng bagay kay mommy she's taking it seriously kaya hindi pwedeng biruin. Ganun rin kaya ako?
"Yuri, paki tawag na nga ang papa mo sa balkonahe saka paki gising na rin ang kuya niyo parati na lang siya ang nahuhuling gumising."
"Sige po Ma." Nakita ko naman na itong lumabas pero wala pang ilang minuto bumalik muli ito."Nandiyan na ho sila Auntie at Uncle."
"Yan na nga bang sina sabi ko hala gisingin niyo na ang kuya niyo."
"Alam ko gising na siya. Maaga kaya siyang nagising kanina." Bigla namang sabi ni Eula hindi nakatingin saamin bagkos nasa ginagawa niya lang ito nakatuon. Hindi kaya nakita niyang natulog ang kuya niya sa kwarto ko. Hindi naman siguro wala naman siyang iba pang sinabi.
"O siya tawagin niyo na. Ikaw na Camilla anak ang tumawag diyan sa nobyo mo." Tumango na lang ako at umakyat patungong silid nito. Kumatok muna ako sa kwarto niya pero walang nagsasalita kaya muli akong kumatok. Nang wala pa ring nagsasalita pinihit ko ang sedura ng pinto at hindi naman ito nakalock kaya pumasok na ako, madilim sa loob ng kwarto nito. Ilang araw na akong rito pero ngayon ko lang napasukan ang kwarto niya. black and maroon ang theme ng kwarto niya his favorite color. Napakunot naman ang noo ko dahil nakahiga pa ito akala ko ba gising na siya? Don't tell me sana mali ang iniisip ko kahit 90% na tama ang hinala ko.
"Paano ko ba ito gigisingin?" alam ko kasi yung feeling na masarap ang tulog mo tapos may bilang may gigising sayo nakakaasar kaya yun lalo pa kung wala ng importanteng sasabihin. Bahala na nga.
"Hoy, Maze gumising ka na nandito ang mga tito at tita mo." Niyuyog ko naman ito para lalo itong magising. Pero mukhang wala pa ring effect. "Maze." Narinig ko naman itong umungol lang at bumaling sa kabilang side.
"Hoy, gumising ka na diyan ikaw na lang hinihintay sa baba nakakahiya sa mga bisita niyo."
"Mmmm, mamaya na. sabihin mo susunod ako." Hindi ako naniniwala sa pinagsasabi nito dahil madalas niyang gawin yun kapag ayaw niya talaga.
"Isa! Ayaw mong gumising humanda ka papatayin ko yung aircon mo." Banta ko sakanya at hinanap ang remote nun mabuti na lang at hindi ako nahirapan. Pinindot ko naman ang off nito napangisi naman ako ng bigla itong magising at masamang tumingin saakin.
"Dyahe naman. Sa lahat talaga ng pwede mong ipanakot yung aircon pa. Alam mo namang ang init-init rito sa Pilipinas." Masungit na saad nito binigyan ko lang ito ng nakakalokong ngiti. Nasabi ko na bang ayaw niya sa mainit masyadong maarte na lalaki.
"Dapat kasi sa Antartica ka tumira para hindi mo problema ang maiinit na climate doon."
"Pwede naman pero iisama kita roon."
"Sino namang may sabing sasama ako sayo doon?"
"Nag-sasudggest ka di ba? Hayaan mo magpapatayo ako ng bahay natin doon." Inirapan ko naman ito dahil sa komento niya kahit kailan talaga napaka niya.. "Hintayin mo na ako maghihilamos lang ako saglit."
"Siguraduhin mong saglit lang yan ah." Pagdududang sabi ko ngumiti lang ito saakin ng nakakaloko bago pumasok sa banyo niya. Tama nga ang duda ko dahil 20mins ko itong hinintay bago lumabas ito ng banyo. Yung maghihilamos naging ligo na sakanya. Babangayan ko na sana ito dahil sa tagal niya pero bigla akong napaiwas ng tingin. Bakit parang nablanko at nawalan ako ng sasabihin ? Marami naman na akong nakitang half n***d pero sa magazine ko lang yun nakikita iba pala talaga sa personal. OMG! Kailan pa dumumi ang isip ko? Kasalanan ito nina Jhoanne at Era pati ako nahahawa sa kamanyakan nila.
"Tama na yan, masyado ka ng busog sa mga nakita mo. Gusto mong hawakan?" nakangising sabi nito. Bigla naman akong napatingin sakanya ng masama.
"Bastos. Ikaw kung anu-ano talagang lumalabas diyan sa bibig mo. Magbihis ka na nga sabi mo maghihilamos ka lang."
"Hindi ko napigilang maligo. Naamoy kasi kita. Amoy ulam ka gusto tuloy kitang kainin." Bigla tuloy nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito. Sa mga oras na iyon alam kong namumula ako. Kahit kailan napakamanyak. Binato ko naman ito ng unan na kanyang naiwasan at tumawa lang.
"Napakamanyak mo talaga!"
"What! Wala naman akong masamang sinabi. Totoo na kasi, naamoy tosino at ham sayo kaya bigla tuloy akong nagutom. Iniisip ko ham ka tuloy, Anong kamanyakan doon? baka ikaw yung manyak at iba ang iniisip mo. Aminin mo."Lalo tuloy akong namumula sa kahihiyan. Argh. Nakakahiya kung anu-ano ang naiisip ko. "Tara na nga nagugutom na ako ng TOTOONG pagkain." Sinamaan ko lang ito ng tingin dahil baka kung anong masabi ko nanaman na hindi dapat. Pwede bang may kumuha na saakin dito dahil sa kahihiyan ko.