CHAPTER 1

1161 Words
Sooner or later I've got to choose- Westlife "You look confused, is there any bothering you?" bigla namang napatingin ako kay Maze ngumiti lang ako sakanya para hindi siya mag-alala lalo. "Wala, may naalala lang hindi naman gaanong importante." Kumbinsi ko rito tumango lang ito hindi ko alam kung maniniwala siya sa sinabi ko pero hindi ko na inabalang isipin pa iyon. "Just don't hesitate to tell me if there's a problem." Tumango lang ako. He's always like this, kapag tumatahimik na ako tingin niya may problema na kami. Ang inaalala ko lang ay ang mga parents ko alam ko ring aware rin siya na civil lang ang pakikitungo nila sakanya pero wala namang sinasabi ang mga magulang ko doon pero nang magsalita si dad against him, it really bothered me. Malaking impact yun para saakin dahil gusto ko ring suportahan nila kung anong gusto ko or sinong gusto ko. "Are you really sure Camilla na wala talagang problema?" napabalik naman ako sa wisyon ko nang magsalita uli ito. Hindi ito nakatingin saakin pero nasa daan lang habang nagmamaneho pero napansin pa rin niya ako. "You know me, Carms, hindi talaga ako titigil hanga't hindi mo sinasabi yang iniisip mo." He really knows me. Napatawa na lang ako ng mahina. "It's not a problem, but it bothers me." Umpisa ko. "Di problema pa rin pala yan. Spill it, you know that I love to solve problems." Natawa naman ako dahil sa pagiging sarcastic nito pero hindi mo mahahalata dahil dinadaan niya lagi sa pagbibiro. "It's just that..." tumigil muna ako dahil hindi ako makaisip nang magandang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Tumingin muna ako sakanya pero wala itong sinabi alam kong hinihintay lang rin niya akong magsalita. "About my parents.." napahinto ako sa sasabihin ko nang biglang narinig kong tumunog ang phone nito nakita kong ikinonek niya yun sa earpiece niya at sinagot ang caller. "Hello bro, what happened?" seryosong sagot nito kaya naman tumahimik na lang ako pero hindi ko pa rin maiwasang makinig sa usapan nila. Mukhang isa sa mga kaibigan niya ang tumawag. "Send me the place, mag-uusap tayo pagkarating ko." Natapos niya makausap ang caller hindi pa rin maiaalis ang seryoso nitong mukha kaya hindi na ako nagkaroon pa nang lakas na sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin mukhang may problema sila ayoko nang madagdagan pa ang iniisip niya. "Sorry about that, ano nga ulit yung sinabi mo?" "Saka ko na lang sasabihin mukhang may importante ka pang pupuntahan. Don't worry, it's not really that important. Ihatid mo na lang ako sa Unit namin mukhang isa sa kanila ang may problema. Nagtext saakin ang mga kaibigan ko at mukhang kailangan rin ako we need to comfort them first." "Are you sure?" paninigurado niya ulit. "Opo, I'll text you if I get there." hinalikan muna niya ako sa pisngi bago ako Ibinaba sa may building nang condo balak pa nitong samahan ako sa loob pero tumangi na ako. ****************** "Anong nangyari diyan?" Tanong ko kay Jhoanne pagkarating ko kasi nakahiga si Eraizha sa sofa mukhang nakatulog na ito dahil sa kalasingan may nakita akong mga bote nang sujo na wala nang mga laman at nagkalat na mga pagkain na chips. "Nasaan yung dalawa?" "Inihatid ko na sa kwarto nila siya na lang hindi ko pa nahatid mukhang kanina pa sila uminom hindi man lang nagyaya ang mga ito. Ang sasama." I know she didn't mean that. Ano kayang nangyari? hindi naman ganito itong tatlong ito. Nag-alala tuloy ako dahil hindi naman nila ugali ang ganito, kung may problema man sasabihan nila kaming lahat. "Dalhin mo na si Eraizha sa kwarto niya mukhang hindi na siya komportable sa posisyon niya. Ako nang bahala sa mga kalat nila." Tumango lang ito at marahang ginising si Era mukhang naalimpungatan ito halos ayaw nitong tumayo pero tinulunga siya ni Jhoanne. Nakita ko naman ang alcohol content nang ininom nila mababa ito pero dahil mababa ang alcohol tolerance nang mga uminom kaya natamaan ang mga ito agad. Hahayaan kong sila mismo ang magsabi saamin kung anong problema baka kasi confidential para sakanila yun. "Tumawag si Era saakin kanina pero mukhang nakainom na sila dahil kung anu-anong sinasabi saakin sa kabilang linya." Nakaupo ito sa may bar counter habang ako naman nililigpit ang mga pinagkainan nila. "Mukhang hindi sila in good terms ngayon ni Sage base sa observation ko kaya pumunta na ako rito hindi ko alam kung pati yung dalawa may problema rin. Baka may hindi ka rin sinasabi Carms don't hesitate to tell us magkakaibigan tayo mga kapatid na rin ang turing ko sainyo dahil wala naman akong kapatid." "Huwag kang mag-alala sasabihin ko saainyo kung alam kong hindi ko na kayang i-handle. Sa ngayon kaya ko pa naman yang mga problema na yan." "Pssh, ikaw talaga ang hilig mo ring sarilihin yang mga problema mo." "Ganun rin naman kayo, kaya nga madali tayong nagkakasundong lahat dahil halos magkakapareho tayo nang mga ugali." Natawa naman ito kaya napangiti ako ngayon ko lang ring nakitang unti-unti na rin itong nagiging masiyahin although masiyahin naman ito pero kung kilala mo talaga siya alam mong yung kasiyahan niya hindi minsan totoo para bang nagpapanggap lang pero ngayon nagiging genuine yun. "Atleast nakikita ka naming masaya ngayon. We're happy for you, kailan pala ang kasal niyo ni Clark?" biro ko sakanya. "Graveh naman kayo, ilang buwan pa lang na mag-on kami, kasal na agad?" Depensa nito. "Bakit? ilang taon ka naman kasing nagpakipot tuloy dapat kasal na kayo." Biro ko rito. "Sira ka talaga baka nga ikaw ang mauna saamin." Tukoy nito. Ngumiti lang ako dahil kung tutuusin never pang sumagi o na-open namin ni Maze ang bagay na yan. Ayos lang naman saakin dahil gusto ko kung sakali mang magsettle na nga kami maayos na ang lahat yung walang hahadlang. "Mukhang natahimik ka diyan. Don't tell me hindi niyo pa napag-uusapan ni Maze ang tungkol sa bagay na yan?" Bigla namang nasapol ako dahil sa sinabi nito. "Hmmm, 'Cause that's a serious matter for us." Pag-amin ko. "Seryoso? Kahit minsan hindi niya na bangit yun? Si Steven halos parati niyang ipinapalandakan na magpakasal na kami hindi ko tuloy alam kung nagbibiro ba siya o hindi." Ngumiti lang ako dahil kwento niya. Medyo nakaramdam rin ako nang ingit dahil si Steven may plano talagang pakasalan si Jhoanne matagal na naming alam yun pero hinahayaan lang naming siya ang gumawa nang hakbang kung gusto niyang tulungan namin siya walang problema but so far hindi pa naman siya humihingi nang pabor saamin. Sa mga oras na iyon nakaramdam ako ng ingit kay Jhoanne. Mabuti sa kanya may plano talaga si Clark na pakasalan siya kumbaga nakikita niya na ang future nila ni Jhoanne kasama ang isa't isa, kami kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD