RAMDAM ko ang pamamanhid ng kaliwang pisngi ko dahil sa ilang beses na pagsampal ko dito at nagbabakasakaling matauhan ako. Hindi ko alam, nasisiraan na yata ako ng ulo at hinayaan kong gawin iyon sa'kin ni Lix sa kusina.
Paano na lang kung nahuli kami nila Mommy and Daddy? Or Tita Lexie? Gosh! Seriously Veronica? Yun pa talaga ang iniisip mo? Ang mahuli kayo ng magulang niyo? Hindi man lang ba sumagi sa utak mo na mali ang ginagawa niyo? Ano bang nangyayari saakin?
Alam kong mali iyon. Maling mali! Dahil pinsan ko siya. Magkadugo kami at isa iyong kasalanan.
Napahugot ako ng isang malalim na hininga. Inabot ko ang isang unan sa tabi ko at ipinatong iyon saakin bago niyakap. Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga. Nakatitig sa puting kisame at iniisip ang mga pangyayari sa araw na ito.
What will I do now? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Lix at kahit alam niya ng magpinsan kami ay ganon ang naging galaw niya. He is seducing me and I am sure of that.
Mariin akong napapikit at hinayaan ang sariling kumalma. I clear all the questions that are starting to building up on my mind. Hindi ko rin naman masasagot ang mga iyon at tanging si Lix lang ang makakasagot sa lahat ng tanong na nabubuo sa utak ko. I need to relax. It's stressing the hell out of me. Hanggang sa hindi ko namamalayan na tuluyan na pala akong nakatulog.
Nagising ako sa katok mula sa pinto ng kwarto ko. Pikit-matang tumayo ako mula sa kama at binuksan ang pinto. I slightly open my eyes and saw my mother.
"Sorry to disturb your sleep sweetheart but can I ask you a favor?" Malambing na sabi nito.
I carefully rub my eyes and yawn. "What is it mom?" Tanong ko habang nagkakamot pa ng ulo.
"Pwede mo bang samahan si Lix na bumili ng ingredients sa mall para sa gagawin naming cupcakes ng Tita Lexie mo? We decided to bake while she's still here. Para makapagbonding din kami. Mahilig din pala ang Tita mo sa pagbabake."
My mom has a passion on baking. Magaling ito sa larangang iyon. I know that I am too obedient when it comes to my mom ngunit ng banggitin nito ang pangalan ng pinsan ko ay agad akong nagdalawang isip. Gusto kong iwasan si Lix ngunit mukhang pinaglalaruan kami ng tadhana at pilit na pinagtatagpo ang mga landas namin. Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko magawa.
"Ahm, o—okay mom." Labag man sa loob ko ay wala akong magagawa. Naka-oo na ako.
"Great! You can also use this time to get close to your cousin sweetheart!"
Kung alam mo lang Mommy kung anong posibleng mangyari kapag magkalapit kaming dalawa. Paniguradong magugulat kayo.
"Magpapalit lang ako Mommy." Saad ko at muling pumasok sa kwarto at nagpalit ng simpleng sundress.
Mabilis na tumingin ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Tamad akong magsuklay at wala akong pakealam kung buhaghag ang buhok ko. Maganda pa din naman ako.
I just put a liptint to make my pale lips color red and a face powder. Nang makita kong ayos na ang itsura ko ay bumaba na ako. Kinuha ko muna ang listahan ng mga bibilhin namin kay Mommy pati na rin ang pera bago ako lamabas ng bahay.
Mom said that Lix is already outside, waiting for me. Pagkalabas ko nga ng pinto ay agad ko siyang nakita. Swabe itong nakasandal sa isang pick up na kotse at nakahalukipkip. Para itong isang modelo. Ang astig at gwapo nitong tignan sa tindig niya.
Tumingin ito sa akin ng mapansin ako. Umayos ito ng tayo at inalis ang pagkakahalukipkip nito. Inilagay nito ang mga kamay sa bulsa ng ripped jeans niya.
Napalunok ako dahil sa biglang panunuyo ng lalamunan ko. Dala siguro ng hotness niya. Ulam na ulam!
Veronica! Pinsan mo yan gaga!
Marahas na napailing ako. I nearly forgotten that he is my cousin. Damn!
"Let's go?" Tanong niya bago binuksan ang pinto ng shotgun seat at inimuwestra ang kamay para pumasok ako.
"Ahm, si—sige." Again, I stammered. Yumuko ako at naglakad palapit sa kaniya bago sumakay sa kotse.
Nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang. Inalalayan niya akong umayat sa kotse bago isinara ang pinto at umikot upang pumasok sa driver seat. Pagkapasok nito ay agad niyang binuhay ang makina ng kotse.
Pero bago niya patakbuhin ito ay tumingin muna ito saakin bago inilapit ang kanyang katawan. I stilled in my position when he come closer to me. Closer that I can feel the heat from his body. Nagtama ang mga mata namin at agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa pagkailang.
"What are you doing?" Tanong ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. I was so thankful that I didn't stammer, but my voice was so soft and low na para bang nang-aakit. Mas mabuti na lang yatang nautal ako kesa ganito.
"Always wear your seatbelt for safety purpose." Saad niya bago kinabit ang seatbelt sa akin.
After that ay umayos na din siya ng upo sa driver seat at naglagay din ng seatbelt bago pinatakbo ang sasakyan. Doon lang ako nakahinga ng maluwang.
Sa buong biyahe ay tahimik lang ako. Nilibang ko ang sarili sa pagtingin sa bintana habang pinapakalma ang sarili. May senses are all activated because of his presence. Simpleng galaw lang ng kamay at muscles nito ay napapansin ko. Grabe din ang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba.
After a minute ay nakarating na kami ng mall. Nauna akong bumaba ng sasakyan at pumasok ng mall. Ayoko siyang makasabay dahil hindi ako komportable sa presensya niya. Agad akong nagtungo ng supermarket at kumuha ng cart. I was about to walk when he gripped my arms.
"Are you avoiding me?"
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Hindi ko siya iniwasan. Sadyang naiilang lang ako sa kanya.
"No." I plainly answered at tinulak na ang cart papasok ng supermarket. Hindi na ako nag-abala pang tignan siya. Alam kong nakasunod lang siya saakin.
Pumunta ako sa may baking section at kinuha ang lahat ng ingredients na kailangan nila Mommy.
√Sugar
√Cocoa Powder
√Egg
√Baking Powder
√Milk
√Vanilla
√Butter
Iyan pa lang ang mga nakuha ko. I still need all purpose flour. Pumunta kami sa may mga flour at naghanap. Meron akong nahanap pero nasa itaas ng shelf. Seriously? Ba't ba nataas iyon?
I tired to reach it but I can't. Masyadong mataas abutin para sa 4'9 kong height. I was about to call him to help me. Humarap ako sa kanya at ganon na lamang ng gulat ko ng nakalapit na pala ito sa akin upang abutin ang flour. Sobrang lapit niya na sumagi pa sa dibdib niya ang ilong ko. I smelled his manly scent. Ang bango-bango nito.
"How many boxes?” he asked.
Bahagya akong tumingala upang tignan siya. Our face was inch close together. Unting yukod niya lang ay mahahalikan na niya ako. Lumunok ako dahil sa panunuyo ng lalamunan ko.
"T—Three boxes."
Hindi na ako nagulat pa ng nautal ako. Ikaw ba naman ang tumingin sa mga mata nito ay paniguradong mauutal ka.
Hindi niya inalis ang tingin sa akin at kumuha ng tatlong box ng all purpose flour.
"Ouch!" Daing ko ng may mahulog sa mukha kong isang box ng flour.
Damn! Ang sakit! Nabali yata 'yong ilong ko. Bwisit! I looked at Lix and his biting his lower lips. Kitang-kita ko kung paano niya pigilan ang pagtawa niya.
Tinignan ko siya ng masama. If only he looked at the boxes of flour kanina ay hindi ako mahuhulugan! Inuna pa kasi ang kalandian! Kainis!
"Huwag mong pigilan 'yan at baka ma-utot ka." Asik ko at inirapan siya.
Pagkasabi ko ng salitang iyon ay walang hiyang tumawa ito ng malakas na para bang kami lang ang naruruon. Ngunit sa halip na mahiya ako ay napatitig ako sa mukha nito. Mas gumuwapo ito. Hindi ko alam na may mas ipopogi pa pala ang isang 'to.
"Your reaction is epic." Sabi niya pagkatapos niyang tumawa.
"Done?" Sarkastikong tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Talagang tuwang-tuwa pa.
Lumapit ito sa akin at nagulat ako sa ginawa niya. He kissed my nose na siyang tinamaan ng box of flour at ginulo ang buhok ko.
"There, hindi na yan masakit. I'm sorry I didn't protect you from that." Masuyong aniya.
Nag-init ang mukha ko sa ginawa niya. I know I'm blushing right in front of him kaya yumuko ako. For the first time ay hindi ako nakaramdam ng pagkailang sa ginawa niya. Sa halip ay lihim ko iyong nagustuhan.