Truth

1618 Words

"Veronica!" Umalingawngaw ang boses ni Daddy sa buong paligid. Agad akong hinila ni Lix at ipinunta sa kanyang likod ng makitang galit na naglakad patungo sa amin si Daddy. Nakasunod sa likod niya si Mommy. "Anong ginagawa mo dito?!" Asik nito kay Lix. Mabilis niya itong kwinelyuhan. Akmang pipigilan ko sana si Daddy ng humigpit lalo ang hawak ni Lix sa pulsuhan ko. "Stay there." Aniya. Ramdam ko ang matinding tensyon kay Daddy at Lix. Kinakabahan ako. Baka biglang gumawa sila ng eskandalo. Nakakahiya sa kapit-bahay lalo na at gabi na. "Veron." Lumapit si Mommy kay Daddy at inalis ang pagkakakwelyo kay Lix. "Bakit ka nandito?!" Asik muli nito at tinuro si Lix. Halata sa boses ni Daddy na galit siya. Napatingin ito sa akin. Umiwas ako ng tingin at siniksik ang aking sarili sa likod

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD