14: Scent "STOP WHAT? Wala pa nga akong ginagawa eh... Paano pa kung mayroon na." nanghahamong titig nito at may kung anong inalis sa buhok ko. Isang pirasong maliit na dahon ang hawak nito. "Pati dahon na-akit na rin sa'yo." seryosong saad nitong ikinakurap kurap ko. "Bakit ito puweding dumikit sa'yo, ako hindi?" formal nitong tanong hawak ang maliit na tuyong dahon na tila ba nagseselos sa pobring bagay na dinurog pa sa pagitan ng tatlong daliri nito saka inihulog sa sahig. "Kasi sa'yo hindi safe." walang prenong lintaya ko na ikinasalubong ng kilay nito. "Nakakalat ka pa d'yan." sermon ko dito pero ngumisi lang ito. Ngising muling nagpakabog sa pulso ko dahil muli na namang magkahinang ang mga titig namin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang may mumunting paru-paro ang naglalaro

