17: Sweetheart KULANG NA lang sagutin ko ang phone call ni Marcus. 'Sweetheart' ang pangalang nakalagay sa phone nito. Kaya't parang binayo naman ang dibdib ko sa inis na nagsimulang umalsa ang init sa loob ko. "Kasal siya pero may iba siyang sweetheart, how sweet." inis kong lintaya. Pero kusa na rin naman akong natigilan. Alam ko namang marami siyang babaing naidedate e. Kaya hindi na dapat ako magtaka. Pero kung ma-eextend ang kasal namin, kailangan ko bang magbulag-bulagan na lang? Still I can't help but feel jealous. Kaya sa inis ko ay hindi ko pinasin ni Marcus ng lumabas ito sa banyo. Nagkunwari akong busy na sa laptop ko at sa sketch board ko para sa isang evening gown na request sa akin ng isang client ko. Noon muling nagring ang phone nito at mula sa salamin kita ko ang pagta

