2: FATE
MARCUS POV
"DRINKS on me tonight, mga bro." deklara ko sa mga kaibigan kong kasama ko sa club ngayon. Sympre I am having my party celebration para sa nalalapit kong kalayaan. Itinaas ko ang baso ng brandy at mabilis na tinunga 'yon.
"Wooo... dude hinay-hinay lang bro, ano bang mayroon at mukhang masaya ka ngayon." tanong ni Vlad sa akin, habang umindak indak pa ito sa saliw ng malakas na music sa bar.
"Well, I am finally getting my annulment."
"What!" bulalas ng dalawang kasama ko sa mesa. Natawa ako sa reaksyon nila. Kaibigan ko sila, yes. Pero walang alam ang mga ito na kasal na ako. Malamang, paano ko naman ipagmamalaki ang babaing pinakasalan ko sa mga kaibigan ko. Kaya pinili kong huwag nang magkuwento pa sa kanila.
"Langya ka, may asawa ka na?" di pa rin makapaniwalang saad ni Yohan. "Sino? Bakit di namin kilala?" sunod-sunod na usisa nito.
"Oo nga naman, bro para namang hindi mo kami kaibigan n'yan. So since when?" usisa ni Vlad.
"Six years ago," sagot ko na ikinabuga ni Yohan at ikinamura naman ng malutong ni Vlad. "Yuck! Gross..." asar kong pinagpag ang tumalsik na brandy ni Yohan sa coat ko.
"Sorry dude," naubo pa ito. "seryoso talaga, six years ka nang kasal. All along ang alam namin at ng mga tao single ka. "Ang putcha, wala man lang paki ang asawa mo sa kaliwa't kanang pambababae mo."
"Ganun ang aggrement namin and my marriage wasn't something I can brag about. Mag-asawa lang kami sa papel. At sa New York siya nanatili for six years, pero ang alam ko flight niya noong isang araw so basically baka nasa bansa na siya ngayon." baliwalang paliwanag ko.
Asar rin ako na hindi man lang nag-inform ang babaing 'yon na naka-uwi na pala. Sabi kasi nito sa message ay may tinatapos itong trabaho bago uuwi. Wala naman akong paki-alam basta ang gusto ko umuwi siya para makapagpirmahan na kami.
"Hindi ba dapat ipakilala mo man lang siya sa amin. Grabe ka talaga!" nagkakamot pang sita nit Vladimir sa akin.
"Come on, ayaw kong maging komplikado ang mga bagay-bagay saka, wala naman kaming paki sa isa't isa." nasabi ko. Pero naasar ako na kay Lolo Fred ko pa nalamang nakabalik na siya ng bansa. I clearly told her to call me kapag nakarating na siya..
"Buti pumayag na maghiwalay kayo?" maya maya tanong ni Yohan, subalit nawala ang atensyon ko kay dito, dahil sa babaing hinihila nang kasama nito papasok sa club.
"What the...." usal kong tila huminto ang mundo ko habang nakatitig sa magandang babae. Madilim ang club pero, parang anghel na nagliliwanag sa paningin ko ang babaing mukhang ayaw pumasok ng club.
"P*tang ina, ganyan ang gusto kong maging asawa, dude." dinig kong saad ni Yohan na nakatitig na rin pala sa babaing tinitingan ko.
"Shut up! She's mine!" Deklara ko saka ako tumayo na. Habang ang mga mata ko ay nakatuon lang sa babaing mala-anghel na bumaba sa lupa para lang ipakita sa akin ang totoong kagandahan.
Malakas na kumabog ang dibdib ko sa unang pagkakataon. I don't know what's going on with me pero para akong na mamagnet na naglakad pasalubong sa babaing napipilitang pumasok sa club.
"Tang ina, target lock na naman ang mokong." dinig ko pang tawa ni Vlad.
"Girl, umayos ka nga!" saway ng babaing kasama ng aking magandang anghel sa lupa.
"Eh ayaw ko nga dito." tangi ng babae. Halatang mahiyain ito at mukhang takot ata sa ingay ng club.
"Birthday ko, ngayon kaya we should celebrate. At dapat ka nang humanap na kapalit ng palikirong hudas barabas mong ex." napangiti ako sa narinig ko.
"Mukhang broken hearted ang anghel ko, sinong tangang lalaki ang pakakawalan ang tulad nang aking future wife." parang timang na kausap ko sa sarili ko. Saka binilisan ko ang lakad at sinadya kong bangain siya.
"Aray...."
"Oww, God I'm sorry Miss beautiful." mapang-akit kong sambit na ikinatitig sa akin nito. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagkabigla nito. At maging ang babaing kasama nito ay mukhang nagulat rin at natakpan pa ang bibig. Malamang nagulat sila sa kagwapuhan ko. "Are you hurt anywhere, nasilaw kasi ako sa ganda mo kaya para akong magnet na nahila palapit sa'yo." sinamahan ko pa nang kindat ang tinuran ko.
Sinong babae ang tatangi sa isang Marcus Spencer. Mga sikat na model at may ilang artista na rin akong na-i-date noon.
"And this woman is no exemption." kumpiyansang deklara ng utak ko.
"Wow, ha!" sambit ng babaing kasama ng aking Anghel. Pero hindi ko na pinansin 'yon dahil parang na locked na ang mga titig ko sa babaing kaharap ko ngayon.
"Hi beautiful... want some company?" sinadya ko pang ilapit ang sarili ko sa kanya. Saka ko sininghot ang mabangong aroma ng katawan ng aking magandang anghel. Kaya ikinagulat kong umatras ito at tila naguguluhang napatitig sa akin.
"No...no," tarantang saad nito na lumayo pa talaga ng bahagya.. "Please excuse us." anitong iniwasan ako. At mabilis nang lumayo na ikinakunot noo ko.
Tila may sumipa sa sikmura ko sa ginawa ng babae. Para akong may nakakahawang sakit na nilayuan nito. "Did she just reject me?" baling na senyas ko sa dalawang kaibigan kong natatawa pa. Saka ko binalingan ng tingin ang magandang babae. Mukhang may pinagbubulungan ang dalawang babae na naka-upo na ngayon sa may bar counter.
"Panis ka dude, hindi ka ata kilala." pang-aasar sa akin ni Yohan kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Akalain mong nareject ka! Si Marcus Spencer nareject ng magandang chicks, big news 'to." amuse na saad nito.
"Sayang di ko nakuhanan ng video." sulsol ni Vlad.
"Come on, para namang hindi n'yo ako kilala. I always get what I want diba." kompiyansang saad ko habang nakatitig ako sa babaing alam kong magiging akin soon. Pero deep down nag-iinit ang ulo ko. Walang babaing puweding tumangi sa akin. Wala!
Mabilis kong tinunga ang alak sa baso ko saka muli akong tumayo para sundan sa bar counter ang babae. Palapit na ako nang makita kong may dalawang lalaking lumapit dito at mukhang nakikipagkilala rin.
Kaagad na umalsa ang dugo ko sa inis. Kita kong inilahad ng isang lalaking naka black polo ang kamay nito sa harap ng aking anghel.
Kaya't inilang hakbang ko lang ang pagitan namin, at bago pa makahirit ang lalaki ay inakbayang ko ang aking anghel.
"Sorry I'm late, baby." preskong saad ko saka ko binalingan ng tingin ang dalawang kupal na lalaki. At kita ko agad na intimidated sila sa presensya ko kaya napaa-atras ang mga ito na nakataas pa ang dalawang kamay.
"Niligtas kita kaya puwede na tayong magdate." hirit ko na ikinatitig na naman nito sa akin.
"What are you doing?" tanong nitong nilingon ang braso kong naka-akbay dito.
"I'm just protecting what's mine, baby." anito ko sabay kindat nito.
"Ano?" tila hindi makapaniwalang saad nito. Natawa naman ang babaing kasama nito. Tawang parang nakakaluko. Kung di lang ako nagpapa-good vibes malamang napakick-out ko na ang kasama nito sa Bar. Pag-aari ni Yohan ang bar at investor rin ako kaya may karapatan akong gawin 'yon.
"By the way, ako nga pala si---"
"Mister...please...," hindi nakaligtas sa akin ng sikuhin ito ng babaing kasama nito.
"Pasensya ka na Mister, kasi mahiyain 'tong kaibigan ko." salo ng babae. Halata ko naman 'yon. Pero palalampasin ko ba ang gabing 'to ng hindi ko man lang siya nakikilala. I can't, I'll never let her go ng walang development sa amin ngayong gabi. Minsan lang akong ma-attract sa isang babae.
"Sorry, pero. Ganito talaga ako kapag nakakita nang magandang babae. At napakaganda mong anghel alam mo ba 'yon, Miss. Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" giit ko.
"Huwag na!" sagot nito sabay irap. Saka pasensya ka na, hindi ako nagpunta dito para makipagkilala sa'yo." nag-iiwas ang tinging saad nito..
"Then, just call me Mister." giit ko pa rin . "And I'll call you my Angel." nanlaki ang mga mata nitong binalingan ang babaing kasama na tila amuse na nakatitig sa aming dalawa.
"Hay naku Mister...ibang klase ka rin ano? Hindi ka ba nakonsenysa sa asawa o girlfriend mo ha." sabat ng babaing kasama nito.
"Come on Miss. I'm single and available. Hindi ako lalapit sa magandang babae kung taken na ako." proud kong saad. Never naman akong nahiyang ipagngalandakan sa mundong single ako. Kasal lang naman ako sa papel.
"I see, kaya ganyan ka. Siguro ganyan ka rin sa mga babaing natitipuhan mo. Kasi single ka." may himig panunuya ang huling sinabi ni Miss Angel sa akin.
Bigla tuloy parang inusig ang budhi ko kaya napalunok ako. Kasal lang naman ako sa papel. Kaya consider single pa rin ako. Giit ko sa sarili ko. Pero nang mapatitig ako sa mata ng magandang dalagang kaharap ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya't parang gusto kong hawakan ang maamo niyang mukha. At bakit parang pamilyar sa akin ang maganda niyang mga mata.
Pakiramdam ko kami lang ang naroon sa lugar na 'yon habang magkahinang ang mga titig namin.
At ang dibdib ko bigla na lang sumikdo ng hindi ko malalam. Hindi ko na malalayang wala na pala sa harap ko ang babaing kausap ko. Nagising na lang ang diwa ko dahil sa malakas na tapik sa aking braso.
"Wala na dude, nagwalk out na iyong future wife mo. Pero kailangan mo muna pa lang makipag-divorce bago ka ma-in love sa iba." tudyo ni Vlad sa akin.
"Of course, ngayong nakita ko na ang babaing para sa akin. Handa akong magbayad ng mahal para lang mapawalang bisa ang kasal ko sa lalong madaling panahon. Saka ko hahanapin ang babaing 'yon. Ganito ba ang love at first sight?"
"Geezzuz, kalibugan mo lang 'yan dude," pang-aasar ni Yohan sa akin. Pero hinayaan ko na lang dahil masaya ako ngayon. Kaya bukas na bukas kailangan kong tawagan si Ayana para masimulan na ang lahat. I will be free soon... very soon para maging akin ang magadang anghel ko.
"Bro kailangan ko ng picture ng anghel ko para mas madali ko siyang mahanap." Determinadong saad ko na ikinailing ng dalawang kasama ko.