CHAPTER 10

2831 Words
"SHAINE POV" Ang huling gown ang napiii kong gamitin para sa kasal. Kulay puti at napakaganda ng pag kakaburda. Simple lang ang design, hindi mahalay, hindi rin naman sobrang konserbatibo. "Let's go." Narinig kong sabi ni Sir Lance. Napapairap na tumayo ako sa kinauupuan. Madilim ang ekspresiyong nauna akong naglakad kay Sir Lance. "What's with your face?'' he asked while driving. Napansin niya na siguro na kanina pa akong nakasimangot. Mabuti iyon, para malaman niyang inis na inis ako sa ginawa niya! "Wala" Maikli kong sagot bago ibinaling ang tingin sa Iabas ng kotse. "Okay." sagot ni Sir. Napapamaang na tumingin ako sa kaniya. Seriously? He's not gonna ask me why? Grabe talaga. Umasa pa naman akong pipilitin niya akong sabihin sa kaniya ang problema ko. Pero peste, mukhang wala talaga akong mapapala sa kaniya. Napapabuntong-hiningang pumikit na lang ako. Hanggang ngayon siguro sinisisi niya pa rin ako sa paghihiwalay nila ni LYKA. Di ko naman siya masisisi. Kung lalaki rin naman ako at katulad ni Lyka ang mahal ko, talagang makakaramdam ako ng galit kapag naghiwalay kami nang dahil lamang sa isang pagkakamali. "Can you stop the car Sir, may bibilhin lang ako." Walang ganang sabi ko nang mapansin ang mall Gusto ko lang magpalamig ng ulo. Baka mamaya niya'y sumabog ako't kung anu-ani pang masabi ko kay Sir Lance. hinto mo na dito gusto ko muna makapag isa powde ba? ng sigaw ko sa kanya nabubushet ng talaga ako, "I'll go with you." sabi niya habang ipinaparada ang sasakyan sa parking lot. "Okay." mahinang sagot ko bago lumabas ng kotse. Wala naman akong pakialam kung sumama man siya. Madali naman siyang pag sabihan. I immediately grabbed the cart when we get inside the supermarket. Naka sunod lamang sa akin si Sir Lance habang namimili ako ng mga prutas. Hindi ko siya pinansin sa buong oras na naglilibot kami sa store. Bahala siya riyan. Habang nag babayad ay bigla kong nakita ang isang pamilyar na mukha. Paalis na ito ng super market. Kaya tumingin ako kay Sir Lance na nasa likod ko. "lkaw na muna bahala dito, may kakausapin lang ako." Mabilis kong sabi saka nag mamadaling tumakbo. Hindi ko na pinansin pa ang pag tawag sa akin ni Sir Lance. "Nick!" I shouted, nahiya ako bigla nang makuha ko ang atensiyon ng mga tao. Kaloka! "Oh hi!" nakangiting bati niya sa akin. I smiled back, nakakahawa kasi ang ngiti niya. "Kumusta? " tanong ko habang nakangiti nang malaki. Bakit ganoon? Kapag nakikita ko si Nick nawawala inis ko. "Okay lang naman." sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung anong naisip ko at bigla ko na lang siyang kinurot sa pisngi. Parang gusto ko siyang panggigilan. "What was that for?" natatawang tanong niya sa akin. "Wala, nanggigil lang ako bigla sayo." sabi kong nahihiya. Nakakahiya naman kasi talaga ang ginawa ko. Mataman niya akong tiningnan bago muling napangiti. Ang cute niya talaga. "I'm hungry, do you want to eat with me?" Tanong ko kay Nick sabay kabit ng braso ko sa kaniyang braso. "Sure, wala naman akong gagawin." Sagot niya bago kami naglakad palayo para mag hanap ng makakainan. I know we're not that close. Pero alam mo yung feeling na parang matagal na kayong magkakilala? Nick. Nakilala ko siya noong nasa office kami. Humihingi siya ng clinic pass dahil nadamay siya sa gulo ng ibang employer. Pinag tanggol niya rin ako doon sa mukhang adik na nambastos sa akin. Pinagtanggol niya rin ako kay Jerald. Siguro pwede nang rason iyon para mag tiwala at kaibiganin ko siya. sa tingin ko naman mabait si Nick at gusto niya rin akong maging kaibigan. We went to a fast food chain. Nag-order lang kami ng makakain namin at muli na namang nagkuwentuhan. Pinili namin ang table na nasa labas, masyado kasing masikip sa loob. "Alam mo bang ang star wars ay gawa sac++ programming language? " tanong ko sa kaniya. Alam ko namang may possibility na alam niya na iyon. Pero gusto ko pa ring itanong, ayaw ko kasing tumunganga lang sa harap niya. "C++ ba yun o C language? " Tanong niya sa akin bago kumagat sa burger niya. Sasagot na sana ako nang may tumikhim sa aking likuran. Kaagad akong napalingon at nakita ko si Sir Lance na bitbit ang mga pinamili namin. Ngayon ko lang naalalang may kasama pala ako! Oh s**t. "I've been looking for you, Shaine! And you're just here with someone?!" Nakakunot ang noong sabi niya sa akin sabay baling ng tingin kay Nick. Bigla akong kinabahan. Baka mag tanong si Nick kung bakit kasama ko si Sir Lance. "Hello po, kayo po yung CEO sa kumpanya ni Shaine di po ba?" Nakangiting tanong ni Nick. Pero di siya sinagot ni Sir Lance. Bato itong gagong ito eh. Sama ng ugali. "Ah, Nick, mauuna na kamiah. Thank you sa time mo, let's hang out some other time." nakangiti kong sabi bago nagmamadaling hinila si Sir Lance palayo. "Let's hang out some other time? You're getting married for goodness sake! Buntis ka pa sa lagay na 'yan tapos sumasama ka pa kung kani-kanino?!" lnis na sabi sa akin ni Sir bago naglakad palapit sa kaniyang kotse. Napapataas ang kilay na tiningnan ko lang ang pag bukas niya ng pinto para sa akin. "So? Nagseselos ka po ba?" Mataray kong tanong bago sumakay sa kotse. I just want to annoy him. Pero bakit parang ayaw ko yatang marinig ang isasagot niya? "Of course not. I don't love you, bakit naman ako magseselos?" Mariing sagot ni Sir bago isinara ang pintong nasa gilid ko. inyo naman pala kaya huwag na nating ituloy ang balak mo kasal? Para akong sinampal dahil sa sagot ni Sir Lance. "Okay." wala lang narinig sa mga sinabi ko sa kanya, Mahina kong sabi habang nakabaling ang tingin sa Iabas ng kotse. Pinilit ko ang sariling huwag maiyak. ilang beses kong ikinurap-kurap ang aking mga mata para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko. Nanatili akong tahimik. Pinili ko na lang ipikit ang mga mata ko. Para kung sakaling hindi ko mapigilan ang mapaiyak may maidadahilan ako. "Are you tired?" Hindi ako nag mulat ng mga mata nang marinig ang tanong ni Sir Lance. Pinanindigan kong tulog ako. Ayaw ko siyang kausapin. Ayaw kong makita niya nasaktan ako sa isinagot niya sa akin kanina. lsang malalim na pag hinga ang pinakawalan ni Sir Lance. "I'm tired, so please, stop talking to me." siguro masaya ka pag nasasaktan ako. diba? Masungit kong sabi habang nakapikit pa rin. Bahala si Sir Lance kung anong isipin niya. Basta masama ang loob ko dahilsa mga nangyari ngayong araw. Maya-maya'y biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Hera, kaya kaagad kong sinagot ang tawag. "Yep?" Tanong ko kay Hera. "Can you help me with the Investor meeting?" Awtomatikong tumaas ang kilay ko. Malakas ang speaker ng aking cellphone. Sinadya ko talagang lakasan para hindi ako kausapin ni Sir Lance. "Investor what?" Kunot ang noong tanong ko. "Investor for meeting" sagot naman ni Hera. "... Investor ng mga pasaway na employer" Mahina akong napatawa sa nahimigang inis sa boses ni Hera. Dahilan iyon para bumaling sa akin ang tingin ni Sir Lance. "What was that?" Tanong ni Sir Lance. Hindi ko siya pinansin, bahala siyang mapanisan ng laway. "Hey, are you with someone?" tanong ni Hera mula sa kabilang linya. "My driver taxi, mabilis kong sabina ikinakunot ng noo ni Sir Lance. "...so anong maitutulong ko?" Kaagad na nag paliwanag si Hera. Kaya pala hindi nito magawa ang trabaho'y may meeting pa ito ng Investors. Hindi raw nito kayang pag sabay-sabayin ang pagiging investor at pagiging meeting sa kumpanya ng daddy niya. lsinuhestiyon nito sa akin na pilitin ko si Cherry pumalit sa puwesto ko. Pero di ako pumayag. Alam kong tatang gihan lang naman ako niyon. Eksaktong nakatigil na ang kotse ni Sir Lance nang matapos ang pag-uusap namin ni Hera. Kaagad akong bumaba ng sasakyan at tuloy-tuloy na pumasok sa elevator. Tahimik lang kaming dalawa ni Sir Lance sa loob. Minsan ay napapansin ko ang panaka-naka niyang pag sulyap sa akin. Nagtataka siguro kung bakit hindi ko na siya iniimik. Nang makarating sa top floor ay ganoon pa rin ang ginawa ko. Hindi ko pa rin siya pinansin kahit na noong tawagin niya ako. Dire-diretso lang akong pumasok sa loob ng condo bago malakas na isinara ang pinto. bahala siya sa buhay niya, "LANCE POV" "Shaine!" tawag ko kay Shaine habang naglalakad kami sa halt way. She's ignoring me since we left the malt. Hindi niya ako nilingon. She just walked straight to her condo and slammed the door. Okay? Ganoon siguro ang mga buntis, matampuhin. Pero hindi ako manhid. I know she likes me. But I couldn't like her back. Mahal ko pa rin si Lyka at alam kong mahal na mahal niya pa rin ako kahit na pumayag siya sa gusto kong mangyari. Hindi biro ang mataga! naming pinag samahan. Nakakapang hinayang na mauuwi iyon sa wala. Pero ano pa nga bang magagawa ko? I knocked at Shaine's door. Pero hindi niya ako pinagbuksan. ilang sandali pa akong nakatitig sa kaniyang pinto bago ako nag pasyang kusang pumasok. lnilagay ko ang password at ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto. Hindi ko nakita si Shaine sa sala. Marahil ay nasa kuwarto na. Marahan akong napabuntong-hininga. Bigla ko tuloy naalala ang inasta ko kanina. Sa tuwing papagalitan oh susungitan ko si Shaine, pakiramdam ko'y ang laki ng kasalanan ko kapag nagtatampo siya. Marahan akong naupo sa sofa. Mariin akong pumikit bago hinilot ang sentido. Muting bumalik sa isipan ko ang nangyari noon sa bar. Hanggang sa makarating kami sa kuwarto ko. I know it was all my fault. Ako naman talaga dapat ang sisihin sa Iahat ng nangyari. Lasing siya samantalang ako'y hindi. Kaya ko namang pigilan ang sarili, pero iba ang dating sa akin ni Shaine ng gabing iyon. At, Manager she was just a nobody to me. I know her as my employer, working to kumpanya ni tito, and one of the best manager in kumpanya. Pero hanggang doon lang. Wala na akong pakialam sa kaniya noon. I only care about my job as their CEO kumpanya. But when she kissed me at the bar, parang nag-iba ang pakiramdam ko. I forgot Lyka, nawala rin sa isip kong Manager ko si Shaine. Yes, it was all my fault.ilang beses akong napabuntong-hininga bago tumayo. Bitbit ang mga pinamili'y naglakad ako papunta sa kusina. Kaagad kong inayos ang mga binili bago nagpasyang ipagluto si Shaine. I may be rude sometimes, or everytime towards her, hindi ko pa rin maipagkakailang nag-aalala ako sa kaniya. She's pregnant with my child. Minsan nga kapag nasusungitan ko siya, kaagad kong sinisisi ang sarili ko. What if something bad happened to her or to my child? Kaya bang dal hin ng konsensiya ko? I cooked pasta. Gumawa na rin ako ng vegetable salad para kay Shaine. Hindi naman siya mapili sa pagkain. Lahat ng lutuin ko'y kinakain naman niya kaya wala akong problema. "Sir, what are you doing? " Napalingon ako kay Shaine nang pumasok siya sa kusina. Napansin ko ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Umiyak ba siya? "Cooking, hindi mo ba nakikita?" Napailing ako nang marahan dahil sa pagsusungit ko. Damn! Lance, she's pregnant, be careful with your words. "I know you're cooking. Hindi naman po ako bulag. What I mean is, why are you doing that? Marunong naman ako magluto kaya kung powde huwag mo ako ipag luto Sir." Napaawang ang bibig ko nang makita ang pag-irap ni Shaine sa akin. One thing that I like with Shaine was, she's rude in her own way. Imagine, I'm older than her pero kung sagutin niya ako parang mas matanda siya sa akin. llang beses niya na rin akong nasigawan. 'Di ko na nga mabilang ang nakamamatay niyang irap. "I know you can cook, pero sa kalagayan mo ngayon hindi pwede. Maupo ka na, malapit na akong matapos." sabi ko na lamang habang matamang nakatingin sa kaniya. Napansin ko ang pagngiti ni Shaine bago naupo. Bigla ko tuloy naalala ang kasama niya kanina. She looks happy when I saw here with that guy. Okay lang naman sa akin na makipag-usap siya doon. Ang nakakabwisit lang kasi ikakasal na siya! Sampal sa akin kapag may nakaalam na ang mapapangasawa ko ay may kasamang ibang lalaki. "Dito ka po ba kakain?" mahinang tanong sa akin ni Shaine Saglit akong nag-alangan. May lakad pa kasi ako. "sure." "Okay!" Masigla niyang sabi bago ininom ang inabot kong juice. Ako na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ni Shaine. Kahit man lang doon makabawi ako. Alam ko namang masama pa rin ang loob niya sa ginawa ko. Kahit sino namang babae gugustuhin talagang handa sa araw ng kasal nila. Kaya nakokonsensiya tuloy ako. Kita ko kasi ang sakit na bumalatay sa mukha ni Shaine nang bigla kong sabihin na ikakasal na kami sa isang araw. Alam kong nakakabigla yun. Pero di ko inaasahang masasaktan ko siya. Akala ko kasi'y wala siyang pakialam dahil pareho naman naming ayaw nito noong ump isa. Uupo na sana ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Saglit akong napalingon kay Shaine Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa cellphone kong nasa gilid. Mabilis akong tumikhim bago inabot ang cellphone. It was Lyka. "I'm sorry I need to answer this call..." Sabi ko bago nag mamadaling tinungo ang pinto palabas. Akmang ilalagay ko na sa tenga ang cellphone nang marinig ko ang pagtunog ng nahulog na kubyertos. Babalikan ko sana si Shaine kaya lang ay narinig ko na ang boses ni Lyka. "I'll be there..." maiksi kong sagot bago tuluyang lumabas ng condo ni Shaine. "SHAINE POV" IIang beses akong humugot ng malalim na paghinga bago dinampot ang tinidor na nahulog. Pinigilan ko ang sariling muling maiyak. Namumuro na si Sir Lance sa buong araw na ito. Puro bigat ng kalooban na lang ang nararamdaman ko. Nakakapang hina, nakakalungkot. Mahirap ba para sa kaniya ang samahan akong kumain? Mahirap bang kahit sandali samahan niya ako rito? Was it Lyka? Kaya ba sinagot niya kaagad ang tawag dahil si Lyka iyon? Sila na ba ulit? Nagkabalikan na ba sila? Marahan kong nahaplos ang aking tiyan. I'm fine... Napatitig na lang ako sa mga pag kaing nasa harap. Hindi ko magawang ngumiti kahit na si Sir Lance pa ang nagluto ng mga ito. Kanina lang ay masaya ako sa isiping nag-aalala siya sa kalagayan ko. Pero nang umalis siya para sa isang tawag, biglang nawala ang nararamdaman kong tuwa. Maya-maya'y naramdaman ko na lang ang luhang mabilis na kumawala sa aking mga mata. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Ang sakit sa pakiramdam na talagang wala siya pakialam sakin si Sir Lance ang kawalan niya ng pakialam sa akin. ilang sandali lang ay nakaya ko nang kumalma. lniwan kong hindi nagagalaw ang mga pagkain sa lamesa. Uminom na lang ako ng gatas at kaagad na tumungo sa terrace. Dala ko ang isang basong gatas at ang aking cellphone. I dialed hera's number. Maya-maya lang ay narinig ko na siya sa kabilang linya. "Problema?" Tanong niya kaagad sa akin. "Puso ko..." "What? Sinaktan ka na naman ni Jerald? Malakas na tanong ni Hera. "Wait, nag kabalikan ba kayo?" "Sira, hindi si Jerald..." "Sino?" "TV?II "TV? Thank you or the green haired guy in kpop?" 'Di ko napigilan ang mapangisi. "Neither..." "So sino nga? " "Sir Lance..." "Ahhh..." Marahang sagot ni Hera. Maya-maya lang ay bigla na naman siyang sumigaw. "What the May relasyon kayo ni Sir? 'Huminga ako nang malalim. Ayaw ko nang maglihim. Kung gusto kong gumaan ang pakiramdam ko, kailangan kong sabihin kay hera ang totoo. "We're getting married..." "The heck! Why? I mean, I know you love each other, but, how did you two end up-." "He doesn't love me..." Pagputol ko sa sinasabi ni Hera "Arranged marriage?" "Nope..." "Pinikot mo?" Marahas akong napabuga ng hangin. Hindi kaagad ako nakasagot. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil unti-unti na namang bumabalik sa aking isipan ang nangyan noon. "Kaya ba umalis kayo sa kumpanya dahil diyan?" Tanong na lang ulit ni Hera. Mukhang nakuha niya naman ang ibig sabihin ng pananahimik ko kanina. "Yes.." "Buntis ka nga..." Muli akong natahimik. Pagkatapos ay naramdaman ko na naman ang mga luha ko. Wala na akong pakialam kung marinig man ni Hera ang hagulgol ko. "Anong gagawin ko? Buntis nga ako, kaya niya ako pakakasalan. Pero Hera, ang sakit lang kasi alam kong gagawin namin ito hindi dahil sa pagmamahal. " "Mahal mo si Sir?" "Hindi pa ba obvious?!" "Wala akong karapatang bigyan ka ng advice dahil hindi ko pa naman nararanasan ang ganiyang sitwasyon. But Shaine, do what you think is the best for your baby." Natapos ang tawag na puro ngawa at sumbong lang ang nagawa ko kay Hera. Tama naman siya, iisipin ko na lang siguro ang kapakanan ng magiging anak namin ni Sir Lance. Sa ganoon, magiging masaya pa rin ako dahil nariyan siya para sa anak namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD