“Kunin niyo ang babaeng yan at nang makita niya kung paano ko rin pahirapan itong lalaking to!” Sabay bukas ng pinto ng silid kung nasaan ako. Nagsumiksik na naman ako sa sulok ngunit paano naman ako magtatago? Wala naman akong pagtataguan. Dalawang lalaki ang pumasok sa silid at pinagtulungan kong buhatin patungo sa labas. Pareho silang may facemask na suot sa mukha kaya hindi ko pa rin makita kung ano mga itsura nila. Nanghihina pa rin ang katawan ko kaya halos hindi pa rin ako makalakad ng maayos. Mabuti na lang at hindi naman ako kinakaladkad ng mga lalaking umaakay ngayon sa akin. Lahat ng mga tao sa paligid ay nakasuot ng face mask at pare-parehong kulay itim gaya rin ng kulay ng mga suot nilang damit. May nakasakay sa loob ng sasakyan na bumangga sa akin kanina at iyon ang

