Kalahating oras bago ang oras na usapan namin ni Hanzo ay dumating na ako sa tagpuan naming dalawa. Bitbit ang mga requirements ko at nagbihis na naman ako ng panibagong formal dress at naglagay na naman ng konting make-up ay palagay ko naman ay matatanggap ako. Hindi naman sa malakas ang backer na meron ako kung hindi tiwala naman ako sa sarili ko. Isa talagang hulog ng langit si Hanzo dahil natatagpuan ko siya sa tuwing kailangan ko ng tulong. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo at ilang minuto na lang ay ala-sais na ng gabi na siyang oras na usapan namin ni Hanzo. Okay lang naman na mahuli siya ng konti. Handa naman akong maghintay. Nagpaalam naman ako kay Nanay Palo bago ako umalis ng bahay. Bago naman ako umalis ay siniguro ko na nasa ayos ang lahat ng locked sa bahay. Mag

