Napabalikwas ako sa malalim na pagkakatulog ng maramdaman na may parang humampas sa katawan ko. “Madali ka lang pa lang gisingin.” Boses ng lalaking dumukot sa akin sabay pagkalampag na isang bagay na nagpapitlag pa sa akin. Nang mahimasmasan ay napagtanto kong malamang na balde ng tubig ang bagay na kanyang ibinagsak. Ang tila humampas sa katawan ko kaya ako ay nagulat ay tubig. Kaya namang basang-basa ang katawan ko. “Anong karapatan mong matulog ng mahimbing gayong may taong namatay dahil panloloko mo!” sabay ipit na naman ng malakas niyang kamay sa aking panga. Namatay? Sino nga kaya ang tinutukoy niyang namatay gayong wala naman akong nabalitaan na namatay ng nadamay sa panloloko rin sa akin ni Mamu Jo? “Wala akong alam sa sinasabi mo kung sino ka man. Alam ko na hindi ka pa r

