BABALA!!! *Ang mga susunod na eksena na inyong mababasa ay pawang mga likha lamang ng malikot na isipan.* “Tulong! Tulungan niyo ko! Kung may nakakarinig man sa akin ay tulungan niyo ako!” sigaw ko ng malakas hanggang sa makakaya ko pang ilakas ng todo para lang may makarinig nga sa akin kung may mga tao man sa labas kung saan ako nakalulong ngayon. Nang makabawi ako ng lakas ay naglakas-loob na akong sumigaw para manghingi ng saklolo kung may tao man na nakakarinig sa akin sa paligid. Nakapiring pa rin ang aking mga mata at nakatali pa rin ang buong katawan ko. Mabuti na nga lang at natangga ko ang busal sa bibig ko kaya nagagawa kong magsalita at makahingi nga ng tulong. Uhaw na uhaw na ako dahil walang dumadaloy na hangin sa kung nasaan man ako ngayon kaya ang resulta ay pinagpap

