Ayaw magbukas ng pinto kahit anong gawin ko. Sa mga bintana ay ganun din. Dalawa lang ang bintana. Isa dito sa kwarto at isang napakaliit na bintana sa banyo. Para bang sinadya na takpan talaga sa labas para hindi ko mabuksan at wala rin akong kahit na anong makita. Kaya malamang kahit nga na magsisigaw ako hanggang sa maubos ang tinig ko ay wala talagang makakarinig sa akin. Pinapakiramdaman ko nga ang paligid baka sakaling may marinig akong kahit na anong kaluskos ngunit wala talaga. Wala rin butas ang kisame para man lang daanan ko. Dahil may iniwan namang pagkain ang lalaking gumamot ng mga sugat ko ay kahit paano talaga ay naibsan na ang gutom ko lalo na ang panghihina na ng katawan ko. Nakapaglinis na rin ako ng nanlilimahid kong katawan. May suplay naman kasi ng tubig sa b

