“She is.”
Prolouge...
Inis akong napasapo ng noo habang inip na inip na hinihintay na umusog manlang ang pagkahaba habang traffic.
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon nagkaroon ng traffic? Tch, kung tutuusin ay araw araw namang may traffic pero mukhang mas malala ngayon. Ngayon ko makikita ang mga Carson at hindi ako pupwedeng malate dahil bukod sa lagot ako kay mom ay nakakahiyang paghintayin sila.
Ang sabi ni Mom ay kahapon ang arrival ng anak ng Carson, which is, mapapangasawa ko. Ayaw ko mang isipin ay hindi ko mapigilan lalo na't ito ang dahilan ng pagpunta ko sa building nila, ang Carson Philippines.
Napakalayo pa naman ng Company dito, I don't know what to do now!
Medyo nakahinga ako ng maluwang nung umusog na na konti ang traffic. Nakangiti kong pinihit ang manibela ng kotse ni mom at sumunod sa pag usad ng maraming sasakyan.
Dumiretso ang galaw ng paunti unti hanggang sa maya maya pa ay may sumingit na sa harap kong isang itim at magarbong sasakyan. Umawang ang labi ko at inis na bumisina. Muli ko iyong ginawa pero mabilis nang naagaw ng kotseng iyon ang puwesto ko.
Anak ng!
"Argh!" inis kong sabi at muling bumusina ng sunud sunod. Napansin kong hindi na muling gumalaw ang mga kotse. Traffic ulit.
Mas lalo akong napaamang nung umilaw ang dalawang maliit na ilaw sa likod ng sasakyan na para bang sinasabi na maingay ako.
Inis kong binuksan ang pinto ng kotse ko at dire diretsong lumapit doon.
Even though, the heels that my mom gave me were too high, I was still able to walk closer to that car.
"Hoy!" inis kong tinapik ang winshield. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa paligid.
"Buksan mo 'to!" inis ko muling dagdag.
Hindi iyon bumukas kaya inis akong napabuga ng hangin sa kawalan at muling tinapik ang winshield. Hindi ko nakikita ang tao sa loob pero isa lang masasabi ko, nagmamadali ako at eto siya, sisingitan ako? Mali 'yon!
"You don't know how hurry I am now and I hope you know that this's so traffic, it's forbidden to enter the occupant place!" hindi mapigilang sabi ko.
Maya maya pa ay bumaba ang winshield at bumungad saakin ang lalaking may suot na sunglasses. Maganda ang pagkakarko ng mukha niya at hindi ko maitatanggi 'yon. Bagaman gano'n ay hindi ko na pinansin pa. Umawang ang labi ko at nangunot ang noo ko.
"Please, get your car off my way," inis kong sabi.
"Bawal ang sumingit!" dagdag ko at tinignan siya ng masama. Hindi ko nakikita ang mata niya dahil sa suot niyang salamin. Gumalaw ang ulo niya at humarap saakin, hindi siya tulungan tumingin ngunit alam kong nakikita niya ako.
"I don't care." mabilis na umawang ang labi ko nung mabilis din niyang sinara ang winshield ng kotse niya.
"What the hell!" hindi mapigilang bulalas ko. Nagulat ako nung sunud sunod na bumusina ang mga sasakyan sa likod ng kotse ko.
"Miss, iusog mo ang kotse mo!"
"Ang tagal!"
"Traffic na nga, mas pinatagal pa!"
"Ate, iusog mo!" napapikit ako at dali daling lumapit sa kotse ko't sumakay. Labag sa loob ko iyong pinaandar hanggang sa makaabot ako ng Carson Building.
Napakagat ako ng labi at mabilis na lumabas ng kotse, ginamit ko ang iilang folder pang harang sa mga tulo ng ulan at dali daling tumakbo papunta sa building bago doon sumilong.
Napakamalas ko at umulan pa talaga!
Dumiretso ako sa Comfort Room ng building at doon nagpunas ng aking basang kamay. Basa na ang iilang folder maging ang mga damit ko. Buti na lang at hindi gaano. Halos ubusin ko na ang ilang tissue ng Comfort Room pampunas.
Nagkaroon ako ng oras para isipin ang dahilan ko sa pagpunta dito.
"Hera, c'mon, you keep being cute," narinig ko ang mga salita ni Dad noon, tila nanumbalik sa isip ko iyon. Malungkot akong humarap sa harap ng salamin at tinitigan ang repleksyon do'n. Nakakalungkot na wala si Dad, wala akong masabihan ng problema, ka'y hirap itago ang problema ng mag isa.
"Hera, she was your mother. Don't betray her. Not now." I whispered. Sinimulang kumbinsihin ang utak ko para hindi umiyak.
I bite my lip, trying to stop my emotion again. Inayos ko ang sarili ko sa salamin at sinubukang ngumiti. This is it. Kasalukuyan kong pinupunasan ang luha sa'king mukha nung magring ang aking cellphone.
Mom's calling...
Huminga ako ng malalim at agad na sinagot ang tawag. Kailangan kong mag act normal dahil kung hindi ay malalagot ako sakanya.
'Where the hell are you, Hera! Carson's waiting!'
Napapikit ako at tumango kahit hindi naman niya nakikita. Bagaman nasa telepono siya ay alam ko parin kung galit siya.
"Yes, mom. I just arranged my look, don't worry, I'm coming," I replied as I closed my bag and off the conversation. And again, I stared on my reflection in the mirror. Nawawalan ng pag asa akong huminga ng malalim.
"Don't embarass your mom, Hera."
malungkot na sabi ko sa sarili bago tinapik tapik ang aking pisngi at muling bumuntong hininga.
"Move on. Move on. Hera please, not now" napakagat labi ako at napapikit habang kinukumbinsi ang sariling kalimutan ang kung ano mang nakakahiyang nangyari limang buwan na ang nakalilipas.
Muli akong huminga ng malalim at inisip ang huling mga salita ni Shawn sa isip ko.
'Zevi, I'm sorry, I d-don't like you... I'm sorry, I cannot give the love that you want,'
Nagpaulit ulit 'yon sa utak ko pero agad ko iyong binalewala. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng Comfort Room. Napalunok ako at tumingin sa suot kong heels, ka'y hirap maglakad gamit ito pero wala akong magagawa lalo na't utos ni Mom.
Dumiretso ako sa Elevator at bawat paghakabang ko ay naririnig ko ang ng tunog ng mataas kong heels. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko itong isuot.
Tuluyan na akong nakapasok sa elevator, nag iisa lang ako dito. Huminga ako ng malalim at napapikit. Ngayon ang pirmahan para sa kasal ko-- yes, I'm getting married... to a unknown man. Ito ang dahilan ng pagpunta ko dito.
Alam kong bata pa ako para mapakasal, I have many plan and dreams for my life but I can't do anything. It was my mom's decision. How can I betray her? I cannot betray her, I can't.
Bata pa ako, twenty years old kung tutuusin, mabilis kong natapos ang ilang taon ng aking pag aaral sa kursong Mass Communication, isang taon na lang ay matatapos ko na iyon ngunit ayaw ni Mom ang kurso ko, kung kaya naman ay pinatigil niya ako at inutusang i-manage ang Cohen COMPANY and Hotels. Ako si Hera Zevian Cohen.
I had this younger sister named 'Hemerald Zin Cohen' short as Zin. Well, one year, younger than me, magkaiba kami ng ugali dahil siya mahilig sa basag ulo, hindi ko alam kung paano idedescribe ang sarili ko dahil katulad rin naman ako ng ilang typical normal girl, walang bago sa'kin.
Tumunog ang elevator kaya lumabas na ako. I used to wear pantalon and tshirt but mom refuse, she told me to wear and elegant-- not really, a formal clothes kaya naman naka formal ako ngayon, it looks like, I'll gonna have an appointment with someone high.
Nagsimula na akong naglakad papunta sa VIP floor ng building, doon ang aming meeting kasama si Mom at ang mga Carson. I'm here, infront of the door and knocked two times. Biglang bumukas ang pintuan at bumungad saakin ang isang babae.
"Hello Maam. I guess, you are Ms. Cohen?" she asked. I smiled and nodded. Niluwagan niya ang pintuan and let me in.
Itinuro niya ang daanan kaya naman nagsimula na akong maglakad sa masikip na pasilyo pero may malamlam na ilaw. It was good, kakaiba dahil iba ang labas nito sa hitsura ng dinadaanan ko ngayon. Nakasunod lang siya saakin.
Tumigil kami sa isang kahoy na pintuan, bagaman gano'n ay nakikita ko ang Dragon at Ying na logo rito.
Napatingin ako sa babae, may ibinulong siya habang hawak ang kung ano sa tenga niya. Sa tingin ko ay may kausap siya.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto, bumungad saamin ang dalawang lalaking nakaitim, may kung ano na nakasalpak sa tenga. Inutusan akong pumasok ng babae, wala na akong ibang nagawa kundi sundan ng daanan. Ilang sandali pa ay nakita ko si Mom na nakaupo sa mahabang office table kaharap ang isang ginang at isang ginoo, mukhang kaedaran rin niya.
Napatingin silang lahat saakin. Lumapit ako sa kanila at yumuko upang magbigay galang.
"How are you, Maam? I'm Hera. " pormal na bati ko sa ginang.
Nakatingin lang saakin ang ginang gano'n na din ang ginoo na alam kong asawa niya, maganda ang ginang at guwapo naman ang ginoo. Hindi ko iyon maipagkakaila.
"She's beautiful, Hanna," napalunok ako sa puri ng babaeng kasing edad lang ni mom. Narinig ko ang tawa ni mom.
"Of course, Haz. Kanino paba nagmana?" nakangiting sabi ni mom. The old woman just smiled. Napakaganda niya at bumagay ang pangalan niyang 'Gazei' sakanya.
"Hija, c'mon, sit down" utos ng ginoo na agad ko namang nagawa. Naupo ako sa upuang katabi ni Mom. Sinubukan kong maging pormal wa harap nila.
"I'm Haz and he's my husband, Cyroh." ngumiti ang ginang matapos magpakilala. "Goodmorning Mr. and Mrs. Caron, I'm Hera, nice to met you." pormal kong sagot sakanila, pinilit kong hindi mautal.
"So, how old are you again, hija?" tanong ni Mrs. Hestia, pormal at nakangiti.
"Twenty years old, Maam," sagot ko at ngumuti. Tumango lamang siya at tumingin sa asawa.
"Hon, do you wanna ask something to Ms. Cohen?" Mrs. Haz asked her husband, nakangiti at naghihintay ng sasabihin nito.
"Well, hija. Do you in favor about this marriage?" natigilan ako at napatingin kay Mr. Cyroh dahil sa tanong niyang iyon.
"P-po?" gulat na tanong ko, tila umawang ang labi ko.
"I said, are you in favor about this marriage?" pormal na sabi nito at uminom ng kaniyang wine na nasa mesa kanina. Naglakbay ang tingin ko kay Mom.
Tinaasan niya ako ng kilay at kunyaring ngumiti. I cleared my throat and smiled confidently.
"Y-yes. Yes, of course, Sir." pilit ngiting sabi ko, pinipigilang sabihin na talagang hindi ako payag sa kasunduang ito. He looked at me and nodded.
"Good. I thought, you just force,"
"N-no Sir--"
Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Call me dad, don't bother to call me Sir, hija. " bagaman seryoso ang mukha ay hindi naman nawala ang ngiti sa gilid ng labi niya. Napakaguwapo niya. Napalunok na lamang ako at ngumiti.
"Wait, Hon. Where's Cash?" napatingin naman ako kay Mrs. Carson nung sabihin niya 'yon.
Cash?
"He's coming," his husband replied.
"When did he arrived, Haz?" pormal na tanong ni Mom matapos uminom sa kulay asul na inumin sa mesa.
"Yesterday morning,"
"He must be very tired, Nicé is really so far," ani naman ni Mon matapos sagutin ni Mrs. Gazei ang tanong nito. What does she mean Nicé?
"Yeah and he's not really into Philippine's so he's adjusting, that's the reason, maybe, why he's late..." nakangiti at iiling iling na ani Mrs. Haz. Bagaman hindi nila sabihin ay alam kong ang anak nila ang kanilang tinutukoy. Wala akong ideya kung sino siya, maging ang hitsura, ugali, boses ay hindi ko alam. Hindi ko siya kilala.
"Did he continued his schooling there?" muling tanong ni Mom. Natawa naman ng mahina si Mrs. Haz.
"Yes, we're planning to give him the half of Carson Philippines after their marriage." ngumiti ito kay Mom at kaswal na nagtuloy sa pagkain.
Hindi na sumagot si Mom at kumain. A seconds after ay lumapit ang isang bodyguard at may ibinulong kay Mr. Carson. Tumango ito kaya naman umalis na ang bodyguard.
"What is it, Hon?" tanong ng asawa.
"Cash is here-- oh, there he is," aniya, napatingin kami sa parating. Una kong napansin ang mahaba nitong paa suot ang gray na slocks, sunod ang pang itaas nitong bumagay sa kanyang katawan.
I saw a guy walking and stopped infront of Mr. and Mrs. Carson's side at halos mapaamang ako nung tuluyan siyang makita.
"Mom, dad," he greeted and bowed his head to form respect.
"You're five minutes late, son," ngiwi ng ama. Tumango lang ang anak nito. He looked at my mother bago naglakbay ang tingin saakin.
"You?" gulat kong sabi. Kumunot ang noo niya nung marinig ang aking sinabi, maging ako. Siya iyon! Siya 'yung nasa kotse na may itim na sunglasses kanina sa traffic, I can't believe it.
"Anong ginagawa mo dito?" hindi makapaniwala kong tanong sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay.
"You're asking the owner?" seryoso at walang ganang tanong niya.
"You know each other?" sulpot ni Mrs. Carson na agad ko namang inilingan.
"H-hindi po..." sagot ko at umayos ng upo pero hindi mawala ang gulat ko. Huwag niyang sabihin na siya ang anak ni Mr. at Mrs. Carson?
"Son, sit down" utos ni Mrs. Carson at walang pakialam niyang ginawa.
"This must be Cash? He really growned up," nakangiting sabi ni mom kay Mrs. Haz. She just smiled and nodded.
"Son, you better meet Hanna Cohen and her eldest daughter, Hera Zevian Cohen, your fiancè," pakilala ni Mrs. Carson. Umawang ang labi ko matapos marinig ang sinabi niya. Tumingin naman si Cash kay mom bago saakin. Tinignan niya ang kabuuan ng mukha ko na may seryoso at malamlam na tingin.
Nanlalaki ang mata ko. Siya? Siya? Oh, come on, brother.
"I'm Cash," he said formally. He looked at my mom and nodded, mom smiled. Bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya at awkwardness sa pagitan naming lima.
Wala naman akong magagawa sa set up na 'to, kung kasal lang ang magagawa ko para kay Dad at sa Cohen ay gagawin ko.
"So, now, Hera and Cash, your wedding will gonna celebrate this coming week--"
"W-what?" nabulalas ko. Naputol ang sinasabi ni Mrs. Haz nung magsalita ako. Maging ako ah nagulat sa sinabi kung kaya naman ay wala na akong nagawa kundi ang mapalunok sa pagkapahiya. Tumingin sila saakin.
"Why, hija?"
Napalunok ako at pilit na maging kaswal sa harap nila
"S-sorry Maam." I said as I apologized. Ngumiti lang siya. Nabibilisan ako sa mga nangyayari. Already this coming week? What the hell? napakabilis kung sa susunod na linggo na ang kasal namin-- I mean, ibig sabihin ay baka this coming days-- magkakaroon ba ng engagement party?
Marami rami pa silang sinabi pero iilan lang ang pinagkainteresan ko sa mga dinuniscuss nila. I'm doomed.
Hindi ko namalayan na nandito na ako sa kuwarto ko at malayang tinitignan ang mga butuin sa langit. There are many stars that covers all the darknes of sky. Mainit siguro bukas, I swear.
"Baby, don't you know that a star is not just a star? But also a sign for the coming tommorow?"
"Ha? What do you mean po, daddy?"
"Kapag maraming stars sa gabi, ibig sabihin ay aaraw ng mainit bukas pero kapag walang masyadong stars... Uulan o makulimlim."
"Really? Wala pong stars ngayon e. Konti lang"
My dad chuckled, "Yes baby and it symbolize that there's a rain tommorow."
I miss you, daddy. It was the last night being with dad. Ang sabi ni mom ay mayroon siyang inasekaso sa malayong lugar kaya siya umalis.
Umiiyak ako nung paggising ko ay wala si daddy. My dad is Cohen's son, his name is Riyoga Cohen, he own Cohen Hotels and Company here in Philippines. Masasabi kong successful ang pamilya ni Dad, my grandma has her own Airline in Paris, it is called CohenSky, isa sa pinakamalaking airline ng buong France.
May tatlong kapatid si Dad, si Aunti Riyeonna na panganay ay nasa London kasama ang pamilya niya. Si Aunti Roxanne naman ay nasa Paris din ngunit hindi nakatira sa Mansion ni Grandma, wala siyang asawa at anak, gusto lang niyang mapag isa at gumawa ng sariling business.
Pangatlo ay si Tito Rovielir, he's still, I think young, dahil siya ang pinakabunso, sumunod siya kay Dad. Mayroon siyang asawa, ilang buwan palang silang kasal, hindi ko kilala kung sino dahil pribado ang kanilang kasal na maging si Grandma ay hindi alam, pero balita ko ay isang Lawyer ang kanyang asawa.
"You cook well, hija..." suddenly, my dad's soft compliment popped up again. Lagi akong pinupuri ni Dad dahil magaling daw akong magluto kagaya niya. Pero nakakalungkot na sa alaala ko lang nalang siya nakikita.
My dad died. Kagaya ng sinabi ko'y may trabaho siya sa malayong lugar, hindi ko alam kung saan, hindi ko alam kung paano nangyari. Isang araw na lang ay nakita ko kung paano umiyak si Mom, hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam na wala na pala si Dad nung mga oras na 'yon.
Isa sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Nang dahil do'n ay mas kinamuhian ako ng kapatid ko, si Zin. Wala akong ideya kung bakit ba ayaw niya saakin, ang sabi niya'y puro na lamang daw ako ang pinapansin ni Dad nung buhay pa siya. Sa tingin ko'y nagseselos siya at napakatanga ko sa katotohanang hindi ko napansin iyon. Sa lahat ng ginagawa ni Dad ay palaging nando'n ako pero wala ang kapatid ko.
Lahat ng pagkaing binibigay ni Dad ay sobra saakin at sakto lang kay Zin. Ako lang din ang tinatabihan ni Dad sa kuwarto namin ni Zin. Hindi ko alam dahil masyado akong bata noon, hindi ko alam na sobra palang nasasaktan ang kapatid ko.
Nalaman ni Mom ang mga iyon matapos mamatay ni Dad, istrikto si Mom saakin at kay Zin pero mas lalo siyang humigpit saakin. Hindi ko maiintindihan.
Kinaumagahan ay nakangiti kong inayos ang host ng tubig habang dinidiligan ang mga halaman. Wala si Mang Roger, ang hardinero namin, dahil day off nila ngayon kasama si Tiya Veron, ang head of Maids at si Joan na kanyang anak at isa pa, mas gusto kong ako ang nagdidilig dahil nakikita ko ang mga tinanim kong mga bulaklak.
Napatingin ako papalabas na si Zin, nakasuot muli siyang masikip na pantalon at hoodie, hawak ang kanyang susi. "Zin, sa'n ka pupunta?" nagtataka kong tanong sakanya. Hindi siya sumulyap saakin kaya muli ko siyang tinawag.
"Anong pakialam mo?" nakakunot noong aniya at tumalikod para kunin ang motor niya sa malawak na garahe. Umawang ang labi ko at umiling iling bago muling ipagpatuloy ang pagdidilig.
Sanay na ako sa ganoong pag uugali niya. At dahil nga sa laging wala si Mom at nasa trabaho, kaming dalawa lang ni Zin ang naiiwan, kasama ang ilang mga maids.
At dahil sa wala naman akong ginagawa ngayon ay napagdesisyonan kong maglinis nalang ng aking kuwarto. Matagal na rin nung nakapaglinis ako, dahil na rin sa stressful na practices na pinapagawa ni Mom nung mga nakaraang araw.
Kasalukuyan ko nang pinupunasan ang mesa na nasa bed side nung mapansin ko ang isang maliit na teddy bear key chain. Bigla akong nanghina at wala sa sariling kinuha iyon at pinagmasdan habang naupo sa aking kama.
Galing 'to kay Shawn. Nagsimula muling uminit ang gilid ng mata ko habang inaalala ang araw na umamin ako kay Shawn . Isa iyon sa pinakakahiya at pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.
'Zevi, I'm sorry, I d-don't like you... I'm sorry, I cannot give the love that you want,'
Shawn's my long crush and first love. Malaki na ang pagkagusto ko sakanya since High School, naging kaklase ko siya at naging katabi sa upuan. Lagi kaming tinutukso dahil bagay daw kami.
Hindi ko alam kung kikiligin o mahihiya ba ako sa katotohanang iyon. Mas lalo kaming naging magkalapit ni Shawn hanggang sa ituring na niya akong bestfriend na laging kasama. Hanggang sa mag college kami ay parati kaming magkasama.
Iisang University ang pinasukan namin, ang Houston University. Sa hindi inaasan, isang araw nalang ay nalaman kong titigil na siya sa pag aaral. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot, matagal kaming hindi nagkita. Hindi ko alam ang dahilan ng pagtigil niya sa pag aaral.
Malungkot ang naging buhay ko sa ilang buwan naming hindi pagkikita. Hindi manlang siya tumatawag at nangangamusta, hindi ko maitatangging miss ko na siya. Gusto kong umiyak dahil sobrang hirap itago ng sakit at pagkagusto ko sakanya lalo na't hindi ko na siya nakakasama.
Pagkatapos ng ilang buwan ay bigla ko siyang nakita, sa last ceremony ng University, ang School Festival, sobrang saya ko dahil nakita ko siya.
Gabi ng maganap iyon. Sinundan ko siya at sinabi ang nararamdaman sakanya, inamin kong namiss ko siya, na gusto ko siya, na mahal ko siya... pero isang masakit na mga salita lang ang sinabi niya.
'Shawn, w-wala ka bang sasabihin?'
'Hera...'
'You use to call me Zevi, Shawn.'
'Zevi, I'm sorry, I d-don't like you... I'm sorry, I cannot give the love that you want,'
at matapos niya sabihin iyon ay inamin niyang ikakasal na siya. Ipinagkasundo siya ng magulang niya at ang dahilan ng pagtigil niya sa pag aaral ay dahil sa kailangan na niyang i-manage ang kanilang business sa ibang bansa.
Sobrang sakit. Sobrang sakit sa pakiramdam. Wala akong nagawa kundi ay umawang ang labi at puno ng hinanakit siyang tinignan. Natawa ako habang patuloy na rumaraga ang luha galing sa mata ko.
Tumango tango ako at binigyan siya ng thumbs up. Tanging 'Congrats' lang ang nasabi ko bago siya tinalikuran, doon bumagsak ang balikat ko at napatakip ng bibig para pigilan ang tunog ng aking iyak.
Agad akong napatingin sa teddy bear na natuluan ng aking luha na siyang nagpabalik saakin sa realidad. Muntikan nanaman akong mahulog sa alaalang iyon.
Limang buwan na ang nakalilipas matapos mangyari 'yon. Mahirap paring kalimutan, hindi ko alam kung makakalimutan ko pa ba. Hindi ko na alam kung nasa'n si Shawn at wala na akong balak na alamin pa, siguro ay kasal na siya at masaya sa buhay niya ngayon.
•••
PUBLISHED_on_wp