NAKAHANAP NG BAGONG lead si Ivan sa kaso ni Nicolette. Nahanap na ang dalawang taong malaki ang kaugnayan sa pwedeng pagtuklas ng kaso nito. Ang nurse at ang doctor. Tinapalan ni Ivan ang nurse ng malaking pera para magsalita ito, bagama't nangingimi ang nurse ay sinabi nitong kailangan nito ng proteksyon dahil ayaw nito masangkot sa anumang gulo. Sinabi ng nurse na wala naman talaga silang kinalaman sa misteryosong "pagkawala" o "pagkamatay" ng bata, ngunit alam nilang buhay ang batang babae noong isinilang ito. Kaya nagulat na lamang daw ito nang malamang patay na ito sa kapwa nurse nito. Saktong pauwi na ito nang hindi nito sinasadyang marinig ang usapan sa telepono ng isang lalaking malaki ang katawan. Ayon sa nurse, tinakot ito para huwag magsalita at binayaran ng malaking pera. Natat

