ONE: BE CAREFUL WHAT YOU WISHED FOR

935 Words
Mary Naka-ilang lukot na ako ng papel dito sa kwarto ko pero hindi ko pa rin makuha 'yung sagot sa assignment ko. Bakit ba napaka-hirap ng Calculus? Hindi ko naman 'to magagamit sa korte e. Out of frustration ay bigla ko 'yong nabato sa taong may hawak na kape at saktong nag-shoot 'yon sa mismong kape niya. Nanlaki mata ko at nataranta. Omg. Napakatanga ko talaga kahit kailan. Naalala kong wala ako sa kwarto ko kundi nasa isang coffee shop ako at naghahabol ng assignment sa major ko. Graben a talaga ‘tong araw na ‘to. Kinuha ko agad 'yung wallet ko at lumapit sakaniya. "Hala ang gaga ko. Omg sorry. Natalsikan ka ba? Palitan ko na lang coffee mo." sabi ko sakaniya at hinila siya sa counter. "Hindi. Ayos lang—" kita kong may stained na sa white uniform niya. Tinuro ko uniform niya. "Sorry talaga. Kunin mo na lang 'tong panyo ko pantakip diyan sa stain." sabi ko sakaniya. As if naman talaga na makaktulong ‘yung panyo ko para matakpan ‘yung stain.Eventually, kinuha naman niya at pinunasan sarili niya kasi may tumalsik din sa braso niya. In-offer ko 'yung bakanteng upuan sa table ko na upuan niya muna habang hinihintay 'yung kape niyang magawa. Umupo naman siya ro'n at hindi ko alam gagawin ko. Sinabi no'ng crew na ilalagay na lang sa table namin 'yong kape kaya bumalik ako sa table ko. "Uy, sorry nga pala ulit. Hindi ka ba nagmamadali? Malapit naman na ata 'yon. Pasensiya na ulit." sabi ko sakaniya. Hindi ko alam kung nakailang sorry na ako sakaniya at nakailang 'okay lang' siya. Kahit kailan talaga ay pahamak 'tong Calculus ko. Hindi ko pa man din gets sarili ko kung ba't ko kinuha 'tong course ko. "Calculus?" tanong niya sa akin habang inaayos ko mga papel ko. Tumango ako. "Super hirap. Hindi ko makuha tamang sagot." sabi ko sakaniya. Tumawa siya konti. "Sobrang hirap naman niyan." tumango tango ako. Dahil super awkward ng hangin sa pagitan namin ay chinika chika ko siya. Dahil isa akong chismosa ay nalaman kong malayo pala school niya rito pero dito niya nakuhang mag-kape at feeling ko mal-late na siya. Kasalanan naman niya ba't dito siya nag-kape. Charot. "Andrei nga pala. Med Tech." sabi niya at inabot ang kamay. Wow medtech. Nakakatakot kumuha ng dugo. Willing po ako pakuha ng dugo basta ikaw. Charot. Inabot ko kamay niya. "Mary. Economics." Ay med student. Mapanaket. Charot. Pero worth it po sakit kapag med student eme. Infairness, daming med student na pogi. Ang bango rin nila tignan. Grabeng puri naman 'to. Lord, wala ka bang ibibigay na isa riyan? At nauwi na kami sa chikahan at sa sobrang dami kong rants sakaniya ay sabay kaming na-late sa mga pasok namin. Keri lang naman pala niya mag-kape rito kasi may sarili siyang sasakyan. Naks naman. Sana all may own car. Ako? Eto, tumatakbo hehe. Sa 6th floor pa kasi next class ko na mag-sisimula na tapos nasa 4th floor pa lang ako. Kapag ako na-late, sisisihin ko pagiging madaldal ko. Buti na lang pala late prof ko kundi mamamark akong late. Ayoko pa naman ng gano'n. Nga pala. Ending sa assignment ko sa Calculus? Pinakopya ako mwehehe. Siyempre itinuro rin sa akin after kung paano gawin kasi bonak talaga ako sa numbers pero kapag pera syur. Dalawang oras ang klase namin dito kaya dalawang oras din kaming magpipigil ng ihi dahil semi strict ang professor namin dito. Baka after mo mag-cr tres ka na. Hapon na no'ng matapos lahat ng classes ko and dumiretso ulit ako sa coffee shop na tambayan ko para tapusin mga assignments and requirements ko. Busy mga kaibigan ko sa mga jowa nila kaya nag-solo na lang ako. Ok. Ako na walang jowa. Gustong gusto ko talagang spot 'tong sa may bintana. Para siyempre kapag may mga dumadaan mapapatingin sila sa akin na kunyari super seryoso kong nag-aaral pero malapit na pala akong mag-breakdown dahil hindi ko alam kung paano 'to tatapusin. Madilim na no'ng natapos ko 'yung half and dinalaw na ako ng gutom. Buti na lang at 10pm nagsasara itong coffee shop kaya nakakapag-extend ako minsan ng 9pm. Nagiging bar kasi siya ng 10pm kaya gano'n. Inayos ko na 'yung gamit ko at lumabas. Wala ganito lang buhay ko. Aral, tulog, kain, aral. Repeat. Walang katapusan. Lord, wala ka bang thrill na ibibigay diyan? Joke lang. Baka mamaya mag-bigay siya ng sisira ulit sa life ko. Malapit lapit lang 'yung dorm ko sa shop at sa school kaya hindi ko na need gumastos or mamasahe. Ayon, mag-isa na ata talaga ako forever. Charot. Nasa kabilang mga kwarto lang naman kaibigan ko. Maarte kami kaya tig-iisa kinuha naming room. Pumasok na ako at naligo. Ang dirty kaya sa labas. Nagbabalak akong umuwi sa amin bukas dahil sabado naman at wala raw pasok sa lunes kaso tinambakan naman kami ng mga minamahal naming profs and instructors. Kapag ganitong tambak ako gusto ko iwasan at idistract sarili ko like, wala akong will gumawa ng schoolworks—at napagdesisyonan kong labhan damit ko kanina. Pansin ko na wala 'yung panyo ko at naalala kong pinahiram 'yon doon sa med student kanina. Hala. Favorite ko pa namang panyo 'yon. Bawiin ko na lang kapag nagkita ulit kami pero kapag hindi na, edi wow. Charot. Sa cr ko na lang isinampay damit ko dahil all in one naman lahat doon. Wala naming magandang nangyayari sa buhay ko kasi same routine rin lang naman every day. Wala bang wawasak ng life ko riyan? Charot. Wala akong oras para riyan. Be careful what you wished for.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD