Chapter 25 Habang nagsimula na ulit ang byahe namin ay natahimik na paunti-unti ang bus dahil nagsipatulugan ang mga kasamahan namin. Nilabas ko ang microwaveable foods na binili ko—niya at binigyan si Nicollo. Nang nag-amba siyang pumrotesta ay sinamaan ko siya ng tingin kaya alanganing tinanggap niya lang eto. Napatayo ako sa kinauupuan ako at tinignan ang tao sa likod ng upuan namin na ngayon ay gising na at nakatalikod sa isa't isa. "Here." I offer sa kanilang dalawa ang dalawa pang box ng food. Hindi na ako tumanggap ng pagtanggi at pag-abot nila ay bumalik ako sa pagkakaupo. Mahaba pa ang byahe at sobrang aga pa—sasama ang pakiramdam nila if hindi sila makakain niyan. Maya't maya ay naramdaman ko na binuksan na nila ni Zandro at Hyojin ang kanila at narinig ko ang pagkain na nil

