❦ ABATTB - 29

1459 Words

SAMANTALA, HINDI naman mapakali ang tatlong binata habang nasa loob ng emergency room si Andrea. Ang unang tinawagan ay si Rihan, dahil ito ang nasa dial speed ng dalaga. Hindi naman natiis ni Rihan na hindi iyon ipaalam kay Reeve at Jedric. Dahil kung ito ang mga nasa sitwasyon niya, nanaisin niyang ipaalam sakaniya ang sitwasyon ng dalaga. Lalo na't isa sakanila ang pwedeng maging ama ng anak ng dalaga. Si Reeve ay parang hindi mapairing manok at kanina pa lakad ng lakad sa lobby. Siya naman ay nakaharap sa dingding at tila doon nilalabas ang frustration. Si Jedric naman ay bagama't nakaupo, makikita rin ang labis na pag-aalala para sa babae. Hindi na nila alam kung ilang oras na silang naghihintay sa lobby nang lumabas ang Doctor sa emergency room. "Sino po ang guardian ng pasyente?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD