WEEKS AFTER Kanina pa pangisi-ngisi si Jedric nang matapos ang huling taping nila. Inabutan siya ni Rob ng isang malamig na juice. Nakangiting nagpasalamat siya rito. "Ang galing mo lalo umacting ngayon ha? Inspired ka yata? Dati-rati inaabot tayo ng ilang take bago mo ma-perfect 'yung isang scene, ngayon isang take pa lang kuha mo agad," ani Rob sakaniya. Mas lumawak ang ngisi sa labi niya. Sino bang hindi ma-i-inspired? Nalaman lang naman niyang may posibilidad na siya ang ama ng anak ni Andrea. Iyon pa lamang ay parang nanalo na siya sa sweepstake. Kaya naman mas ganado talaga siya magtrabaho ngayon. "Masaya lang ako." sagot niya at hindi na sinabi pa rito ang tungkol sa nalaman nila ng dalawang binata. Ayaw niyang magkaroon sila ng gap ni Rob at baka isipin pa nito ay pinaghihin

