3 MONTHS AFTER Mahimbing na mahimbing na ang tulog ng tatlong binata. Kalagitnaan na ng madaling araw. Si Andrea naman ay nagising dahil sa kakaibang sakit ng kanyang tiyan. Parang humihilab 'yon na hindi mawari. Mas masakit pa sa tuwing menstruation siya. Kaya naman nakangiwing tumayo siya ng kama at paika-ikang tinungo ang terasa ng kwarto niya. Pati ang balakang niya ay nanakit ng sobra. Napahawak siya sa railings ng terasa. Kumukuha ng lakas at nag-iinhale exhale. Isa 'yon sa mga natutunan niya nang i-enroll siya sa learning center ng tatlong binata. She must be prepared for this. Pero iba pa rin talaga kapag nasa sitwasyon ka na ng panganganak, mahirap nang ma-apply ang natutunan. Muling humilab ang kanyang tiyan. Napaungol na siya sa labis na sakit. Hindi na niya kaya. Tingin ni

