ANIM NA buwan na ang tiyan niya ngayon at malaki pala siya magbuntis. Hindi siya nagpasuri sa OB niya ng gender ng bata dahil gusto niyang naroroon ang excitement na malaman kung babae ba ito o lalaki. At tulad ng ibang babae ay naglihi rin siya. Pero noong una lang iyon... pinagtaka niya na kay bilis natapos ng paglilihi niya. Bagkus... Maasim na maasim ang mukha ni Reeve nang bumaba sa hagdan. Nakahawak pa ito sa balakang nito na tila sobrang nananakit 'yon. Nasa hapag-kainan naman silang tatlo ni Jedric at Rihan. Nagse-set na sila ng plato. "Oh, ano'ng nangyayari sa'yo?" takang tanong niya sa binata. Pero hindi siya pinansin nito at dumaretso ito sa lababo at doon ay nagsuka. Ilang beses pa itong nagduwal. "Ha... ayoko na..." hirap na hirap na sabi ni Reeve habang sinandal ang noo sa

