PINATAWAG SI Jedric ng kanyang manager isang araw. Nagulat man dahil madaling araw na 'yon ay umalis siya ng bahay na hindi nagpapaalam sa kapatid. Kilala niya si Rob. Hindi ito tumatawag para lamang sa mga walang katuturang bagay. Natitiyak niyang importante ang sasabihin nito. Sa condo unit siya dumaretso ng Manager. Nakaboxer shorts lang ito nang maabutan niya. "Rob, ano'ng atin?" takang tanong niya. Napangiti ito at inalok siya ng maiinom at makakain. "Sorry naistorbo pa kita, ah. Pero mag importante lang kasi akong hihingiin sa'yong pabor," Napakunot-noo siya. "Sure, what is it?" "Mangako ka munang papayag ka," Tumanggi siya. "Ayaw ko nga. Kilala kitang tuso, baka ano pa 'yan eh," Natawa ang lalaki at binatukan siya. "Siraulo! Don't worry hindi naman 'to illegal. Pero important

