PAGKAUWI SA Metro Manila, ay agad na isinalpak ni Andrea ang katawan sa kama. Masama ang pakiramdam niya at pakiramdan niya ay tatrangkasuhin siya. Nagkahiwalay na sila ng tatlong lalaki pagkatapos ng mga ito ihatid siya sa unit niya. Si Rihan naman ay dumaretso muna sa sarili nitong unit dahil kukuha raw ito ng damit at gamit. Wala na siyang lakas para pigilan pa 'yon dahil masama talaga ang pakiramdam niya. Masakit ang mga kasu-kasuan niya at pakiramdam niya'y binugbog siya ni Pacquaio. Binuksan niya ang aircon sa mahinang temperatura at binalot ang makapal na comforter sakaniya. Mabilis naman siyang nakatulog. ~ SAMANTALA, nasa labas pa lang ng bahay si Reeve ay nakita na niya ang nakabusangot na pagmumukha ng Tiya niya. Tila isa itong nagger wife dahil sa suot nitong daster at nak

