SABADO. DAY-OFF ngayon ni Andrea. Ngunit nanatiling bukas pa rin ang clinic niya at ang kanyang mga staff ang tumatao roon. Ang tatlong binata naman ay may mga gagawin mamaya. Si Jedric ay may shooting, si Reeve may kakatagpuing kliyente at si Rihan naman ay may inaasikaso na hindi naman sinasabi. Maaga siyang nagising at nagdesisyong magluto ng almusal para sakanilang apat. Simula nang tumira siya rito, masyado siyang na-pamper ng tatlo at para siyang reyna kung ituring. Kaya naman ngayon ay talagang binalak niyang paglutuan ang tatlong binata. Nagluto siya ng tortang cornedbeef, mashed potato at chicken sandwich. Nagluto rin siya ng sinangag. Itinapat niya ang ilong sa aroma ng niluluto at napapikit siya sa bango n'yon. "Hmm, sarap." nakangiting aniya sa sarili. Naghanda na siya ng m

