GIGIL NA GIGIL si Andrea habang nag-aayos sila pauwi. Akala niya kay Reeve lang sasakit ang ulo niya, hindi pala. Maging kay Rihan at Jedric din pala. Sino'ng mag-aakala na susunod ang dalawa rito? Nang matapos siya ay naghihintay ang tatlong lalaki sa labas. Hindi niya tinignan ang mga ito, bagkus humarap siya sa mga matatandang buo silang tinanggap doon. Yumuko at nagpasalamat. "Aalis na po kami. Maraming salamat po sa kabutihan niyo at pagtanggap dito saamin," "Walang anuman," sagot naman ng mga ito. "Hija, sino ba rito ang asawa mo?" tanong ni Mang Toni. "Ako po," sabay sabay na sagot ng tatlong hudas. Sa nakikitang reaksyon ng matatanda, ay tila aatakihin ang mga ito sa puso. "Playgirl ka pala hija... m-masama 'yan," iiling iling na sabi ng mga ito. Sumingit ang ginang. "Huwag

