At three o'clock in the afternoon, halos maluha-luha na si Claire sa harap ng computer nito, at nakailang request na rin ng kape ang among hanggang ngayon ay wala pa rin sa mood. Kaninang lunch break, sumabay pa ito sa kanila ni Owen na kumain sa paboritong restaurant nito, kaya halos hindi rin sila nakapag-usap ni Owen ng sarilinan. Yes, she was disappointed, pero wala namang magagawa si Claire, dahil halos ang dalawang magkaibigan lang naman ang nag-uusap, at siya nakatingin lang dito habang kumakain. Obviously, she was out of their league, kahit sinasali naman siya ni Owen sa usapan at inignora naman siya ni Luke. At ngayon nga, sa dami dami ng ginagawa niya halos di na siya nakatayo sa desk to get herself something to eat. Hinawakan niya ang maliit na pulang flag at napabuntong hinin

