One week later, sabado na naman ng gabi. Isang linggong nakapag pahinga si Claire sa pag-aasikaso sa kapritsohan ng amo niyang si Luke Watson dahil nagbakasyon ito sa London at bukas pa ang uwi nito. Isang linggo na ring silang nagtatawagan at nag-uusap ni Owen, at araw araw din itong nagpapadala sa kanya ng bulaklak, tsokolate, at ng kung ano anong mga bagay-bagay na nagpapasaya sa kanya. Nanliligaw na ito at ngayon ngang gabi, nagkasundo silang mag dinner ngunit kani-kanina lang ay tumawag ito at nagpaliwanag, humingi ng pasensya dahil may emergency daw itong trabahong inaayos sa Bulacan at hindi anito tiyak kung makakaabot pa ito sa dinner date nila. And though Claire was disappointed, wala naman siyang magagawa kundi intindihin ang lalaki. At heto nga siya sa isang sosyal na restaura

